Parallel

41.2K 1.3K 619
                                    

'We are a fraction of someone's whole life—tiny or huge parts, well it really doesn't matter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'We are a fraction of someone's whole life—tiny or huge parts, well it really doesn't matter.What's important is that, you're a part of someone's life. Pi's value is infinite—same as love. Yes, I believe in forever. Equations can be balanced and solved—just like our emotions. We each use our own formula to resolve our conflicts and problems. Parallel lines never meet—just like us.'

I erased 'us' from the sentence I just wrote. Well, actually, binura ko ang buong huling sentence. Buti nalang pala at lapis ang ginagamit kong pansulat sa diary ko. Who knows, baka may makasaba nito at sabihing 'asa' naman ako. I don't want to take that rist. Nagpatuloy ulit ako sa pagsusulat—

'Have you ever heard this Math analogy? Math tells us 3 of the saddest love stories: Of parallel lines, who are never meant to meet. Of tangent lines, who were together once then parted forever. And of asymptotes, who could only get closer and closer, but could never be together.'

"Ang lalim naman niyan," sabi ng yumuko sa tabi ko. Teka—I'm in my room and it's already three in the morning. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa likod.

"Aghh—" sisigaw sana ako kaso lang ay tinakpan ng kung sino mang taong ito ang bibig ko bago ko mailabas ang full volume na sigaw ko. Ipinaharap niya ako sa direksyon niya. He even game me a 'sshhh' sign. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong kinabahan. It's a guy and I think he's around my age—this guy who's currently holding me hostage.

"Relax lang, I come in peace," ngumiti siya saka kumindat.

"Asgh—shwnooiiiflk!" pinilit kong nagsalita pero hindi mabuo dahil nakatakip parin ang kamay niya sa bibig ko.

"Ah, sorry," binitawan niya ako at sakto rin namang may kumatok sa pinto ko.

"Kaylee, anong nangyayari diyan? Bakit ka sumigaw?" tanong ni Dad mula sa labas. Solution one: sabihin na may intruder sa room ko at nakangisi siya ngayon? Gulo 'yan! Solution two: kailangan ng classmate ko ng tulong ko sa isang project ngayong madaling araw—

"I really won't harm you," sambit ng kaharap kong lalaki. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. Tumakbo agad ako sa pinto at binuksan iyon kaunti. Narinig kaya siya ni Dad?!

"May ipis lang, Dad. Okay lang ako rito," mahinang sabi ko.

"Ah. Late na anak, matulog ka na," sagot ni Dad bago siya bumalik sa kuwarto nila. Pagkasara ko ng pinto ay humablot agad ako ng puwede kong gawing weapon—which is a book, the nearest one. Ugh.

I'm stupid! Paano nalang kung masamang tao pala ito?

"Huh? Teka, parang kilala kita?" ibinaba ko rin lang ang hawak kong libro. He's a tall guy, maybe 5'9", with brownish hair, thin lips and he has attractive eyes too. Komportable siyang nakaupo sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot.

"Talaga? Sige nga, sino ako?"

"Familiar lang pero hindi ko maalala kung saan—sandali nga ulit! Paano ka nakapasok dito at ano ang kailangan mo sa akin?" napalakas ang boses ko.

SEATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon