CHAPTER 1

929 29 5
                                    



LEON's POV

"Leon, anak? Saan ka na naman pupunta?" mahinahong tanong ni mommy na ngayon ay nasa sala at abala sa panonood ng TV. Nakapatong ang dalawang paa nito sa console table habang bahagyang nakatingala, mukhang may inilagay na naman itong kung anong maskara sa mukha niya.

"Night out lang mom. With Clarence and Kris." maikling tugon ko at nakita ko na agad ang pagbabago sa eskpresyon ng mukha niya.

"Leonel, let me just remind you na kakagaling mo lang." nagbabanta ang boses na usal ni mommy.

Bahagya akong ngumiti at nilapitan siya upang yakapin. Natawa pa ako dahil pinipigilan niyang gumalaw para lang hindi malukot ang maskarang suot nito.

"Mom, i learned. I won't promise not to make mistakes anymore but i'll promise to be a better man." i assured her.

Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga niya bago nilagay ang kaliwang kamay sa pisngi ko at marahang hinaplos iyon.

"You will not play with someone's feelings anymore?" malambing na tanong nito. Me, being a mommy's boy just shooked my head while still hugging her from the side.

"Hindi ko na makikita ang mukha mo sa facebook ulit, Leon ah?" mula sa pagiging malambing ay naging pagbabantang ani niya.

I just chuckled and hugged her tighter.

My mom have been through a lot. From my dad hanggang sa'kin na anak niya. Kaya ngayon, gusto ko lang iparamdam sakanya kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng pasensyang binigay niya sa'min ni daddy.

"Mom, how's your heart?" tanong ko. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagulat ngunit agad din siyang natauhan bago ako tinapunan ng tingin.

Matipid itong ngumiti at ngayon ay niyakap rin akong parang bata. Tulad ng dati, pag hapon ay lagi lang akong nakapulupot kay mommy. Palibhasa'y abala lagi ang daddy sa trabaho. Kaya from daddy's boy ay naging mommy's boy ako. Lalo na't lagi ko siyang nakikitang umiiyak noon. Doon nga nagsimula ang sama ng loob ko sa ama.

"Mahirap man paniwalaan anak, pero i'm feeling better now. Nararamdaman kong bumabawi na ang daddy mo sa'kin..sa'tin." Totoo. Simula nang makabalik kami galing Mabini ay napansin ko ang malaking pagbabago sa pakikitungo ni daddy. Simula din non ay hindi ko na narinig pang umiyak muli si mommy.

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya habang nagku-kwento. Nakatingin lang ito sa malayo at parang inaalala ang mga pangyayari kailan lang. One thing  is for sure, she's now crying because of happiness and contentement. Hindi tulad ng dati na ramdam mo ang sama ng loob.

"K-kahit hindi ko na mahigitan si Magdalena. Basta alam ko lang maibigay niya sa'kin yung natitirang puwesto ayos na." she stuttered that made me tighten my hug even more.

My heart is crying for her. But i can never blame Magdalena nor my dad. Lalo naman si mommy. Kasi pare-parehas lang silang nagmamahal. Ang masaklap lang, sa iba't-ibang paraan.

"I love you, mommy. Ako buo pagmamahal ko sa'yo." Ang cheesy but i really want to make her feel better..and i'm glad i did because i saw a glimpse of smile nang sabihin ko iyon.

"Ikaw talaga, marunong kang magbitaw ng salita. Kaya hindi na ako magtataka kung pati ako ay mine-message ng mga girls mo.." natatawang usal niya.

"Mom, i told you it won't happen again. I swear, i learned." nakanguso man ay seryosong tugon ko.

"She really did taught you right, ha?" she said referring to Magdalena.

Yeah, she really did. And how i wished i really learned all of that with her. Not as a dream but as a real person i could spend my life with.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Not (Sequel of Magdalena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon