Isang malamig na hangin ang humplos sa aking balat habang nakatitig sa lawak ng kalawakan.Ang ganda talaga dito.
May dagat at bukid, yun bang tipo ng lugar na pwede kang mangisda at pwede ka ring magtinda ng bibingka.
"Anak ng! Kanina ka pa ah!" hiyaw ng barkada ko. Tingnan mo nga naman oh! Nasira moment ko
Tumingin ako sa aking relo at nakitang pa-sinag na ang araw. Kuh! Tatlong araw na akong walang tulog!
"Anong petsa na? Jusko! Hahayaan lang yata nila tayong magresign sa sobrang pagod!" Madramang sabi ni Amor, barkada ko. "Resign? Woah, yaman naman ng term mo, pahingi bente" singit namang pang aasar ni Yran, yoong pinaka makulit saamin. Pag ikaw napagtripan nyan, isang linggo kang hindi tatantanan!
"Ayan ka na naman, tutoy eh! Isang linggo na kitang pinapalamong animal ka, wala ka bang pera?!" Sinamaan lang sya ng tingin nito bago uli higupin ang kape sa tasa nito.
"Tara na, maga-alas sais na." Tumayo ako sa aking upo at sinumulang ayusin ang buhok ko. "Agad?! Wala pa tayong isang oras dito ah!" Singhal ni Andro, napakamot pa ng ulo bago tumayo sa pagkaka upo. Ta'mo! Tatayo din naman dami pang sinasabi!
"Lakas magreklamo, Donacio ah! Kala mo naman ang sipag sipag doon wala rin namang ginawa kundi landiin yung anak ng may ari!" Binatukan ni Yran si Andro bago ibalik ang tasa ng kape sa lababo.
"Tricks yon, ungas! Baka magustuhan ako, pare. Edi hindi na tayo maghihirap! Amen?" Tinuro niya si Amor. "Amen!" Lumakad si Amor sa tabi nya at kinurot sya sa tagiliran. "Aray! Ang abs ko, baka ma-damage! Your hand, away there!" Tinampal niya ang kamay ni Amor at sinamaan sya ng tingin.
"Ewan ko sa inyo, mga bobo" napatingin kami sa gawi ni Kyl. "Kylery?! Tangina, buhay ka pa pala?!" OA na reaksyon ni Yran, tinaasan lang sya ng middle finger ni Kyl bago umupo mula sa pagkakahiga.
"Yran na hindi Y-neri, bakit hindi mo kayang manahimik" sinara ni Sav ang libro nya ang malamig na tiningnan si Yran. "Joker ka na pala ngayon, Sav. Pwes, hindi funny" umirap si Yran sa kanya. Taray naman!
"Kilos na, mga depunggol, kaninang kanina pa!" Inis na sigaw ko, nagsi handa na rin sila at sabay sabay na kaming bumaba.
"Pre, kung ang ilog ay pasig, bakit pasig ilog ang ilog ng pasig pati pasig river?" Inakbayan ni Yran si Kyl at tinanong yang walang kwentang tanong na yan!
"Kasi isa kang pagkakamali." Madramang napahawak si Yran sa dibdib, aktong nasasaktan. Binatukan naman sya netong si Andro at as expected, magwawalanghiya na naman sila sa daan.
"Taga hugas ka raw ng pinggan sa ma ermita! At isang gabi, nasagasaan sa isang madilim na eskinita!~" sumayaw sayaw pa silang dalawa sa unahan at parehas sinipa ni Kyl dahil nabagal ang usad namin.
"Kylery, pare! Kanta ka nga! Let's see the voice of you!" Nagpalakpakan ang dalawang unggoy habang nakatingin kay Kyl.
"I see red, red, oh red a gun to your head, head, to your head, oh, executioner style, and there won't be no trial don't you know that you're better off dead?~" pagkanta ni Kyl at paulit ulit pinapakyuhan ang dalawa.
"Nak ng yawa, wag na nga! Parang papatayin kami eh!" Niyakap ni Yran ang sarili nya at aamba na ng yakap si Andro sa kanya pero sinapok nya ito agad. Nagsamaan sila ng tingin at ayun na nga, nagsitakbuhan na palayo!
"Hay, shutabels, mga ateh! Mag ingay naman kayo, mygod! So boring, here" napahawak si Amor sa ulo nya sa tahimik naming apat. "Takbo ka kasama nung dalawa, sunod ka there, para cool" peke ko syang nginitian at napa irap naman sya.
"YAAAAAAAAAAAA!" narinig namin ang sigaw ni Yran habang natakbo papalapit. "Oh no" napabuntong hininga si Kyl bago umalis sa daan.
"ANONG PANGIT?! SINONG PANGIT?!" tumakabo ding sumunod si Andro na akala mo'y jaguar sa bilis ng takbo. Napa iling na lang kami at hinayaan silang magwalanghiya, sila rin naman itong papawisan.
"Oy! Aga nyo ah!" Bati ni Cris nang makarating kami sa gate ng farm. Tuloy tuloy lang silang pumasok, ngumiti muna ako sa kanya bago pumasok na rin. "YIEEEEEE, GIRL ANO NA?! TATLONG TAON MO NG GUSTO YON, IGILING MO NA!" tinakpan ko ang bibig ni Amor at nagmadali na kaming pumunta sa loob ng factory.
"Medyo tama" inakbayan ako ni Kyl at tinaas baba ang kilay. "Hay, nako! Tigilan nyo ko!"
"Anong tigilan tigilan yan ha?! Anong chika, mga sis?!" Oh please, when will they stop.
"Wala, gunggong magsimula ka na don!" Tinulak sya ni Kyl papunta sa assign na gawain sa kanya.
Napatawa na lang ako ng konti at pumunta na sa trabaho ko dito sa farm. Limang uri ang pwede ditong pasukan. May mga taga pitas, taga linis, taga gayat, taga ayos at taga benta. Kabilang ako sa mga taga pitas, magkasama kami lagi ni Sav. Ako ang pipitas, sya naman ang sasambot mula sa baba.
Pagkalabas ko ay naandon na sya na ilalim ng puno at mukhang inaantok pa. "Pre, alam mo kung natulog ka imbis na nagbasa edi sana medyo okay ka today"
"Rad, bigtime yung binabasa ko! Nabasa na yung ng nga sikat!" Peke nalang akong ngumiti bago umakyat sa hagdan pataas.
Hmm, bango! Swerte ko, araw araw ko tong naaamoy!
"Hoy! Feel na feel, hulog mo na! Nangangawit na ako!" Sigaw ni Sav. Hmm, k! Hinulog ko na yon at nasalo iyon agad ng basket na hawak nya.
Saaming lahat, ako lang ata ang may alam na kaya namang makisama ni Sav. Lagi kasi syang cold, bookworm at laging walang pake. Pag kakausapin ng iba ay isang tanong isang sagot lang din. Kaya walang jowa eh!
"Tulala ang depota, magmadali! Anak ng!" Kakapikon naman! Kumuha ako ng walong piraso at sabay sabay inihilog. "Gago ampota" binaba nya muna ang basket at pinulot ang mga hindi nya nasalo. Ano ka?
"ARAY!" Narinig na naman namin ang hiyaw ni Andro. Nataga na naman siguro yon, apply apply sa taga gayat tapos maya't maya naman kung mataga. Napa iling na lang kami at itinuloy ang trabaho.
"ATENG! JUMORLA NA DAW DITEY! MAY MAG COME DAW NA MAG OOBSERVE NG THE FARM SO WALA TAYONG PWASOK NG 3 DAYS!" halos mapatakip na ako ng tenga ko sa lakas ng sigaw ni Amor. Wait, huh?
Nakita ko silang dalawa ni Kyl na naghuhugas na ng kamay at sina Yran at Andro naman ay nagtatawanan na doon sa gilid.
"Baba na, miss" inihulog ko sa mukha nya ang manggang huli kong napitas at tumalon na lang sa hagdan.
"Pucha, pa ilang pasa ko na to dahil sayo, anak ng" napakamot sya sa ulo at dinala na ang basket sa loob.
"Ano mga sis? Where us mag eat?" Napa isip kaming lahat, san nga ba?
"Bukas na bagong karinderya namin dyan, ano g?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Teka....
Nanlaki ang mga mata namin ng nakita namin sya.
"DYLAN?!" Sabay sabay na sambit namin, gulat na gulat parin na nandito sya ulit.
Ulit, andito na sya ulit.
____
<33 reese.
So lame and dull, might edit it out again.
YOU ARE READING
If Only I Chose To Breathe
RandomTierra Eya welcomes you! This is a lovely spot, with warm to chilly breezes and stunning views! Come seek a sight in the village of mango farms! Halina't maging alamang sa mala-mangga kong puso! Emz.