"HOY ELORA! GISING NA!"
Sinikap kong makatulog ulit at itinakip ang unan sa mukha ko. Ang aga-aga ang ingay ingay ni mama. Kainis naman bwiset! Pumikit nalang ako ulit at hindi na pinansin si mama.
"Babaita ka! Gising na, bumangon kana dahil malalate ka ng gaga ka!" Pambubulabog niya. Hindi sana ako uupo pero tinadtad niya ng katok ang pintuan ng kwarto ko kaya gusot ang mukha kong umupo sa kama. No choice din ako dahil alam kong hindi niya ko titigilan hangga't hindi ako bumabangon.
"Ma, naman e!" Reklamo ko at napakamot pa sa ulo ko habang humihikab.
"Anong ma, naman" panggagaya niya. "Malalate kana gaga!" Kaasar!
"Oo na" Sagot ko at napilitang bumangon at tumayo. Nakapikit ako habang pumupunta ng banyo. Kabisado ko naman ang kwarto ko kaya kahit nakapi-
Pucha! Aray ha?! May galit yata sakin itong pader na'to e. Kainis ha?! Nang dahil sa pagkakauntog ko ay tinakasan yata ako ng antok ko. Grabe mas effective pa'to kaysa sa kape!
Hindi na maipinta ang mukha ko pagkatapos kong maligo at mag-ayos. Pagkatapos kong suklayin ang buhok ko ay bumaba na'ko para mag-almusal.
Mukhang fresh na fresh pa si ezrianna. Kapatid ko at mukhang maganda ang gising niya. Tapos na siyang kumain dahil nagkakape na siya ngayon. Hindi man lang ako hinintay ng gaga!
Umupo nalang ako sa tapat niya at nagsimula ng magsandok sa plato kong nakahanda na.
"Good morning, ate" bati niya at nakangiti pa. Hula kong kaya malawak ang ngiti ng isang yan dahil nauto na naman niya si mama. Siya pa, scammer yan e!
"Englishin mo man o hindi mas maganda parin ako sa umaga!" Napangiwi naman siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay na parang nagtatanong kung may angal siya?
Napansin ko namang wala si mama kaya nagtanong na'ko "Si mama, nasan?" Tanong ko habang ngumunguya. Fried rice, bread, bacon, egg, hotdog at kape ang mga nakahain sa hapag. Sinipag yata si mama ngayon ah, minsan kasi ay fried rice at egg lang.
"Nagbibihis palang" sagot niya habang humihigop rin sa kape niya.
Maya maya lang ay dumating narin si mama habang nakapam bihis ng corporate attire. Isang businesswoman si mama sa isang kompanya na pag-aari ng mga dela fuentes. Umupo narin siya sa pinakadulo ng upuan kung saan doon ang pinaka sentro ng mesa na pinagigitnaan namin ni riri.
Isinubo ko na ang huling natitirang pagkain sa plato ko. Pagkatapos ay tumayo na'ko kahit hindi ko pa nauubos ang kape ko. Hindi naman ako mahilig uminom ng kape, pampagising lang. Tsaka para hindi rin masayang yung tinimplang kape ni mama para sakin.
"Nak, mauna ka na palang pumasok dahil magpapasama muna ako kay riri kina tita loraine mo, may dadaan lang kami sa kanila saglit" sabi ni mama habang kumakain narin ngayon. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Bahala kayo basta ako mauuna na'ko" paalam ko.Tsaka lumapit kay mama at inilahad ang kamay para kuhanin ang baon ko. Inabot niya naman sa'kin ang eight hundred pesos.
"Allowance mo 'yan for one week, tipidin mo 'yan ng maayos" sabi niya kaya nagusot muli ang mukha ko. 8hrd lang? Hindi man lang ginawang isang libo para kumpleto. Duga naman, mukhang mas malaki pa yata ang nakuha ni riri kaysa sa'kin ng dahil sa klase ng ngiti niyang abot hanggang tainga. Mukhang nakauto e!
Hindi nalang ako nagreklamo dahil wala din naman akong magagawa kaya humalik nalang ako sa pingi ni mama bago lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang pahabol niyang 'ingat' bago ko isara ang gate.
Kung itatanong niyo kung nasaan si papa? Namayapa na yata. Charr. Wala na kaming tatay matagal na dahil sumama sa kabit niyang mukha namang hilaw. At simula ng umalis siya nung gabing huli namin siyang nakita at nakasama ay pinaniwala ko narin sa sarili kong wala na kaming tatay.
YOU ARE READING
LET'S FACE THE WORLD TOGETHER
Teen FictionSENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1 TRISTAN CALEB TRINIDAD is an architecture student and the vocalist of pastel. Cover is not mine, Credit to the rightful owner.