Know 2

452 19 0
                                    

DYKM 2: Being Independent


Author's POV


" Ewan ko ba sa iyo Kyungsoo at kailangan mo pang maghanap ng trabaho! Ang ganda na nga ng buhay mo eh! Hindi katulad ko, nga nga! " pagdadaldal na naman ng kaniyang matalik na kaibigan na si Baekhyun.


Hindi ganun kayaman ang kaniyang kaibigan ngunit hindi na iyon ang tinuunan niya ng pansin. Sa halip ang pagiging madaldal nito at laging positive na parang walang pinoproblema. Kaya habang tumatagal ay mas lalo siyang napapalapit rito.


Kaya nga eto ngayon, kasama niya ito sa paghahanap niya ng trabaho. At excited na siya. Laking pasasalamat niya sa kaniyang ama at pinayagan siya nito.


" Bakit Baek? May problema na naman ba sa inyo? " pagiiba niya ng usapan paano ba naman kasi! Nakakailang beses ng reklamo sa kanya yan ni Baekhyun ngayong araw.


" Hay nako Kyungsoo wala noh! Iniiba mo ang usapan eh! Tsaka ang init init Kyungsoo! " pagpapay pay nito gamit ang dala nitong job papers.


Sinikap talaga ni Kyungsoo na hindi magdala ng kotse sa paghahanap ng trabaho, katulad nga ng sabi niya gusto niya ng sariling sikap.


" Sariling sikap nga diba Baek? Tsaka ayokong maging white lady sa bahay no! " sagot naman niya habang hawak hawak ang payong.


" Hindi ka nga magiging white lady mamumutla ka naman! Sariling sikap dinamay mo pa ako! Halika na nga! Kain muna tayo! Dun oh sa carinderia! Libre mo ah! " natawa naman siya kay Baekhyun at napangiti din.


Ngayon lang kasi siya makakakain sa carinderia mismo.


" O sige libre ko. Eat all you can lang Baekhyun! Ako bahala! " bilang pasasalamat niya kay Baekhyun dahil sa pagsama nito sa kaniya kaya ililibre niya ito.


Niyakap naman siya ng kaniyang kaibigan.


" Salamat best! "


" Teka yung pawis mo yuck! " pagiinarte naman ni Kyungsoo kaya hinampas siya ni Baekhyun.


" Arte nito! " at inirapan siya nito.


-x


" Hay grabe Kyungsoo nabusog talaga ako dun! " busog na busog na sabi ni Baekhyun at hinihimas pa ang tiyan niya.


" Oo nga Baek. Namiss ko talaga ang mga pagkain dun. Salamat ah! " nakangiti naman nitong sabi niya kay Baekhyun.


Dinadalhan kasi siya ni Baekhyun ng mga pagkain mula sa carinderia pa minsan minsan at sa mabuting palad ay hindi pa siya nahuhuli ng ama ni Kyungsoo.


Ilang minuto pagkatapos nilang magpahinga ay nagsimula ulit sila sa paghahanap ng trabaho.

Do You Know Me? | A KaiSoo Story |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon