7

132 8 0
                                    

Chapter 7

"It's already September Hon, kailan ka ba babalik dito?" Tanong sakin ni Kai. "Miss na kita."

"Magkikita din tayo Kai. Konting tiis na lang okay." Sabi ko sa kanya, I don't know why pero wala ako sa mood na kausapin sya ngayon.

"But Hon! Kahit Christmas at New Year lang!" Sabi nya sa kabilang linya. Maririnig ang pagtatampo sa boses nya.

Tila may kumirot sa puso ko dahil sa boses nya. I know Kai just want to be with me at yung special occasion lang naman ang hinihingi nya sakin baka naman pwede ko na syang pagbogyan dun. "Okay, I'll go there." Sabi ko na lang para matapos na ang usapan.

"Yes! I love you hon."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa naririnig kong saya sa boses nya.

"I love you too." I said.

After the call ended parang napapagod na napahiga ako sa kama ko. I been feeling off for months now.

Aminado akong may mga pagkakataong nawawala na sa isip ko si Kai at lagi yung nangyayari sa mga panahon na kasama ko si Lisa.

Alam kong dahil lang sa trial ni Lisa kaya nangyayari to, idagdag pa na nagiging madalang ang paguusap namin ni Kai kung dati ay araw araw ngayon ay halos isang beses sa isang linggo na lang, yun ay dahil bumalik na sa pagtratrabaho si Kai at inaasikaso nya rin ang kasal namin.

Bago ako bumalik dito sa Thailand nakumbinsi ako ni Kai na magpakasal na sa kanya pagkatapos ng isang taon.

Pero kahit anong rason at kumbinsi ko sa sarili ko may parte sakin ang hindi kumbinsido at may sariling theory kung bakit tila nagbabago ako.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng biglang bumukas ang pinto at isang nakangiting Lisa ang pumasok sa kwarto ko.

I sigh, this always happen, pumapasok na lang sya basta sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

"Ilang be-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Lisa.

"Let's go see the stars!" Sabi bigla ni Lisa.

"Huh? Saan naman." Tanong ko.

"Norway." Sabi nya.

I look at her as if she is crazy, but I know that she is serious.

"Wala kang jac-"

Hindi na nya ako pinatapos sa pagsasalita at hinila na nya ako papasok sa isang pinto at gaya ng inaasahan nasa ibang lugar na kami. Nasa loob kami ng isang tila cabin.

"Bambam!" Tawag ni Lisa sa lalaking nanlalaki ang mata na nakatingin samin.

Sa malapitan dun ko napansin na isa syang elves.

"Lisa." Nagyakap sila.

"Kamusta ka na?" Nakangiting tanong ni Lisa.

"Ayos lang. Ikaw? Gising ka na pala." Nakangiti nitong sabi.

Dun ko lang napansin na naguusap sila ng Thai. Lisa give me an auto translator medicine para madali sakin ang tumira sa Thailand.

"This is Jennie by the way." Sabi nya sabay turo sakin.

"Hello Jennie." Bati sakin ni Bambam.

Habang nandun kami dun ko nalaman na Thai si Bambam, na nakakapagtaka na merong nationality ang isang demi human, pero yun na nga, Thailand native sya pero napagdesisyunan nyang dito sa Norway tumira. At kaya dito kami nagpunta ni Lisa ay para pakiusapan si Bambam na bumili ng mga gagamitin namin.

I look at Lisa in disbelief when she said that while Bambam just laugh it off. Sabi nya walang mangyayari kung iisipin logically ang mga weird ideas ni Lisa.

Calypso's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon