PROLOGUE

13 5 29
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are product of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.

Typographical and grammatical errors ahead. Again this is a Work of fiction. Plagiarism is not just a crime because it is also a sin. Have a good day, Greeting from AymLAZYxx. Enjoy reading!

I just wanna remember you in advance that this story contains so many bad words and strong language that not suitable for very young readers/audience. So bare with me.

----------

"Hindi ko alam kung bakit mo pa kasi ako pinasama dito e! Maa-out of place lang naman ako dito panigurado kapag sumama ka na sa mga kaibigan mo mamaya" reklamo ko kay zach.

Ayokong nagpupunta sa mga ganitong okasyon lalo na kapag wala naman talaga akong kakilala. Hindi naman talaga ako sasama kung hindi niya lang talaga ako pinilit ng pinilit. Ayaw niya kong tantanan kanina kaya pumayag nalang ako. Sina althea kasi ay busy daw kaya ako ang napagtripan niyang isama. Pumayag narin ako dahil baka mawala ang ugok na'to! Gago dahil hindi man lang sinabing may pagkabongga pala ang pupuntahan namin.

"Tanga, sa tingin mo ba ay iiwan lang kita kaya kita pinasama?" Sabi niya at paminsan minsan ay ngumingiti kapag may bumabati sa kaniyang mga babae at kaibigan. Famous na pala talaga itong bonak na'to.

"Che! Mauuna na'kong uuwi sayo mamaya dahil wala akong planong magtagal dito" sabi ko pa. Hindi naman marami ang tao rito at may kakaunti rin naman akong kilala. Katulad ni tiara at sofia na nakaupo sa isang round table habang nakikipagtawanan sa mga hindi ko kilalang mga babae pero mga pamilyar sa'kin ang mukha.

"Reunion namin ng pastel ngayon noh, kaya pagbigyan mo na'ko kahit ngayon lang. Maghintay ka muna saglit" sabi ni zach na ikinalaki ng mata ko. Reunion ng pastel? Edi nandito siya? Nandito na siya? Dumating na siya?

Kinurot ko ng pasimple ang tagiliran niya na ikina-aray niya. Gago siya! Ba't hindi niya sinabi agad? Leche naman. Pucha.

"Uuwi na'ko gago!" Inis kong sabi at tatalikod na sana ng may magsalita sa likod ko na dahilan ng panlalamig ng aking buong katawan.

"Zachary dave perez" napako ako sa kinatatayuan ko at nanuyo ang lalamunan ko. Shit! Mas sumeryoso ang kaniyang boses kaysa sa dati. Mas naging matured iyon. Sa loob ng nakaraang apat na taon, narinig kong muli ang kaniyang boses na dahilan ng panginginig ko. Namiss ko ang kaniyang boses. Namiss ko siya bigla.

"Trinidad, ang gwapo mo parin ah, hindi kana nagbago! Long time no see pare!" Masayang sabi ni zach. Humarap siya sa likuran namin at nakipag-apir kay tristan.

Parang ayokong lumingon. Natatakot akong lumingon. Parang hindi pa'ko handang harapin siya. Akala ko ay kaya ko na pero hindi pa pala. Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ako aakto sa harapan niya.

Nagtawanan naman sila. "Oh, and you're with?" Tanong niya at doon na'ko napilitang humarap sa kaniya. Dumoble ang kaba sa aking dibdib ng magtama muli ang aming mga tingin.

Wala akong nakikitang reaksyon sa mga mata niya. Namiss kong pagkatitigan ang kaniyang kayumangging mga mata. Namiss ko siya ng sobra.

Hindi man lang nagbago ang reaksyon niya at mukhang hindi man lang nagulat na makita akong muli. Ano pa bang aasahan ko e, simula yata dati ay iniignora niya lang ako palagi. May nagbago ba?

Hindi ko on maiitangging gwapo parin siya hangang ngayon. Mas naging matured na siya at ang ganda parin ng kayumanggi niyang mga mata.

Nasaktan ako at nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib ng dahil sa klase ng kaniyang pagtitig sa akin. Parang may lamang sakit at galit ito. Parang sinisisid ng kayumanggi niyang mga mata ang buong pagkatao ko. Nailang tuloy ako sa tingin niya.

"Sorry I forgot your name, what's your name again?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Natawa ako ng sarkastiko sa tanong niya. Nakalimutan o kinalimutan?

Nasaktan ako sa sinabi niya. Sa ilang years naming magkasama bigla bigla niya nalang akong nakalimutan? Nanggagago ba siya?! Masyado siyang mapanakit.

"I'm selene" I introduced myself casually. At inilahad ko ang kamay ko. Yung selene mo dati. "I don't know you either" ngumiti ako sa kaniya at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.

"Tristan" tinanggap niya ang kamay ko at nakipag shakehands. Gusto niya pala ng ganito, edi sige let's pretend na hindi natin kilala ang isa't isa. Parang ayaw pa niyang bitawan ang kamay ko kaya ako na mismo ang nagkusang bumitaw.

Nakatitig lang siya sa'kin pero hindi ako nagpatinag at nilabanan ang kaniyang mga tingin. Hindi ko alam kung siya pa ba ang dati kong tristan. Hindi ko alam kung siya pa ba yung minahal ko dati. Hindi ko ipinapahalatang nanghihina na ang mga tuhod ko sa kaniyang mga tingin.

Nabalot kami ng katahimikan. Maya-maya lang ay nagpaalam narin siya at iniwan niya narin kami dahil tinawag siya ng isa sa kaniyang mga kaibigan.

Tangina niya! Ayoko na siyang makita pa ulit! Uuwi na'ko at buo na ang desisyon ko.

"Sumakit bigla ang ulo ko kaya uuwi na'ko" pagsisinungaling ko kay zach. Alam ko namang alam niyang excuse ko lang 'toh para makauwi. "Wag mo na'kong ihatid dahil kaya ko naman ang sarili ko at marunong naman akong umuwi mag-isa" hindi na'ko nagpapigil pa at lumabas na ng venue. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin mula sa loob pero binilisan ko nalang ang paglalakad ko para hindi niya ko maabutan.

Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang aking mga luha. Bakit ganito? Bakit nasasaktan parin ako? Samantalang siya parang okay na okay na pero ako hanggang ngayon ay hindi parin nakakapag move-on. Siya yung nanloko sa'min pero bakit mukhang okay na okay na siya? Bakit parang wala lang sa kaniya ang presensiya ko? Bakit parang hindi na siya nagulat nung makita ako ulit? Bakit parang normal lang sa kaniya ito? Ang sakit-sakit sobra.

Akala ko ay hindi na'ko iiyak ng dahil sa kaniya pero ito na naman ako at umiiyak ng dahil sa kaniya. Ngumiti ako ng masakit dahil alam kong kahit kailan hindi ko talaga siya maaabot. Masyado siyang malayo. Masyado siyang mataas. Samantalang ako ay kahit na anong gawin ko para abutin siya ay hindi talaga kaya dahil nasa baba ako at hanggang tingala lang sa kaniya. Hindi talaga kami pwede para sa isa't isa.

----------

Ty!

LET'S FACE THE WORLD TOGETHERWhere stories live. Discover now