[2]
xxxxxx
[A/N: Sorry kung matagal bago ako nakaupdate~ pinalipas ko kasi muna ang holy week. At dahil maikli ang chapter 1 babawi ako. Sorry din pala sa mga errors :)]
xxxxxxx
(Janna Joy's POV)
*hingal*
hush. Takbo pa rin ako ng takbo. T_T
Napakaimportante nito para sa akin na halos nga di na ako makatulog sa kahihintay sa pagrelease nito sa market eh.TT_TT
Masisi nyo ba ako kung ganito ito kaimportante para sa akin? Isang buong concert kaya ng BTS ang nakafeature sa loob ng magazine na ito.>3<
Hinanap ko na ito sa online stores pero wala akong mahanap. According nga doon sa mga nakausap ko wala daw available ng ganitong issue sa kanila kundi sa NBS lang daw at sa mga branch ng 7/11 at kung meron 3-4 copies lang daw ang meron.
Pumunta na rin ako sa website ng Spark Magazine pero sabi nila wala na daw naideliver na daw yung iba tapos wala na daw silang stock.
Diba ang saklap?>_< Para na nga akong baliw dahil araw-araw na nga akong tumatambay at nag-aabang sa 7/11 branch na ito tapos palagi din ako nagbibilin sa mga kapatid ko kapag umaalis sila ng town namin para tingnan kung meron ng ganitong issue sa mga branch doon ng NBS at 7/11.>>____<<
Huhuhu TTT____TTT
Kawawa naman ako kung hindi ko mabili ito. Kung bakit naman kasi ito pa ang ginawa nilang limited edition. >__<
Eto na nga lang ang gift ko sa sarili ko para sa birthday ko kasi hindi na nga ako nakapunta sa concert nila.
Hindi ko na nga nakita si Jungkook ng live sa historical nilang concert tapos hindi ko man lang makikita kahit sa magazine man lang? Na man!
Hindi naman sa hindi namin kayang i-afford ang ganoong mga concert...kaso si papa kasi ayaw niya ng masyadong maluho.T^T
Okay lang naman sana kay Papa na maging fan kami ng kahit anong grupo basta ba sa yung pinambibili namin sa mga posters at kung anu-ano pa nina ate ay galing sa ipon namin tapos hindi makakaapekto sa pag-aaral namin, pero sa mga ganito hindi kami pinapayagan.><
Malayo pa ang bahay namin sa ginanapan ng concert tapos hindi pa umabot yung ipon ko sa halaga ng concert ticket kaya kahit anong gawin ko wala akong nagawa. TT_TT
Kulang na nga lang magchant ako ng ganito: 'Oh magazine sayo nakasalalay ang buhay ko! Sana'y ikaw ay mapasaakin na upang lumigaya ang puso ko!'
Huhuhu. Masyadong malupit ang tadhana sa akin TT_____TT
At dahil nga sa sobrang saklap ng tadhana sa akin hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako sa sobrang pagdaydream ko at pag-isip sa nag-iisang bagay na nasa isip ko. M-A-G-A-Z-I-N-E
"Aay! Sorry po manong!" sabi ko sa lalaking nasa harap ko.
Sa lakas ng impact nahulog yung mga gamit ko tapos natumba ako kaya bale nakatayo siya samantala para naman akong tangang nakaupo dito sa gilid ng kalsada.
"I'm sorry miss"sabi ni manong habang tinulungan niya akong makatayo at pulutin yung mga gamit ko. Ang weird naman ni manong tirik na tirik ang araw, nakajacket, nakashade tapos nakacap pa pero infairness mabangoXD.
"Ok lang po manong. I can handle... ako na po bahala dyan sa mga gamit ko." sabi ko habang pinupulot ko yung ibang mga gamit ko na nakakalat. Bukas pala yung bag ko. Nakalimutan ko lang sigurong isara dahil sa kamamadali ko.
Patuloy pa rin siya sa pagpulot ng gamit ko. Psh. Hindi ba to marunong makaintindi ng tagalog at tuloy-tuloy lang siya sa pagpulot niya ng gamit ko? Hindi naman sa hindi ko kailangan ng tulong niya kaso pinagtitinginan na kami ng mga tao, ang weird pa naman ng suot niya baka isipin nila kasama ko pa siya.
"No, it's ok..it's my fault by the way.."
O_O Omo~ english speaking si kuya? Parang may kaparehas siyang boses pero ang gwapo ng boses niya!
"Thanks..."sabi ko.
Pupulutin niya na sana yung last na gamit ko nang biglang nahulog yung shades niya at parang bang nagslowmotion ang paligid ng magsmile siya sa akin.
Processing...
Processing...
Processing...
Loading...
Loading complete.
O_O
Oh My GOSH!
"JUNGKOOK??"
*to be continued*
x end of [2] x
xxxxxxxxxx
[A/N: Ayan eto na ang chapter 3. Pambawi~ One shot lang po pala ito baka hanggang 5 chap. lang ito. Salamat! Pls. Read Vote and Comment.]
xxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Fan Girl's Life
Fanfic"In every fan there is only a simple dream... ..in every fan girls life there is a dream... ..in every fan girls life there is a life... ..in every dream there is a FAN GIRLS LIFE."