Know 3

402 22 0
                                    

DYKM 3: Who You?

KyungSoo's POV

" Kuya, kuya! Kilala mo ba ako? " Eh? Sino ba siya? Aaahh baka artista, hindi naman kasi ako updated sa showbiz ngayon pero bakit siya nakasuot ng damit na katulad ng mga taong nasa counter kanina?

Ay baka may shooting ng teleserye ngayon! Naku dapat pala hindi kami nagpunta dito.

" Ah oo, ikaw si Kim Jong In diba? " hindi ko talaga siya kilala pero buti na lang at may name tag syang suot :)

Nagulat naman ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat.

" WAAAAH!! KyungSoo! Kilala mo nga ako! " huh? Bakit alam niya ang pangalan ko? Napatingin naman ako sa damit na suot ko baka may name tag o I.D akong suot kaya niya ako nakilala pero wala naman ah!

Makapagsabi na nga ng totoo ayokong nagsisinungaling eh!

Tumingin naman ako sa kaniya sayang ang gwapo pa naman. Ang itim nga lang xD joke! Sexy bronze skin para sa akin ang kulay niya.

" Actually hindi eh nabasa ko lang sa name tag mo, Ayan oh O__O " at tinuro ko pa kung saan nakalagay ang name tag ni Kuya baka kasi nakalimutan niya na suot niya p--

" PWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! " napatigil ako sa pagiisip at napalingon sa likod ko.

Nakita ko si Baekhyun na tumatawa kahit na may sauce sa gilid ng labi niya at may kuyang katabi niya na nakasuot din katulad nung suot nung Kim Jong In at tumatawa din. Nakakatakot! Ang laki na nga ng tenga ang laki pa tumawa! Parang nangangain!

" HAHAHAHA!! GRABE KYUNGSOO NICE JOKE!!! " patuloy na pagtawa ni Baekhyun na nakathumbs up pa sa akin.

" GRABE JONGIN!!! MAGKAIBIGAN NGA KAYO DATI!! HAHAHAHAHA!!! " tawa din nung lalaking katabi ni Baekhyun yung malaki ang tenga.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Baekhyun at dinuro yung lalakeng tenga.

" Hoy! Sino ka para tumabi sa akin ah! You are a stranger! " duro niya ng daliri dun sa lalaki pero yung lalaki hindi pinansin ang sinabi niya at nilapitan pa siya nito at may tinanggal sa gilid ng labi ni Baek.

Aaah yung sauce.

Namumula si B--

" Hindi mo ba ako naalala KyungSoo?! Ako to si JongIn!! Yung kaibigan mo dati! " tuloy pa rin sa pagyugyog ng balikat ko si Kuya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Agad kong hinawi ang mga kamay ni Kuya at tumayo para makaalis na.

" S-sorry talaga Kuya pero hindi talaga kita maalala " huli kong sabi sabay takbo palabas nung convinience store.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at kinakabahan ako ng sobra.

Hindi kaya? Member ng gang yun?

-x


" Grabe ka naman KyungSoo! Muntikan mo pa ako iwanan dun sa convinience store! Kung hindi pa kitang nakita na tumakbo ay nako! Pagkatapos kitang sinamahan, iiwan mo na lang ako sa ere! It so super duper ouch Kyungdo ah! " pagbubunganga sa akin ni Baekhyun simula nung nakauwi kami rito sa bahay. Bukas pa kasi uuwi si Dad kaya eto pinilit ko siya na dito muna matulog sa kwarto ko para may kasama ako :D

In short, Mag oover night si Baekhyun dito!!!

" Sorry naman Baek! Natakot lang kasi ako malay ko ba kung sino yung lalaking yun! Ayoko lang na matulad ako sa mga nakikidnap diyan! Nagiingat lang ako best! " totoo naman kasi uso pa naman mga ganung gang ngayon.

" Grabe ka naman Kyungsoo! Yun ba yung mukhang nangingidnap?! Sa loob pa ng store! Baka yung tumabi sa akin ang kidnapper! Ay hindi Rapist! Tignan mo naman nung ngumiti diba?! Nakakatakot! Hinampas ko nga ng bag nung hahawakan na sana yung mukha ko eh! Hindi na lang niya sabihin na may dumi pala ako sa mukha diba? Sus. Style nun? Ang bulok! Pwe! "

Napaisip ako. Paano nga pala napunta dun sa lalaking may malaking tenga ang usapan? Hmm...

Napatingin ako kay Baekhyun at nginitian ko siya ng may meaning na alam niya.

" H--hoy! A--anong tingin yan Kyungsoo?! " bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Ay alam ko na to!

" H-hindi k-ko yun Type no! Kadiri ka Kyungsoo! " pagdedeny pa niya. Wushu.

" Eh bakit tinatanong ko ba? " natatawa kong tanong sa kaniya. Kahit hindi ko naman talaga tinanong alam kong gusto niya yun. Namumula tenga niya eh!

" Basta! Hindi ko siya gusto! Period! "

" Hay nako Baekhyun tsk.tsk.tsk. "

" HINDI NGA SABE!!! " hinayaan ko na lang siya. Deny ng deny halata naman.

Haay Sino kaya yun?

End of Chapter

Do You Know Me? | A KaiSoo Story |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon