Chapter 8: Love Not Lust

2.4K 144 59
                                    




Noah:

Matapos ang ginawa naming exercise session ay nagmukha akong lantang gulay. Napadapa ako sa gilid ng kama. Malalim man ang aking hininga ngunit bitin na bitin ako sa cardio exercise at tila gusto ko pang tumakbo sa labas. Hinang-hina pa ako nang may biglang tumapik sa aking likod.

"Noah," bati ng lalaking sumulpot sa kung saan. Malalim ang tono nito ngunit pamilyar ang boses.

"Shit! Akala ko ay wala ka na?" bulalas ko.

Napatalon akong bigla. Napalingon at unti-unti kong namumukhaan ang taong nasa likod. May bigote ito at parang pang-commercial model na ang taglay na katawan. Batak na batak ang mga braso at dibdib nito at napakabarakong tignan.

"I'm from 2021. Kararating ko lang. So, are you guys done?" tanong ng bagong dating na Adam na nagmula sa mas malayong hinaharap. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang nakahubad kong katawan. Natatawa ito sa itsura ko. Mabilis ko namang kinuha ang kumot at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Agad kong nakita ang pamilyar niyang ngiti. Nakatitig siya sa akin na tipong inaaral ang anyo ko na kay tagal niyang hindi nakita.

"Woah! 2021? This is the oldest version I've met," bulyaw ko.

Napaupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin sa matandang bersyon ng aking nobyo. Nakatapis si Kuya Adam ng tuwalya na ginamit ni ko kanina. Hindi na halos ito magkasya sa kanya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at halos malaglag ang panga ko dahil sa mabato niyang katawan na tila isang construction worker dahil sa laki.

"May kasya pa ba sa akin dito?" natatawang tanong ni Kuya Adam. Nagtungo ito sa cabinet upang maghanap ng maisusuot. Ilang minuto rin itong naghalungkat ng gamit. Pinanood ko siyang bukalkalin ang mga drawer maging ang mga salawal ko.

Ngunit wala siyang nakita na magkakasya sa kanya at umupo na lang sa aking tabi.

"This timeline is way too far. I saw the calendar outside. Talaga bang 2005 pa lang?" usisa niya.

" O.... Opo," nauutal kong sagot. Ngayon ko lamang nakita ang matandang bersyon ng kasintahan ko. Kasing tanda na halos ni Daddy Danilo.

"Damn. Ang bata mo pa. Hay nako. From where I came from, we're both 30 plus na," kuwento niya. Hinawakan niyang bahagya ang aking buhok. Napalunok ako ng laway nang makita ko ang buhok niya sa kilikili. Maakapal at kalat-kalat na halos ngayon ko lamang nakita hindi gaya ng mga mas bata niyang bersyon.

Napahiga ito sa kama habang nakangiti pa rin sa akin. Pinagmasdan ko ang manipis niyang balbas patungo sa malamonay niyang dibdib. Napalunok ako habang napatingin sa walong pandesal na umuumbok sa kanyang tiyan. Tinitigan ko ang treasure trail sa kanyang puson hanggang sa mapadpad ako sa kayamanang pinipilit takpan ng manipis na tuwalyang suot niya.

Napalunok akong bigla. Kitang-kita ko kung paano ito kumislot habang tinititigan ko.

Nakatitig lamang siya sa akin. Nagtataka sa aking reaksyon. Dahan-dahan akong gumapang sa nakahigang si Kuya Adam. Tinantsa ko kung ano ang kanyang gagawin. Muli ko siyang nilingon at napansin kong nakatitig pa rin ito sa akin. Pinalakad ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng kanyang tiyan at bigla kong dinakma ang nakabukol sa kanyang harapan.

"Uy! Anong ginagawa mo?" puna ni Kuya Adam. Natawa ito sa ginawa ko.

Napaatras akong bigla. Namula ako sa hiya.

"Sorry Daddy... I mean Kuya," nauutal kong sagot.

"Daddy talaga?" halkhak niya. Napahawak ako sa aking pisngi na halatang umiinit na sa hiya.

Ark and Apple (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon