Chapter 4: Plastik Here, Plastik There, Plastik Everywhere

22 1 0
                                    

* * * * *

Haaaaaaaay! New day, new life XD. Andami kong laway haha, saliva falls na yung bibig ko XD. Kingena, pati yung unan meron, wait pupunasan ko lang XD kadiri, slimy mich, eews. Baba na ako ng hagdan syempwe deretcho sa lababo para magmumog at syempwe toothbrush na din ayaw ko namang mabulukan ng ipin nu, hirap kaya ng ganun. Saka ayaw ako mag polydent, kadiri kaya. Kada nguya mo nasasama na yung pandikit sa kinakain mo, eeeews.

Pagkatapos ko magtooth brush ng bonggang-bongga, edi nag sandok na ako ng sarili kong kanin. Wala yung parents ko kaya nagluto na lang sila para sa amin ng kapatid ko, ay mali, si mama lang pala, paepal lang naman si papa eh. Para sa kanya wala na akong nagawang tama. By The Way nagsandok na ako ng kanin, yung halos kalahati na ng medium size rice cooker, pwera biro, madami talaga yung sinandok ko, kaya ko yung ubusin, magdadag-dag pa nga ako kapag kulang. Pagkasandok ko ng kanin, nagbuklat ako ng mga kaserola. Sakto may ulam, adobong manok na may 3 hard boiled eggs XD. Ganun talaga si mama magluto may pasobra lagi. 8 pieces ng manok yung nakita. 4 yung akin, 4 din yung sa kapatid ko. Syempre pipiliin ko na yung mas malaki nuh. Ansama ko ba? XD. Kinuha ko na rin yung usang itlog, bakit ba, gutom eh XD.

Umaktat na ako sa taas ng bahay namin. Binuksan ko yung T.V. ,  sakto chaka ng palabas XD BLUES CLUES.

sandok dito, sandok doon. Charay, busog agad ako. Syempre mga tatlong butil lang ng kanin yung natira. Pagkatapos ko kumain, kinuha ko na yung mga damit ko, saka twalya bago ako pumunta ng banyo. Kahit nasa C.R. ako dinig ko pa rin yung hilik ng empakto kong kapatid, eeeews. Kapal pala ng mukha ko, feeling di humihilik XD. Nag poo-poo muna ako bago tuluyang naligo. Ang init pa rin kahit bagong ligo potek.

Umakyat na ako saka nagbihis. As usual, P.E. uniform yung lagi kong sinusuot, ang sexy ko kasing tinggan kapag naka P.E. eh, landi ko ba? XD. Nagsusuot din ako nun kase may laban ako sa guard, uba kase yung PE namin kumpara sa ibang section eh, kaya ayun, pinangingilagan kami ng mga guard, lalo na yung lolo, pero may mga makapal talaga yung kalyo sa mukha eh, try ko tingnan bukas yung pangalan ng epal na yun, feeling pogi, ay nako! Yung pagkapogi nya parang hangin, sya lang yung nakakaramdam, at walang nakakakita, hay, kaloka si manong.

Matapos yung pagdadal-dal ko ng mag isa, FYI, di po ako psychotic haha, mahilig lang mag self-talk. Nagpulbo na ako, suklay, saka pabango, sossy ako kaya victoria's secret yung gamit ko XD. Wahahaha, pero yung totoo, bigay lang sakin yun ng tita ko.

Pagkabuhos ko ng pabango, ay mali, spray pala yun. Kinuha ko na yung bag. Bago pa ako makalabas ng bahay may narinig akong masakit sa ulong tunog, waaaaah. Anu ba yun aaarrghh

"kus aym yur lidi, ind yu ar may man",       

Waaaaah, pautot ng mga kapitbahay namin, feeling magaganda boses, kaasar. Nagmadali akong pumunta sa bahay nila Johana para di ko na marinig yung chakavels na boses ni mortal enemy ko. . . Habang naglakakad ako, kingene, may mga chizmakers akong nakasalubong, sa tingin ko, ako yung pinag uusapan nila. Mga inggetera kase sa ganda ko yang mga chismosa na bugaret na nagkataong kapitbahay ko pa. Kung nakamamatay lang ang chismis, siguro, lagas na yung mga kapitbahay ko.

"kung may sasabihin PO kayo, sabihin nyo ng harapan, hindi yung nagbubulungan kayo dyan. Mukha lang kayong tanga jan eh"           sabay irap ko sa kanila. Panu kase anduduwag, hanggang salita lang naman yang mga bugaret na yan eh.

Bago pa ako mabadtrip dito sa mga bugaret na nagkalat sa lugar namin, binilisan ko na ang paglalakad. Nayayamot na kasi ako ng bongga eh. Pumunta na ako sa gate nila. Kumatok ako saka pumasok. As usual, naghintay muna ako ng matagal bago nakaalis.

Naglakad kami papunta sa labasan para sumakay. Ang hirap pa namang tumawid doon kase kaloka yung mga motor, hindi man lang marunong huminto, kaasar. Sana masagasaan yung mga anak nya ng motor nang malaman nya kung anong nararamdaman namin, kaasar.

Pagkatawid namin ng kalsada, naghintay na naman kami ng isang dekada para makasakay. Muntinlupa o kaya UP Side yung nakasulat sa wind shield ng jeep yung sinasakyan namin. Ang masaklap, laging punuan yung mga ganung uri ng jeep kaya mahirap sumakay  saka kung may jeep man, hanggang starmall alabang lang yung prangkisa nila.

After ng isang milenyo, nakasakay na din kami ni Johana. Ansikip pati. Bat ba kase laging nakabukaka yung mga lalaki sa jeep. Ang sikip-sikip tuloy. Tusukin ko ng payong ko yung ano mo eh, nang madala ka sa pagbukaka mo.

Habang tumatagal kami sa jeep. Palaki ng palaki yung bukaka nya. . . Kingena, makakapatay ako ng wala sa oras neto eh. Ansikip na nga, bukang buka pa yung mga hita nya.

" umusog ka nga Johana, nakakahiya naman dito sa katabi ko eh, hirap na hirap syang bumukaka."        anlakas pa ng pagkakasabi ko.

"wala na nga dito eh",    nakikisakay naman si gaga XD.

"bat ba kase kailangang bumukaka, ano bang meron. Kaloka huh! Feeling gwapo kase, eh mukha naman libag na isang taon nang nakadikit sa kilikili ng babaeng dugyot! Kaasar",        haha, ansama ng hitsura nya.

Sa wakas lumuwag na rin, sa alabang kasi sila bumababa eh, pati si kuyang bukaka bumaba na din, nag smirk ako sa kanya nung nakatingin sya sa akin bago sya lumabas ng jeep. Umaandar na yung jeep ng biglang huminto ito. May sasakay kasi. xD.   As usual si bebe ko na walang iba kundi si Chester. Haha, is this what they called DESTINY? Wahahaha.

"hi justine, hi johana",        ang cute nya wahahaha.

"ayiiieee, justine, pumapag ebeg XD."     letche ka johana, mamaya ka saken sa crush mo, muwahahaha

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong jeep hanggang sa nakababa na kaming tatlo. Di pa din mawala sa mukha ni Chester yung pamumula nya. Crush nya din ba ako? O sadyang assuming lang talaga ako. Basta, okey lang kahit hindi .

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang ss makarating kami sa gate, hindi pa rin kami nagpapansinan.

Diary ng Hindi Assuming (slight lang) [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon