C49

1.1K 148 24
                                    

Frances Pov

Naisakay na si jaydee sa may ambulansya , wala siyang malay sa ngayon at duguan ang buong katawan nito. Hawak hawak ng isang babae ang mga kamay niya at siya yung nakasama kanina sa lunch namin. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa pero isa lang ang pumapasok sa aking isipan at iyon ay kasalanan ko kung bakit nangyari to kay jaydee.

"Babii hold on?! We're near na sa hospital kaya kapit ka lang ah , I'm here lang sa tabi mo" Nag aalalang wika niya medyo maarte yung boses niya , like laking abroad talaga siguro to hmp wait Babi? So sila ngang dalawa? Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa may cellphone ko, kinontak ko na si kuya brei at ipinaliwanag ang lahat nang nangyari.

A few minutes later nakarating na kami ng hospital at dinala na agad si jaydee sa emergency room, nakasunod lang ako habang si jie hawak hawak pa din yung kamay niya. Gusto kong ako ang hahawak ng kamay niya at samahan siyang maidala doon sa emergency room pero alam kong wala akong karapatan at isa pa , isa ako sa rason kung bakit siya nagkaganyan. Damn it! Napaupo nalang ako sa may waiting area , naluluha at nagdadasal na sana maging okay si jaydee.

"You may leave ako na ang bahala kay Jaydee" lumapit naman si jie sa akin at biglaang nagsalita , umiiyak siya pero pinunasan niya yung mga luha niya bago ako hinarap.

Masama ang mga titig niya sa akin like parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"No I will stay?!" madiing tugon ko sa kanya , alam ko naman na kanina niya pa na ayaw ako makasama pero si jaydee ang ipinunta ko dito at dahilan kung bakit gusto kong mag stay.

"Mag iistay ka?! Alam mo ang kapal din ng mukha mo! Ikaw ang rason kung bakit sinagasaan ng walanghiyang boyfriend mo si Jaydee and then you wanted to stay?! Para ano? Para hindi ka maguilty kung sakaling maging okay si jaydee?!" Galit na galit na singhal niya , kulang nalang ay sabunutan niya ako dahil sa galit niya ngayon.

Napaluha nalang ako dahil sa sinabi niya kahit naman hindi ako sumama magiguilty at magi guilty ako dahil ako ang punot dulo ng lahat ng ito.

"I know it's my fault that's why I'm here. Ayoko ng gulo at tsaka kaibigan din naman ako ni jaydee kaya hindi mo ako pwedeng paalisin dito. I just want to apologize at wala akong ibang intensyon" rebat ko pabalik sa kanya , napataas naman ang kilay nito at tinulak tulak ako nang mahina na dahilan upang mapaatras ako.

"A friend?! Or an ex girlfriend?! I know na ex ka ni jaydee by the word itself na ex please lubayan muna si jaydee. Ayokong nasasaktan siya nang dahil sayo frances , maganda ka at mabait as I can see pero hindi mo deserved na mahalin ni jaydee" paano mo namang nasabi na hindi ko deserve mahalin? Alam ko namang ex na ako ni jaydee at hindi mo na kailangang ipamukha yun sa akin. Hindi naman ako nag stay dito para makipagbalikan kay jaydee kundi para damayan siya , nung mga panahong nasasaktan siya hindi ko siya nadamayan at sa ngayon na nag aagaw buhay siya , I wanted to be here with him,.

"Just let me stay,." Naiiyak na sabi ko sa kanya natigilan naman kami sa pag uusap nang biglang dumating sila kuya abbiel, kuya brei, gabb ,lance , coleen at iba pa.

"Frances?! What happened?! Damn malubha ba yung lagay niya sa ngayon?" Nag aalalang sabi ni kuya abbiel at niyakap ako maging ni kuya brei, napailing iling nalang si jie dahil alam niyang hindi niya ako mapapaalis.

"Gagong kielle talaga yun mapapatay ko talaga siya pag nakita ko siya, argh! Jaydee please lumaban ka" aniya naman ni gabb na napakuyom na ang kamao niya sa sobrang galit , nakontak na din namin yung mga pulis at hanggang ngayon hindi pa daw nahuhuli si kielle.

LOVE , LIES WITHIN YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon