[1] (edited)
(Janna Joy's POV)
Hayyyzzzttt... ang boring =_= ... ano kayang pwedeng gawin?
Lunch ngayon at nag-iisa lang ako sa upuan ko. Hindi naman ako loner... pero hindi lang talaga ako palaimik pwera na lang kung nandyan ang mga kaibigan ko at tsaka hindi ko naman kaclose ang ibang mga kaklase ko.=_=
I am Janna Joy S. Zaldivar. Third year na ako dito sa school namin pero kaunti pa rin talaga ang mga friends ko. Hindi naman sa hindi ko sila gusto pero hindi ko lang talaga feel makipagclose sa kanila. ==________==
At dahil nag-iisa ako dito sa classroom, hinanap ko si Rosemarie. Isa siya sa mga friends ko at siya ang pinaka-close sa akin.
Second year ko siya nakilala at masasabi kong magkasundo kami sa lahat ng bagay paminsan-minsan.
Argghh..! Kainis naman naglakwatsya na naman siguro yun..ayaw ko namang matuyuan ng laway dito nu'! Pero on the second thought atleast walang maingay.. walang magu-
Ah! alam ko na kung ano ang gagawin ko! Manunuod na lang ako ng videos ng pinakamamahal kong BTS~^___________^
Yeah you heard it right. Bangtan Sonyeondan o mas kilala bilang Bangtan Boys o BTS. I am an ARMY!
Kasali ako sa iba't-ibang fandom ng iba't ibang KPOP idol group katulad ng Exo, Got7, B1A4 at iba pa..kaso ewan ko ba..mas lamang sa kanila ang BTS para sa akin..^_^
Hindi lalagpas sa sampu ang mga kaibigan ko at lahat sila halos mga army din at mga member din ng iba't ibang KPOP fandoms. Ewan ko ba pero lahat ng mga kaklase namin tawag sa grupo namin ay KPOP...>_< siguro dahil lahat naman talaga kami adik sa Kpop pero hindi naman yun ang pangalan ng grupo namin><.
Ilalagay ko na sana ang headset sa tenga ko ng may biglang tumi-
"Jannneeeeeeyyyyy!!!!!!" sabi ko nga may tumili==_==
Sino pa nga ba? Edi ang magaling kong kaibigang si Rosemarie. Kasama niya si Hanica, isa rin sa mga friends namin at may bias kay Jin.
Tawag niya dito 'ATE' kahit alam naman niyang mas matanda siya dito at sa amin.. pero ewan ko ba sa kanya sanay na siyang tawagin ito ng ganoon.
May pagkachildish kasi siya ng konti tapos loud pa. Bias niya si Chanyeol ng Exo at Myungsoo ng Infinite pero ARMY din siya kaso wala siyang bias sa BTS. Si Hanica may pagkamature kesa sa kanya kaya siguro ganoon.
"Oh?"tanong ko sa kanila
"OMG! OMG!!!"
"Uhh..teka ano nga?"
"Janneyy! di ka maniniwala sa nakita namin!" singit ni Hanica na mukhang excited na excited.
"Wait! Teka lang pahingahin mo na muna ako,ok?" kontra naman ni Rosemarie sa kanya...hahaha mukha silang pagod na pagod.. tumakbo siguro itong dalawa papunta rito..
"Sige hinga ka muna..breath in.. Breath out.. oh.. ano ok na?" natatawang tanong ko.
"OMG! Janney di ka talaga maniniwala sa nakita namin ni Ate~!"tili ni Rosemarie sa akin.
"Yah! Tama! Alam mo bang nakakita kami ng Limited Edition ng Spark Magazine at ang cover ay ang BTS sa 7/11... eto oh tingnan mo.."sabi sa akin ni Hanica habang pinakita sa akin yung hawak niyang supot.
"Meron pa ba nito?" tanong ko sa kanila. Matagal ko ng alam tungkol sa issue na ito ng magazine kaya may ipon na ako para talaga dito.
"Ahh...Oo kaso tatlo na lang ata ang nandoon..diba ate?" tanong niya kay Hanica na tumango naman sa akin.
"TALAGA!??" sigaw ko. Naku!! mabilis pa naman maubos ang spark magazine dito! kasi naman madami kayang mga KPOP din sa school namin at sa ibang school..at tsaka bihira lang magrelease ng mga magazine ang nag-iisang 7/11 branch dito sa town namin.
Mabilis kong kinuha ang wallet ko sa bag ko at nilagay sa bulsa ko habang dala-dala ko sa likuran ko bag ko...tumakbo ako ng mabilis pa labas.
'It's now or never....' I said to myself
"Teka Janneyyy! Sasamahan ka na namin!" sigaw ni Rosemarie sa akin.
"Wag na! Kaya ko ito! Babalik din ako kaagad! Mahirap na baka malate tayong tatlo!"sigaw ko pabalik sa kanya habang mabilis na tumatakbo..malapit ng bell at baka maubos na yun kaya dapat kong bilisan. Kaya ko ito! Fighting!
*to be continued*
x end of [1] x
xxxxxxxxxx
[A/N: Ano kayang mangyayari sa susunod na chapter? Mabibili kaya ni Janna ang limited edition na magazine na ang cover ay ang BTS? Sino kaya ang mame-meet niya sa kanyang journey papuntang 7/11? hahaha~ abangan..]
xxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Fan Girl's Life
Fanfiction"In every fan there is only a simple dream... ..in every fan girls life there is a dream... ..in every fan girls life there is a life... ..in every dream there is a FAN GIRLS LIFE."