C62

1.1K 120 13
                                    

Author's Pov

"Oh diba? Hindi naman umobra kasi nagkabalikan na sila, please habang maaga pa at hindi pa nila nalalaman talaga ay umamin na tayo" sabi ng babae sa kanyang kaibigan nasa madilim sila na parte ng beach at wala namang katao tao sa paligid nila.

"Naririnig mo ba sarili mo? Itikom mo nalang yan kung ayaw mong pati ikaw yung patahimikin ko!" Hinihilang sabi niya sa kaibigan baka kasi may makarinig sa kanya na ibang mga kaibigan nila.

"Laney! Tama na please its over! Ayoko masira yung pagsasamahan natin sa kanila dahil sa ginawa natin!" Sigaw naman niya dito at bahagyang napatanggal ang pagkakahawak sa kanya ni laney.

"Masisira talaga yun kung hindi mo ititikom yang maingay mong bunganga! Marami na tayong sinakripisyo kaya wala nang atrasan!" Pagyugyog naman ni laney sa kaibigang umiiyak na ngayon at tila bay nanghihina na.

"Natatakot ka ba kay sofia huh? Kaya nagkakaganito ka?! Hindi mo naman kailangang matakot Laney!" Singhal naman ng dalaga sa kanya habang pinupunasan ang kanyang mga luha , mapungay na ang kanyang mga mata dahil sa alak na kanyang nainom.

"I said shut up diba?! Nandito na din si sofia sa boracay at pati sila zandro! sila nalang bahala magpatuloy nito pero it doesn't mean na igigive up ko si jaydee kay sofia! No way!"  Rebat naman ni laney sa kanya at napapahawak nalang sa kanyang noo dahil sa pagkainis sa kanyang kaibigan.

"Alam mo hibang kana talaga eh no?! Ayaw ko na ng ganito laney?! Anytime pwede na nilang malaman to at natatakot ako dahil sa magiging consequence nito dahil lang sa paghahangad natin ng pagmamahal ng isang taong hindi naman kayang mahalin tayo pabalik" natatakot na sabi nito kay laney , hinawakan naman siya sa may bandang kwelyo nito at na out of balanced siya na sanhi upang matumba sila at maaninag ng liwanag na nanggagaling sa lamp post.

"Hoy kayong dalawa dyan?! Nag aaway ba kayo ah? Kung ano man yan ay daanin niyo na lamang sa mahinahong usapan!" Tanong ni abby sa may malayuan nang makitang hawak hawak pa din ni laney ang isa niyang kaibigan at nakapatong siya dito sa may lupa.

"Ah hindi po ate abby , napatid lang po kaming dalawa habang nag uusap" pagpapalusot ni laney at tsaka tumayo na tinulungan naman niya yung kaibigan niya ngunit hindi nito kinuha ang tulong ni laney.

"Sinasabi ko sayo manahimik ka nalang. Kung gusto mo si frances ito na yung time mo na magpakitang gilas sa kanya at ako naman kay jaydee. Naging okay man sila ngayon pero kaya nga sumama tayo diba? Kasi alam na nating mangyayari to , nandito tayo para sirain silang muli!" pagpapaliwanag niyang muli sa kanyang kaibigan , napailing iling nalang itong tumayo sa pagkakaupo niya.

"Ewan ko sayo laney, labas na ako dito ayoko na sasabihin ko na sa kanila yung totoo!" Sabi niya at nagmadaling pumunta papasok sana ng resthouse nila brei.

"Sige subukan mo! kilala mo si sofia pag nagbanta siya ay hindi mo nanaisin ang magaganap! Tignan lang natin ang tapang mo?!" Pagbabanta ni laney sa kanyang kaibigan at pumasok na nga din siya sa may loob..

"Hoy guyz! Tara sa labas nalang natin ituloy tong kasiyahan natin , nakalatag na doon yung hinanda kong tent at nagsisindi na sila jaydee at gabb ng bonfire doon!" Sabi ni abby sa kanyang mga kaibigan , nagsigawan naman sila sa tuwa.

LOVE , LIES WITHIN YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon