3

138 8 0
                                    

Chapter 3

"So basically, there is this very powerful witch that live in the deep forest in Thailand. Who doesn't want to get involve with anyone and decided to sleep. At nagkataong yun ay walang iba kundi ang Ancestor Witch?" Paguulit ko sa kwento ni Rosé

Nakapasok na kami sa invisible barrier at naglalakad nanaman.

"Wow, all this time nandito lang pala ang pinaka makapangyarihang Witch sa lahat." Jisoo Unnie is really amazed.

"Jennie, remember this. May chance n kahit ilang beses natin sya gisingin hindi sya magigising. At kung sakali man na magising sya baka hindi ka nya tulungan." Seryosong sabi ni Rosé sakin.

I nod. "I'll do everything that I can."

Then bigla nanaman tumigil si Rosé and this time kahit ako nakikita ko kung bakit, may bago nanamang barrier at sa gitna nun ay may isang mansyon.

"Napakarami namang barrier dito." Sabi ko. This is the 4th barrier.

"Yung unang barrier ay para maitago ang parteng to sa kahit sino, ang pangalawa ay para masala ang sino mang may mahinang magical power, ang pangatlo ay para di makapasok ang walang permiso at itong barrier na to ay ang totoong defensive magic." Paliwanag ni Jisoo Unnie.

"Walang kahit anong magical at physical attack ang makakasira nito. Proteksyon to para sa mansyon." Sabi ni Rosé. Hinawakan nya ang kamay namin ni Jisoo Unnie at hinila kami.

"Pero bakit ikaw lang ang may permiso na makapasok?" Tanong ko.

"Tatlo kami. Ako, ang nanay nya at ang lola nya." Sabi ni Rosé. "She's  my bestie you know."

Paglagpas namin sa barrier hindi ko mapigilan ang mamangha sa paligid, ang daming mga bulaklak na tila umiilaw.

"Kaya pala may barrier na pinapapasok lang ang may mataas na magical power. Sobrang taas ng magical energy sa paligid." Namamanghang sabi ni Jisoo Unnie.

"Tama, kung mababa ang magical power hindi kakayanin dito. Siguradong masosuffocate sila." Sabi ni Rosé, tapos napatingin sya sakin. "I'm actually surprised na kinakaya mo."

Vampires unlike what you see in the movies have an average magical affinity. Pero may mga iba samin na may special traits and being a pureblood Vampire have its own merit.

"I have a special trait. Walang kahit anong magic ang tumatalab sakin." Sabi ko kay Rosé.

"Magic nullification? Tsk, isn't that a cheat?" Namamanghang sabi ni Rosé.

"Yep, she's a real life cheat. Since Vampire sya mataas ang defense nya tapos malakas at mabilis pa sya. Physically walang makakatalo sa kanya tapos di pa tatalab ang magic." Naiiling naman na sabi ni Jisoo.

"Bakit parang kasalanan ko?" Madramang sabi ko naman.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan. Nang kumalma kami naglakad na kami papunta sa mansyon. Halatang luma na ang mansyon, dahil sobrang out of style na sya, pero kahit na ganun kala mo bagong bago ang itsura nito dahil wala man lang kahit isang dumi akong nakita.

Maybe because of magic?

Pagpasok namin, umakyat si Rosé hanggang sa pinaka huling floor na attic na pala. Walang kahit na ano sa attic maliban sa isang kama sa gitna nun na nasisinagan ng araw na nanggagaling sa bintana.

Unti unti kaming lumapit pero agad ding huminto si Jisoo at Rosé.

Pero nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko maintindihan pero parang may nagsasabi sakin na lumapit ako.

"Another barrier?" Sabi bigla ni Jisoo.

"This one is meant to protect her. Dito lang ako walang permiso kaya hindi ko sya magising." Sabi naman ni Rosé

Calypso's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon