Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Someone saved me once, it was that guy. Someone asked me to be happy, it was that guy. Someone cared for me so much, it was that guy. Someone made me who I am today, it was that guy.
***
Naglalakad ako pauwi nang biglang bumuhos ang ulan. Nanginginig ang katawan ko sa ginaw at basa na ang damit ko. Sana kasi ay nag-jacket nalang ako. Saglit lang naman kasi akong lumabas para kunin ang pocketbook na hiniram ko kay Mae. Kahit ang phone ko ay hindi ko dala. Wala akong payong kaya sumilong muna ako sa isang waiting shed.
Isang nakatayong lalaki, na nakahoodie at may hawak na payong, ang kasama ko sa sinilungan ko. Ngayon ko lang siya nakita rito. Napatitig ako sakanya saglit dahil parang tulala siya. Diretso lang kasi ang tingin niya sa ulan at parang hindi pa siya kumukurap. Umupo ako sa bench na malapit sa kinakatayuan ng kasama ko.
"Pakshet na ulan," sambit ko sa sarili ko dahil biglang lumakas pa ang ulan at hangin. Dumidilim narin at siguradong hinahanap na ako sa amin. Takbuhin ko nalang kaya? Kaso lang baka mabasa itong pocketbook e.
"Magdamit ka ng maayos," sabi ng kasama ko at bigla nalang niyang ipinatong sa balikat ko ang hoodie niya. Bago pa ako makapagsalita ay umalis ito at tumakbo sa ulan. Pati ang payong niya ay iniwan niya sa tabi ko!
"Teka!" siga ko pero hindi siya lumingon at diretso parin siya sa pagtakbo hanggang sa maglaho na siya sa paningin ko. Isinuot ko nalang ang jacket niya, na sobrang haba para sa akin, at ginamit narin ang payong niya para makauwi ako. Kung sino ka man, thank you!
***
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang magsimula ang bagong school year. Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang lalaking iyon sa waiting shet. Gusto siyang makita para maibalik ko sakanya ang jacket at payong niya. Kung magtatanong-tanong man ako sa mga kapitbahay namin, ano naman ang gagamitin kong description? Matangkad, singkit at ehm, sige na nga, cute.
Pagka-ring ng bell ay pumasok na agad ang English teacher namin. Sigurado akong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kasunod ng teacher namin na pumasok. Napaayos ako ng upo at nakatitig lang sakanya at sigurado akong pati rin si Mae na katabi ko sa ngayon.
Nakatayo sa harap ang lalaking nagpahirap sa akin ng jacket at payong!
"Denise, transfer student?" bulong ni Mae sa akin. Napansin ko agad na hindi lang kami ang nagbubulungan!
"Y-yata," tipod na sagot ko.
"Good morning class! Let me introduce you to a new classmate. He just transferred here and he doesn't know anyone just yet. Please introduce yourself, Mr. Tan," anunsiyo ng matandang teacher namin.
"Wow, parang nahatak sa manga o isang perfectly photoshopped na ah," bulong nanaman ni Mae.
"Hi, I'm Aaron Tan. I'm new in town and I hope to get along with everyone," pakilala ng 'newbee' sa harap. Diretso lang ang tingin ko sakanya sa pagbabakasakaling makita niya ako. Hindi naman sa gusto ko na siyang kausapin ngayon!