I. "Ang Matalik Kong Kaibigan"

21 5 1
                                    



Kanina pa ako nakatitig sa orasan dito sa aming bahay. Kanina padin ako naririndi sa dami ng gawain at ingay sa loob ng aming tahanan, habang hinihintay ko ang Isang lalakeng na ubod ng bagal at lampa kung gumalaw.Ilang minuto palang at kumaripas na siya ng takbo papalabas ng kanilang bahay. "Kyle, kaya mo yan palagi mo yang babantayan ha at alam mo naman ang sitwasyon niya!"wika ng kaniyang nakababatang kapatid nginitian ko siya bilang sagot.

"Anong oras kapa nakatayo diyan" Tanong saakin ni Josh.

"Oo, Palagi naman sanay na ako ang bagal mong kumilos kahit kalian talaga." Sigaw ko sakanya at nagsimula nanaming tahakin ang daan patungo ng eskwelahan sa kabilang bayan.

Siguro nagtataka ka na ngayon kung bakit hinihintay ko pa siya sa bahay nila kahit malaki na siya.Hindi niya ako guardian, o kung anuman. Matalik ko siyang kaibigan. Simula palamang noong elementarya ay magkaibigan na kami, maging ang mga magulang namin na magkatrabaho pala dati sa isang malaking kumpanya sa ibang bansa palagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay na aming pinaguusapan, gayundin ang grado sa paaralan dahil pareho kaming aktibo at nagtutulungan sa pagaaral ng akademiks, isport at maging sa pagtuklas ng mga bagong bagay.

Ulila si Josh matagal na nawala ang kaniyang mga magulang ngunit sa kabila nito ay tumatayo na siya sa kaniyang sariling paa, kaya naman sinusuportahan ko siya maging ang aking mga magulang dahil hindi Madali ang kaniyang buhay sa pang araw araw.

Matalik ko siyang kaibigan, pero patuloy pa din akong umaasa na sana ay mapansin niya din ako. Hindi na ako yung batang mahina , yung kalaro niya noong kami ay mga bata pa na tila walang alam sa mundo, Gusto ko tingnan niya ako bilang isang lalake na masasandalan, o Maasahan tuwing may problema, at kung maari ay ang kaniyang kai'bigan sa hinaharap

Ito ang unang araw namin bilang Ika siyam na baitang simula noong nagkaroon ng pandemiya mahirap ang naging sitwasyon dahil hindi naman lahat ng bata ay may kakayahan na bumili ng mga gadyet na kailangan nila upang makapagaral gayundin ang pera upang makabili ng kagamitan sa eskuwela at mahirap nadin ang komunikasyon lalo na naming dalawa na sabik ng bumalik ang lahat sa dati.

Sa aming paglalakad patungo sa eskuwelahan ay natanong ko siya na."Masaya kaba?". "Umaasa ka ba na maging magkaklase padin kayo ni Nika sa baitang na ito?".

Nasa ika tatlong baitang palang kami ay tila ba patay na patay siya sa babaing iyon at siguro ay Naniniwala padin siya na magiging magkaklase o kaya naman ay napasama si Nika sa limitadong face to face na klase.

"Malamang kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Kaya lang malabo ang tsansa na maging kaklase ko yon dahil pili lamang ang mga estudyante." Sagot saakin ni Josh na tila may pinaghalong lunkot at ngiti sa labi na indikasyon ng pagkakaiba at takot.

Dahil dito nararamdaman kong hindi siya komportable, kaya naman iniiba ko nalang ang usapan, Masaya kaming nagkuwentuhan sa daan kung ano anong mga pangyayari ang naranasan namin gayundin ang mga nakaraan ptungo sa eskuwelahan. Pagkarating namin sa eskuwelahan ay paspas naming tinakbo ang seksiyon na kung saan nagsasabi ng aming kaniya kaniyang seksiyon at classroom. Kasabay nito abala ako sa paghahanap ng kaniyang pangalan. "Magkaklase kaya ulet tayo?" patanong niyang binalangkas. Ngunit sa kabila nito ay tila ba may iba siyang pinagtutuunan ng pansin habang ako naman ay nakatitig sa Blackboard at tinitngnan ang iskedyul ng aming mga klase. Sa kabila nito sinagot ko ang kaniyang tanong, wala namang masama diba? Dahil marami din naman tayong kakilala na naging kaklase naten noon mga nakaraang taon.

"Bakit tila ikaw ay nagdududa? Hindi mo ba ako gugustuhing maging kaklase sa huling taon natin dito sa eskuwelahan?" Malumanay na binulong saakin ni Josh."AHA! Nakita ko na ang pangalan mo . Magkaklase tayong dalawa!" Ako ay nabigla at masaya sa kalooblooban ko dahil makakasama ko ulit siya sa taong ito, "Si Nika kaklase ba natin siya?" Umiling si Josh. Mukhang hindi nanaman pinalad, parang ayaw magkrus ng tadhanan naming dalawa.

Wag kanang malungkot tanda mo ba ito na ang huling taon natin na magkakasama bilang high school na estudyante kaya naman kahit may pandemiya ay sulitin natin ang bawat panahon na tayong dalawa ay magkasama, malay mo magkaiba tayo ng kursong kuhanin o kaya naman ay magkaiba ang ating pangarap sa hinaharap hindi natin malalaman, kaya naman halikana magsisimula na ang klase.

Sa paglipas ng mga araw palagi kong napapansin na tuwing ppasok kami sa umaga siya ay dudungaw sa bintana, pagmamasdan niya ang bawat tao sa daan hanggang masulyapan niya ang pagpasok ni nika, Hindi nadin ako nasasaktan sanay na ako eh! Alam ko naman kasi na simula palang hanggang kaibigan lamang ang turing niya saakin, Hindi naman ako si Nika na sobrang kinahuhumalingan at ang tanging tao sa kaniyang mata."Kadadaan niya lang" napakaganda at tahimik niya talaga.

"Ah Josh, mayroon kaming tryout ng Basketball mamaya, Pumunta ka ha!" Panoorin mong maging MVP ng basketball team tong "Kaibigan" mo. "Tryout palang yan Kyle, napakahangin mo naman yata! " natatawang tugon saakin ni Josh. Promise pupunta ka ha! "Oo nga. Promise!"

Sa Tryout ng basketball ay nakita ko siyang magisa na naglalakad bitbitbitbit ang aming bag at sandamakmak na Pagkain, may pa banner pa na gawa sa bondpaper. Umupo siya sa bleachers habang nanonood. Ako ay nasa isa nang masikip na sitwasyon madaming nakabantay sa akin higante pa kung tumalon, pinapatalbog ko lamang ang bola at mata sa mata kong tinignan ang kalaban ko, Ang daming boses na bumubulong sa isip ko tila ba ako ay naguguluhan. Narinig ko ang sigaw ni Josh isang sigaw lang na tila ba nagbalik ng aking lakas ng loob, nawala ang pagod ko.

"Kyle, Kaya mo yan wag kang magpapatalo sa mga kalaban mo!" Sigaw niya. Napangiti ako at pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman, kunwari ako ay magshoshoot ng bola ngunit nagpalit ako ng direksiyon madami man na gusting umagaw pero swabe kong naishoot ang bola. Sa boses ni Josh ay tila nabuhaya ako siya lang ang gusto ko, ngunit nakakita niya lamang ako bilang kaibigan at ibang tao ang nagpapatibok ng kaniyang puso.

Nang Huli Na Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon