Jerry's POV
"I want a proof."
Napapoker face ako sa sinabi ni Ate. IKR. Gusto niya talagang patunayan na girlfriend ko tong si Clumsy Girl.
At tama ang nabasa niyo. Ate ko sya. At dahil wala akong galang, Eunice lang ang tawag ko sa kanya. Pero sa isip ko, Ate ang tawag ko sa kanya. Tss.
Napatingin sakin si Clumsy girl.
"B-Baku----" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Clusmy girl dahil halikan ko sya.
Third person's POV
Habang magkalapat ang mga labi nila, Si Eunice naman ay hindi na napigilang mapangiti sa nakikita. Ang akala niya'y totoong magkasintahan ang dalawa.
Si Jenny naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Nagulat sya! Oo nagulat siya.
Si Jerry naman, halatang gusto niya nang umalis doon pero Hindi niya magawa dahil sa ate niya. Lagot ka sakin Ate' sa isip isip niya.
"Okay. I believe na. I gotta go! Bye Jeje!" Sabi ng ate niya at tuluyan ng umalis.
Nang makaalis ang ate niya, tumingin sya kay Clumsy girl na nakatulala.
"Clumsy girl, tapos na. Wala na. Pwede ka ng umalis." Sabi ni Jerry at aakmang maglakad palayo nang--
"A-Aray! Ano ba-- uy masakit! Aray naman!" Singhal ni Jerry kay Jenny.
Pinalo lang naman siya nito gamit ang bag niya.
"Nababagay sayo yan! Pagkatapos mo kong nakawan ng kiss?!" Sabi ni Jenny at pinalo niya ulit ito.
"T-Teka! Aray! Pasensya-- aray! Pasensya na." Sabi nito at umaktong sumusuko na sya.
"Anong pasensiya?!? Alam mo bang pinaka-iingatan ko yun? Tapos nanakawin mo lang? Aba--"
"Magpapaliwanag ako." Seryosong sabi ni Jerry. Tumigil sa kakapalo si Jenny at nakakunot ang noo.
"Huwag na. Salamat na lang sa pangnanakaw!" At naglakad na palayo.
"Teka wait! Magpapaliwanag nga ako eh!" Hinabol siya ni Jerry. But no response from Jenny bagkus ay binilisan nito ang paglalakad. Tuluyan ng tumakbo si Jerry papunta sa kanya. Hinawakan sya nito sa braso at pinaharap sa kanya.
"Uy sorry na nga kasi. Hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi lang kay Ate eh!"
So ate niya pala yun? Sa isip isip ni Jenny.
"Bakit sa dinami dami ng babae dito sa Campus, ako pa ang pinagtripan mo?"
"I didn't meant to do that. Sadyang ikaw lang ang nakita ko kasi wala ng ibang babaeng pakalat kalat dito."
Kahit sino pinapatulan neto?! Hindi makapaniwalang nasambit niya sa isip niya.
"May taste naman ako kahit papaano." Ani Jerry at tila nagulat si Jenny dahil parang mind reader ito.
"Halata kasi sa mukha mo. Tara, dun tayo sa gym at ipapaliwanag ko sayo." Tumango na lang si Jenny sa sinabi ni Jerry at sumunod na ito sa kanya.
Gym..
"Now explain." Ani Jenny nang makaupo sa isa sa mga bleachers. Walang katao tao doon dahil class hour.
"Okay. Ganito kasi yun..."
[Flashback..]
Jerry's POVPasakay na sana ako ng kotse ko ng biglang nag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Unknown number calling...
Huh? Sino to? Ang lakas naman ng loob niyang hamunin ang kagwapuhan ko.
Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na sa kotse. Malay niyo mandarambong yun diba? Tss.
Nakauwi naman ako nang hindi nang-iistorbo yung tumawag kanina. Buti naman. Subukan lang niya ulit tumawag at makikita niy----
"JERRY MENDOZAAAA!"
.O____________________O
S-Si Ate ba yun?
Dali-dali akong pumasok ng bahay nang marinig ko ang sigaw na iyon.
"E-Eun--Ate??"
"Hi Kafateeeeeeeeed~ kamusta?" Bati ni Ate at niyakap ako.
"Teka, wala ka naman sinabi---"
"I just want to surprise you my dear." Sabi niya at nag pout. Still childish. Tss
"Alam ba ito nila Mom and Dad?" Tanong ko ng makaupo sa sofa.
"Actually, oo. At alam din nilang sosorpresahin kita. Sabi ko sa kanila, wag na nilang sabihin sayo na uuwi ako cause I want to surprise you!" Nakangiting sabi ni Ate at tumabi sa akin.
"Na-surprise nga ko eh."
"Haha. Sabi ko na nga eh. But wait!"
Napalingon ako kay Ate, "O bakit?"
"Bakit hindi mo sinagot tawag ko?! Ha?!" So siya pala yung tumawag kanina? Tss.
"Malay ko bang ikaw yun! Pabago bago kasi ng no. eh."
"Sisihin mo yung mga suitors ko." Sabi niya at nag cross arms.
"Wow Eunice! May manliligaw ka pala?"
"Aba-- walang galang! Tingin mo sakin? Hays. Ang hard mo naman sa akin Jeje."
=_______=
Akala ko pa naman nakalimutan niya na ang nickname ko. Tss.
"Oo na lang. Sige sa taas muna ko. Magbibihis lang." At umakyat na ko papuntang kwarto ko.
Nagkapagtataka lang, bakit di man lang sinabi sakin ni Ate na uuwi kaagad sya? Bumagsak na ba ang company nila Dad kaya siya nandito para tulungan sila? Hindi naman ata, kasi kahit kelan, wala pa kong nababalitaan na bumagsak o nalugi na ang kumpanya nila Dad. At isa pa, kung malulugi ang kumpanya, alam kong sa akin lalapit si Dad at hindi kay Ate. Pero bakit kaya sya nandito? Tss. Sakit sa ulo mag-isip.
"HOY ANG TAGAL MO DYAN JEJE. MAY SASABIHIN AKONG MAHALAGANG IMPORTANTE!" Sigaw ni Ate mula sa ibaba. Mahalagang importante talaga? Tss.
"OO NA! MAGHINTAY KA." Sigaw ko sa kanya pabalik.
Nang makabihis ako ay bumaba agad ako. Medyo kinabahan pa nga ako kasi sobrang seryoso ni Ate na nakaupo sa sofa. Ano kaya yun?
"Oh?" sabi ko ng makaupo ako sa tabig niya. Tumingin siya sa akin ng seryoso.
"Arrange marriage." Nagulat ako sa sinabi ni Ate Eunice. Kaya ba siya nandito dahil dyan? Dahil ipapa-arrange marriage ako ni Papa? Damn! Alam naman nilang ayoko eh!
"Ate naman! Alam mo namang ayaw na ayaw ko yan diba?! Pero bakit ganyan? Ha?!" Napatayo na ako at napasigaw ng wala sa oras. OA man tignan pero wala kayong magagaw. Ayaw ko nga eh!
"Jerry, for Pete's sake! Ganyan na ba ka-slow yang utak mo? Nalulugi na ang company ni Dad and this is the only way to----"
"Ayaw ko nga diba?!? Bakit ba ang kukulit niyo? Ilang beses ko na sinabi sa inyo na ayoko!" Sigaw ko ulit sa kanya. Ayoko talaga. Bakit ba ang kulit nila? Napahilot ako sa sentido ko. Argh!
"Yun na nga lang ang paraan para isalba ang company ni Dad eh!" sigaw niya din pabalik.
"Kahit pilitin niyo pa ko, hinding hindi ako papayag!" Sigaw ko ulit at pumunta ng kwarto ko. Nakakainis. Lahat naman ginawa ko para sa kanila ah? Basagulero o babaero man tingin ng iba sakin, alam ng pamilya ko kung ano ang ginawa ko para sa kanila. Then ganito? Ganito ang igaganti nila? Fvck! Fvck this life!
******
Hi i'm back~ sorry kung maiksi lang. Sorry talaga. Busy eh :
Thanks sa mga nagbabasa! Hope you like it guys! Sorry for wrong spellings and grammars there, cellphone lang gamit ko eh. Vote comment and be a fan! Mwah! :* ^______^
BINABASA MO ANG
You're My Only One [On-Going]
Genç KurguSa mundong ito, marami kang makakasalamuha. Hindi natin alam kung sinu-sino at ilan sila. Hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba o hindi. Hindi natin alam kung tapat o traydor. Kung magmamahal ka, wag yung sobra-sobra. Baka kasi ilaan mo sa iba...