Epologue *****************************************************************************************
Nakalutang ako kung saan, hindi ko alam kung nasaan ako o ang ginagawa ko basta parang nasa ilalim ako ng tubig habang pailalim sa napakailalim ako. hindi ko alam kung bakit ako nakapunta rito o sino ba ang kasama ko rito. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang malawak na tubig na para bang ako lang ang nandodoon, wala akong bagay na nakikita o ano mang isda kahit sobrang linaw ng tubig. Inaangat ko ang aking ulo para makita kung gaano na ako kalalim at ang nakita ko ang napaliit na sinag na araw. alam ko na ang layu-layo ko na pero parang ayaw gumalaw ng katawan ko, parang may humihila sa akin pababa. maya-maya ay may narinig akong tinig , "Nikko, halika na dahil may nagmamahal sayo" hindi ko alam kung sino iyon o saan galing ang tinig, basta sa pag kaka rinig ko ay boses lalaki, napaka sarap sa tenga ng boses nya na parang makaka tulog ka. gusto ko mang umahon pero hindi kaya ng katawan ko at unti unti na rin ang hininga ko ay nawawala na, mayat maya pa pawala na ang aking malay at nakapikit na rin ako, may narinig akong mga tunog na parang may nag sidsid papunta sa akin, inisip ko na siguro yun yung tao na sinasabihan ako mayat maya talaga ay kinuha nya ang kamay ko, sobrang lambot ng kanyang kamay kahit mawawalan na ako ng malay ay naramdaman ko yun, hanggang dun nga nawalan na ako ng malay.
****************************************************************************************************
June 1, 2015 (Monday)
Hindi ako makatayo sa kina hihigaan ko, sobrang napagod ata ang katawan ko sa ilalim ng tubig, dahang-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nakita ko ang sinag ng araw, napaka init sa katawan na para bang unang pag dampi ito sa aking mga katawan, nag pahinga ako sandali minamasdan ang mga ulap na dumadaan, dahan dahan rin akong tumingin sa paligid, nakita ko ang mga puno na ang gaganda at dun ko lang nalaman na nasa sapa pala ako at sa pag kakaalam ko ito yung sapa na pinaliguan ko bago ako mag college, napag isip-isip ko na siguro bakasyon ngayon kasi andito kami, dahan dahan darin akong tumayo, medyo nan lalambot pa ako pero pinilit ko na tumayo, naka brief lang ako nun, kaya hinanap ko yung damit ko, at ayon nakita ko nasa may tabi ng halaman, na excite ako kasi parang alam ko yung damit, kasi yun damit na ipinahiram ko sa pinaka mamahal kung babae noong nag field trip kami. kaagad ko sinuot yun pero nag taka ako kasi sa ilalim ng damit merong isang notebook, alam ko yun yung diary ko pero bakit nandito ito? eh ginagamit ko lang naman ito kapag matutulog na ako, ako yung taong nag didiary dahil pinapahalagahan ko ang mga magagandang nangyari sa buhay ko lalo na meron kaming sakit na alzheimer's disease, pero hindi naman lahat, siguro sa isang generation isa lang ang nag kakasakit kaya isinusulat ko na kasi baka pwede kong ibigay sa MMK o mag Pakailanman, Hehehe! pero seryoso importante ito sa akin, dahil nga di ko alam kung bakit andito ito. Inisip ko na baka pinakialaman nanaman ni mama at binasa, nakakainis kasi si mama eh laging pinapakialaman ang gamit ko, pero noong nag college ako syempre hindi na kasi simula noon nakilala ko na ang pinaka mamahal ko na si Luisa.
12:45 pm
Dahil hindi pa ako nagugutom at wala akong magawa noon kasi wala akong ibang kasamang tao at ang tahimik ng lugar, binuklat ko ang aking Diary, binasa ko yung nakaka kilig na part tulad noong unang nagkita kami ni Luisa, first Kiss namin at yung Ball sobrang napakagandang balikan noon, Si Luisa ay hindi typical na babae, para syang Maria Clara sa hinhin pero sa University na aming pinapasukan sobrang sikat nya kasi dahil isa syang harmonicis o yung tumutugtog ng harp or mouth harp. maikli lang ang buhok nya at napakapungay ng mata, may pag ka morena at ang ganda ng mga mga mata, kawawa naman yung ibang manliligaw nya kasi sa akin sya napunta, pero hindi naman sa pag mamayabang pero gwapo kasi ako pero mabait at magalang. nag basa pa ako ng nag basa hanggang tumunog yung cell phone ko, inilapag ko muna yung aking diary at tiningan kung sino yung nag txt, at laking gulat ko na si Rick ang nag txt sa akin, dati ko syang kaibigan na nag traydor sa akin kasi gusto nya rin pala si luisa kaya siniraan nya ako. pero binuksan ko dahil baka imporatante, at ang txt.
BINABASA MO ANG
She meets me no more
RomanceWhat if binigyan ka ng second chance para makasama ang minamahal mo na nawala na? at mauulit muli ang nakaraaan, babaguhin mo ba ito para mabuhay sya o hahayaan nalang ang tandhana para lang muli lang syang makasama? "SHE MEETS ME NO MORE"