Chapter 2: Not Their First Meeting

3.9K 201 49
                                    

Noah:

Year: 1996, Batanes (Past)

I could almost hear the sea just like a distant memory.

Gaya ng dagat, ito ang mga naaalala ko. Gaya ng dagat, ito ang mga masasaya naming alaala na hindi nagbabago.

Mula bata pa ay mahilig na akong maglaro sa ulan. Sa Batanes na palaging dinadaanan ng bagyo ay normal na para sa akin ang magtampisaw sa putik at tumakbo sa ilalim ng kulog at kidlat. Hindi na bago ang lahat ng ito. Tila parang saliw ng biyulin ang yanig ng kulog sa langit. Parang nota ng piano ang bawat ihip ng habagat. Iniibig ko ang amoy ng alimuong sa tuwing sumasapit ang tag-ulan. Para sa akin, isang musika ang walang katapusang pagpatak ng tubig mula sa mga ulap. Hindi maipinta ang tuwa sa aking mukha habang kinikiliti ang aking tainga ng tunog ng dagat sa lugar na pupuntahan ko.

"Noah Arroyo! Saan ka na namang nagsusuot? Ikaw na bata ka!" bulyaw ni Lola Maring. Madalas ganyang ang kanyang mga binibunganga sa tuwing tumatakas ako sa bahay.

"Mama, hayaan mo na ang apo mo. Marunong nang umuwi iyan!" sagot naman ni Daddy Danilo. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha nito dahil malaki ang tiwala niya sa akin. Ni minsan, hindi ko naalalang ako ay kanyang pinagalitan. Nakataas pa ang paa nito habang nanonood ng telebisyon.

"Kahit na! Pitong taong gulang pa lang iyon, at saka baka mapano siya sa ulan!"

Natatawa si Dad sa nag-aalalang itsura ni lola. Agad itong pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. "Hindi naman mapapano si Noah sa labas. At saka ang laki ng gubat at lupain natin sa likod ng mansion. Wala naman tayong kapitbahay."

"Teka nga, tatawag akong ng katulong para ipahanap iyang si Noah. Hindi talaga ako mapakali, eh," naiinis na tugon ni lola.

Nakita ni Dad ang mga sinilong na damit nito bago pa bumagsak ang ulan. Agad nitong napansin na wala roon ang paborito nitong pares ng t-shirt at pantalon. "Ma, nakita mo ba ang puti kong damit at brown na pants?"

"Aba, malay ko riyan. Nawawala anak mo, damit pa talaga ang iniisip mo?" Nanggagalaiti si lola habang nakapamewang sa isang gilid. Hindi siya mapakali dahil mag-isa lamang ako sa labas at madilim pa rin ang langit.

Sa masukal na gubat ay masaya akong tumatakbo. Hindi ko alintana ang nagtalsikan putik sa berde kong bota at pula kong kapote. Unti-unti nang humihina ang ulan. Wala akong naramdamang hingal bagkos ay gusto ko pang magtatalon dahil sa taas ng enerhiya ko. Umaapaw ako sa tuwa dahil ngayon ang itinakdang araw. Sa isang malaking punong Narra ay matiyaga akong sumilong at nag-abang.

Napatingin ako sa aking relo. Sa salamin ay nakita ko ang aking repleksyon at agad na inalis ang pandong sa aking ulo. Pinipilit kong sumimangot ngunit hindi mapukaw ang ngiti sa aking mukha. Nang makita ko ang mga kamay ng orasan ay nagtatalon muli ako sa tuwa.

"Ayan, malapit na mag 5:30 PM in 3... 2... 1..."

Sa likod ng puno kung saan ako nakatayo ay biglang nahulog sa kung saan ang isang binata. Malalim ang mga mata. Mahaba ang pilikmata. Mapupula ang mga pisngi. Matangos ang kanyang ilong. Kasing tangkad na niya siguro ang pintuan namin sa bahay. Para siyang artistang nagmula sa mga foreign movies na madalas naming panoorin ni Daddy Danilo.

Wala itong suot na kahit ano. Kitang-kita ang magandang hubog na katawan nito. Ang katawan niyang madalas kong palihim kung titigan. May matikas na balikat, matipunong dibdib at malalaking braso. Ang buhok niya ay parang ginto mula sa malayo na nagiging kulay kahoy sa malapitan. Ang balat niya ay kasing puti ng mga turistang galing sa mga bansa sa kanluran.

Wala sigurong salita sa diksyunaryo na makakapaglarawan sa kanyang kaguwapuhan. Tila isa siyang obramaestrang lumabas sa mga sikat na painting. Para siyang inukit sa kahoy dahil sa detalyo niyang katawan. Higit sa lahat, ang mga mata niya ay mas bughaw pa sa alin mang dagat na napuntahan ko. Mas busilak pa sa ano mang anyo ng langit tuwing tinitingala ko.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon