Chapter 4.2: Plastik Here, Plastik There, Plastik Everywhere

20 1 0
                                    


* * *

Naaasar na ako sa katahimikan. Parang unti-uti nitong dinudurog ang puso ko. Ano ba tong nangyayari? Is this love? Ni hindi ako makatitig sa mga mata nya. Andrama mo na po. Para ring may kung sinong nagsasalita sa isip ko. Baliw na ba ako? Baliw sa pag-ibig?

"ay anak ng palakang rainbow!"    litsi naumpog pa ang lola nyo. Ang ganda na nga ng moment ko dito eh. Kasing ganda ng mukha ko. Halata sa mukha ni Johana at Chester ang pagkabigla. Parang konting kalabit na lang kay Johana ay tatawa na ang gagita. Teka lang mga friend, saan ako nabunggo?

"Ayos ka lang ba ate?"        ako lang ba o parang andaming mga pogi yung nakakasalamuha ko. Tenkyu lurd, dami ko nang blessings wahahahaha.

"okey lang ako. Keri ko na to"     pagdadahilan ko dahil iniabot nya ang kamay nya sa akin para tulungan akong tumayo. Enebe keye. Nakatingin pa rin si kuya sakin na parang nagmamakaawa na hawakan ko yung kamay nya. Totoo ba to? O assuming lang talaga ako.  ✌✌. Hinawakan ko na yung kamag nya pero agad akong napabitaw kase parang may kuryenteng dumaloy sa mga kamay namin na ikinapaso naming dalawa. Kitang kita ko rin na naramdaman nya din yun base sa reaksyon ng kanyang mukha.

"SPARKS?"     sabay kaming nagsalita dahil sa pagkabigla. Emeged. Is he the one? Totoo ba to? Konsensya paki batukan naman ako.

Napangisi si kuyang nabangga ko na may sparks yung kamay nung hinawakan ko. Kitang kita ko naman ang paglamlam ng mga mata ni Chester. Anong nangyayari? Teleserye ba this? Gulong-gulo na ang pag-iisip ko.

" uhm, ate, ako nga pala si Daniel, Daniel Kaii. Dan for short",   nagsmile sya ng maliit pagkasabi ng pangalan na lalong nagpagwapo sa kanya. Para sakin, mas gwapo pa sya kay Daniel Padilla.

"I'm Justine, Justine Mae Alcantara Geronimo, saka wag mo akong tatawaging ate kuya. Mas matanda ka sa akin kase grade 9 ka na ako grade 8 pa lang",    hahaha, bagong uri ng paglandi, Proud XD. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya ang aga nya pumasok? Panghapon din yung mga grade 9. Hindi naman sya S.P.A. na tulad naming tatlo?  Is this DESTINY?

"Sige justine, sa susunod ulit. Member kase ako ng committee ng KPSEP eh, may meeting pa kami."      how nice. Mahirap makapasok dun sa membership na yun. Pang mga batang may moral values, kaya ibig sabihin, hindi sya bulakbol kaya mabubuhay ako sa DESTINY ko.

Naghiwalay na kami ni Dan ng landas. Napansin kong di nawawala ang tingin nya sa akin. Parang di ko rin maalis yung mata ko sa kanya. Parang may kumunekta sa mga damdamin namin nung nahawakan ko yung kamay nya. Sa lahat ng naging crush na halos isang milyon na, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. Yung feeling na parang nakumpleto ka. Yung may napunan na pagkukulang sa sarili mo na matagal mo nang hinahanap. Juice colored, buhay pag ibig nga naman. Habang unti-unting nawawala sa paningin ko si Dan, parang nagkakaroon ulit ako ng kulang. Bakit ganun? Naloloka na ako.

"depotang ena jasten ah, puro kalandian ang buhay natin ah",     war na war ang gaga, inggit lang sya XD. "andito lang naman si Chester eh, naghahanap ka pa nang Dan mo",  pagpapatuloy nya.

Oo nga nuh. Muntik ko nang makalimutan si Chester. Isa lang ang nabubuong tanong sa isip ko. Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?. Tindi ng hugot mo ah! Kanta ba yan?.    Kanina pa yang boses na yan ah. Sino ka po ba? Konsensya mo ako gaga. EDi wow, may kirengkeng akong konsensya.

Diary ng Hindi Assuming (slight lang) [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon