"Oh saan na tayo pupunta?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Kakatapos lang kasi nila mag studio at heto kami hindi namin alam kung anong next destination namin.
"Kayo? Kung saan kayo pupunta sasama ako." sabi naman ni Mitty.
"Ikaw Tina? Saan ka pupunta?" tanong ko kay Tina habang sya ay busy sa cellphone niya.
"Kung saan din kayo pupunta. Gorabels ako. Hahaha."
"Hahay. Adik. Ikaw Unnie? Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa isang kaibigan namin na sobrang tahimik.
*Unnie/Eonnie Korean word for Ate/Older Sister
"Hmmm. Pupunta muna ako sa Mall. Dun nalang ako sasakay pauwi." sagot niya habang nakangiti.
"Ahh. Okay. Cge dun nalang din tayo magtambay. Gorabels!"
[ Lia's POV ]
Sorry for late introduction. Ako nga pala si Lia Angelica Mendoza. You can call me Lia or Angel for short. Pero mas prefer ko ang Lia. Hahaha. I am 18 years old. 2rd year student sa isang university. I am taking up bachelor of science in business administration. isang simpleng babae, masayahin, friendly, talented, maganda, seksi, matalino and all perfect characteristics that a girl dreams to have. for short, JOKE LANG. Hahaha.
Heto pala kami ngayon sa gilid ng daan naglalakad papuntang sakayan. Bakit feel ko talaga na parang may mangyayari ngayon na di ko inaasahan or inaasahan ko na ito pero, or baka assuming lang ako? Geez. Ang awkward talaga ng atmosphere. Help! T___T
"Hala? Nasaan na yung tatlo?" tanong ko kay Luke na nasa likod ko pala for the whole time.
"Hindi ko alam. Nasaan ba?" Sagot naman niya. Parang namumutla ata sya?
[ Lia's POV ]
Luke Alexander Martinez AKA Luke or Lucas. 17 years old. 1st year student sa isang university. Isang shiftee from Information Technology to Auto-Mechanical Technology. Gwapo, matangkad, maputi, working student (Oh diba? masipag? Hahaha) band guitarist at vocalist. Nakilala ko si Luke sa isang text clan. Sino ang nagaakala na ang lalakeng tulad niya ay sasali sa clan namin. Oh diba? Hahaha. Dati kasi akong Founder ng isang Otaku clan and hindi ko inaakala na magiging close yung bond namin sa mga members hanggang sa naging mag barkada na talaga kami. Hindi ko rin inakala na magiging close kami. Si Luke kasi ay isang introvert. Tahimik, mahiyain at observer. Pero kapag naging close kayo, magugulat ka nalang dahil ang sobrang kulit pala niya, nakakainis minsan, bipolar, pikon, thoughtful at tsaka sweet. Stap it Lia! Hahaha. :3
"Andyan pala kayo eh!" sigaw ko sa 3 na umiinom ng softdrinks sa isang sari-sari store at hindi man lang ako ininvite.
"Sareey. Baka masisira namin moment niyo ni Luke eh. Hihi." sagot ni Mitty
"Ha-ha-ha masisira ka dyan." wala na akong ibang masagot. =___=
[ Lia's POV ]
Tina, Mitty at si Unnie Amy. Mga kaibigan ko at kasama ko sa KPOP Dance cover group. Nais namin icover ang mga songs ng Sistar kaya 4 lang kami. Si Tina ay blockmate ko at parehas kami ng year, course at school (Blockmate nga diba? Hahaha. Joke) Si Mitty at Amy naman ay nakilala ko sa clan namin pero si Mitty at Tina naman ay magkaklase nung high school. Galing kami nag practice kanina nung nagtext sakin si Luke na sama daw kami sa studio dahil magprapractice din sila. Sinasama kasi niya ako everytime nagpra-practice sila sa Studio. Kilala ko narin bandmates niya at kilala na rin nila ako. Minsan ako kasi yung pinapatugtog niya ng drums kapag wala siyang magawa. =___=
"Lia." Tawag sakin ni Luke na nasa likod ko habang naglalakad uli kami papuntang sakayan. Malayo kasi.
"Yes?"
"Uhh, may sasabihin sana ako." sabi niya na makikita mo sa mukha niya na natatakot, ni-nyenyerbyus, at hindi mapakali.
"Ano yun?" sabi ko habang nakangiti. Pero may hinala na ako sa sasabihin niya pero wag assuming Lia. masakit yan.
"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa iyo..
*Inhale, exhale*
Gusto kita... Matagal na.."
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road (On-Going)
RomanceThey had the right love at the wrong time. But they believe that God has a purpose despite the challenges that they've been through.