V. "Ang panibagong simula"

5 0 0
                                    

        Maya maya pa ay natatanaw ko na ang isang masayang Josh, Sa puntong ito alam ko na talo na ako, ako ay tumayo at hinintay ko siya sa mismong tapat ng gate, Sa unti unting paglapit ni Joah ay yumuyuko siya nagbabago din ang kaniyang ekspresyon, napayuko siya at nakakita ko na lamang ang luha niyang pumapatak sa lupa. Bumilis ang hakbang ni Josh at di Kalaunan ay tumakbo na ito, tinungo niya ang direksiyon ko at mahigpit na yumakap saakin."Tianggihan ako" malakas niyang sinigaw habang siya ay nahagulgol at nahikbi. Ako ay gumanti ng yakap sa kaniya."Kaya nga hinintay kita nandito ako kasi baka kailanganin mo ako kung sakali." Bumitaw ako sa pagyakap at pinunasan ang kaniyang luha. "Halika na sabay na tayong umuwi"

Imbes na ako ay matuwa dahil hindi naging sila ay parang nalungkot ako sa sitwasyon na kinalalagyan ni Josh ngayon, dahil saksi ako sa kung gaano katagal na niya gusto at hinahabol si Nika. Hindi ko magawang matuwa dahil nasasaktan ang akig matlallik na kaibigan, Ang taong gusto ko. Huling linggo na ng klase ngunit sobrang tahimik padin ni Josh naninibago ang karamihan dahil hindi naman siya ganito dati siya ay masayahing tao na palabiro, hinayaan ko nalang muna siya dahil tila ba kailangan niya muna magmunimuni at mapagisa upang maayos ang kaniyang kaisipan.

Pero sa kabila nito lumpias ang ilang araw na walang nagbabago ganoon padin ang reaksiyon ni Josh na tila hindi niya kinaya ang lungkot na nararamdaman niya, Josh sabay na tayong kumain anyaya ni Gab,"Sigeh kayo nalang" tugon niya at naglakad papaalis ng room. "Hayaan nalang muna natin siya-" "Kyle, Habulin mona ilang araw na siyang malungkot, ikaw ang makakaintindi at ang pinakakailangan niya sa panahong ito. Pagkakataon mo na" Sabi ni Tristan sabay tulak sa likod ko.

Tumakbo ako papalabas at hinahanap ang kinaroroonan ni Josh wala siya sa librarya, wala di siya sa hardin na pabiritong lugar naming dalawa, makalipas ang ilang oras nakita ko siya sa pinaka hindi ko inaasahang lugar sa rooftop. "Kyle,Ikaw pala," at bumalik muli sa pagkaka tungo. "Hindi ka padin talaga nagbabago pagdukdok padin talaga ang hilig mo kapag nalulungjit ka." Hindi man ako si Nika na nagbibigay sa iyo ng sobrang kaligayahan pero nais kong malaman mona nandito lang ako para sayo,habang ang hininga ko ay pa putol putol. Inilapit ko ang mukha ko sakanyang tenga sabay bulong "Gusto, Kita" Wala mang kasiguraduhan na magiging parehas ang aming nararamdaman ang mahalaga ay alam na niya Bahala na ang Diyos sa susunod.

Hanggang sa natapos na ang taon at kami ay maghihiwalay na ng landas dahil magkaibang eskuwelahan ang aming papasukan nais kong ipagpatuloy ang kursong engineering at nais naman niyang maging isang doctor, simula noon hindi na kami masyado nakakapagusap ngunit napaglalaanan padin namin ng oras ang isat isa. Makalipas ang ilang taon.

"Salamat hayaan mo babawi ako sa susunod." Nagpaalam na si Josh sa mga kasamahan at excited na umuwi sa bahay nila ni Kyle upang makatipid dahil malayo ang bahay nila sa eskuwelahan nilang dalawa, Ng nakauwi si Josh ay nagmodule na ito at tinuloy ang onlayn nilang klase sa hapon, sa Kasabay na araw ay nakatanggap siya ng mensahe kay Kyle na baka hindi ito makauwi ng maaga dahil may pinapagawa pa ang kanilang propesor , "Maligayang Kaarawan hayaan mo mamaya sabay tayong kakain " Sigeh ibaba mo na muna, may gagawin pa ako, I lo- namatay na agad ang kabilang telepono bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin. Magiisang oras na ang nakalipas tapos na ang module ni Josh isang oras na ding late si Kyle ilang beses na niya itong tinawagan ngunit walang sumasagot, hating gabi na wala padding Kyle na nagpaparamdam.

Sobrang nagtampo si Josh dahil sa nangyari nang sumunod na araw ay pumasok na sa eskuwela si Josh hindi niya tinawagan si Kyle dahil alam niya sa mga panahon na iyon ay susuyuin siya nito na lagging ginagawa ni Kyle tuwing nagkakaroon silang dalawa ng hindi pagkakaunawaan pero sa kaniyang paghihintay walang dumating.

Nang Huli Na Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon