Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang buhay daw ay parang gulong: minsan tayo'y nasa ibabaw at minsan nama'y nasa baba. Patuloy na iikot ang gulong na ito ayon sa ating kapalaran. Matagal ko nang hinihintay ang pag-ikot ng sarili kong gulong. Kung kailan naman kasi nasa baba ang gulong ng buhay ko saka pa ito na-flat.
Maliit palang ako nang namatay ang ama ko. Bago naman ako mag-highschool ay naging lasenggo ang Kuya ko at dahil sa pagiging lasenggo niya ay naaksidente siya minsan na kung saan ay kamuntikan na siyang mabawian ng buhay. Ipinasok naman siya ni Mama sa rehab pero pagkalabas ni Kuya ay nagrelapse agad siya. Nakakapos kami ni Mama minsan dahil sapilitang kinukuha ni Kuya ang pera ni Mama. Buti na nga lang at scholar ako ng DOST kaya't hindi ko kinailangang huminto. Kaya naman kahit anong hirap ng buhay ay kailangan ko paring umusog.
Kagaya ngayon, kahit na gutom na ako ay tinitiis ko nalang dahil kailangan kong mag-tipid at mag-ipon.
"Excuse me, may nakaupo na ba rito?" tanong ng lumapit sa inuupuan ko. Tiningala ko ang nagsalita. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang taong nakatayo sa harapan ko. Kambal?
"Wala po," tugon ko. Gumilid ako hanggang sa gilid ng table. Tatluhan sa isang table kasi ang seating arrangement ng NSTP class namin. Nasa pinakadulo ng hall ang inuupuan ko at silang dalawa palang ang lumalapit sa akin para maki-upo. Mukhang magkakakilala naman kasi ang karamihan dito. Mukhang ako lang yata ang iba ang kurso sa buong klaseng ito. O baka may kakurso ako pero hindi ko lang talaga kilala.
Malakas ang loob ko na kambal ang dalawang nakitabi sa akin. Kung hindi man, grabe naman ang pagkakahawig nila sa isa't-isa. Katabi ko at nasa gitna ang nagtanong sa akin kanina lang. May kaunting dark red na highlights ang buhok niya. Ang isa naman na nakaupo sa pinakadulo ay brushed up ang buhok at may dalawang hikaw sa kanang tenga niya. Mas matangkad ng kaunti iyong nasa dulo kaysa dito sa katabi ko. Kahit magkahawig sila ay mukhang madali mong malalalaman kung sino ang sino dahil sa mga distinct na 'trademarks' nila.
"Bakit ka nakatitig?" baling sa akin ng nasa dulo. Parang pagalit ang boses niya at nakakunot pa ang noo niya. Alanganin akong ngumiti at agad kong tinanggal ang tingin ko sakanya. Doon ko lang napansin na ang dami rin palang nakatitig sa mga katabi ko. Teka, parang may mga pasimple pang kumukuha ng mga litrato? Sikat ba 'tong dalawang ito?
Maya-maya ay pumasok ang ilang instructors at mga student assistants. Kailangan talaga ng mga assistants bilang facilitators dahil halos isang daan kami rito sa klase. Nagpakilala ang mga instructors at mga student assistants bilang simula ng klase.
"As for your groupings, you'll be grouped today according to your currents seats so that we won't waste any more time. Make those seats as your permanent seats for the whole summer term too for group convenience. The assistants will be handing out seating plan charts so please fill that up as soon as it gets to you," anunsiyo ng lalaking instructor namin.
Sa banda namin dito sa likuran ay lumapit ang isang Ate Tina at nagpakilala. Siya ang naka-asign na assistant sa ilang rows dito sa likuran.