Part 2

20 0 0
                                    

Part two
Stone Heart

"Kuya Nicollo sana makaahon na tayo sa hirap noh? Palagi nalang asin yung ulam natin. Atsaka sana makaalis na tayo dito sa lugar nating mabaho. Forever na ata tayo dito e."

Reklamo ng kapatid ko. Nakikitira lang kasi kame kila Aling linda. Sila yung kumupkop samen nung panahong nasa kalsada lang ako buhat buhat si Khylle na magiisang taong gulang palang.

Sabagay kahit ako nauumay narin. Buti sana kung may toyo man lang. Mabaho pa sa tinitirhan namen, bukod don masikip pa. Idagdag mo pa ang masungit na asawa at anak ni Aling linda. Kung gano kabait si Aling linda, sya namang sinama ng asawat anak nya.

"Wag kang magalala. Pag nakatapos nako ng pagaaral. Sisiguraduhin kong makakakain ka na palagi ng pang mayamang pagkain, at sa mansyon na tayo titira." Hindi ako nagbibigay ng pangakong hindi ko tutuparin.

Nagaaral ako sa Samavill dito sa cavite. Matagal ng namatay ang mga magulang namin. Kung tuusin mayaman kami dati pero hindi ko alam kung paano kame humantong sa ganto.

Halos lahat ng bagay nasaamin na nuon. Pinahalagahan naman namen pero bat nawala? Life sucks. Buti nalang natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Hindi masyadong malaki ang kita ko sa pagiging kargador kung tuusin kulang pa nga sa pangisang araw na gastos namin ng kapatid ko. 100 piso lang. 50 Sa buong araw namen ni khyle Kasama na ang pambaon bali tig 25 kameng dalwa. Bahala na kung panu pinagkakasya, Diskarte lang.

Singkwenta naman ang binibigay ko kay Aling linda. Kung minsan nga ayaw nyang tanggapin dahil parang ako na daw ang bumubuhay sa kanila.

Ginagawa ko ang lahat para lang mapagaral ko ang sarili ko at ang kapatid ko. Dumadating sa punto na halos wala nakong tulog dahil nagaaral ako sa umaga at nagtatrabaho sa palengke malapit saamin. Tagabuhat ako ng mga paninda na galing pa sa ibat ibang lugar. Halos lahat ata ng trabahong marangal napasukan ko na.

Alas tres na ng madaling araw at pauwi nako mula bayan papunta samin. Madilim ang kalsadang dinadaanan ko at puro puno.

Nagitla ako nung may bumisina bigla sa aking likuran.

"Anu ba! Magpapakamatay kaba?" Sabi ng babae.Bumaba sya ng kotse at ilan pang katropa. Maganda sya kaso parang wala kang makikitang emosyon sa mata nya.

"Anu ba Sidd. Pabayaan mo na yan!" Sigaw ng isa pang babae pagkatapos bumalik sa kotse. Mukang nagiinuman sila sa sasakyan at masyadong malakas ang ang tugtog nila. Napadako ang mata ko sa sasakyan nila, At may naghahalikan. Siguro kulang sila sa atensyon ng mga magulang nila.

"Miss. Hindi naman ako humaharang sa dinadaanan mo. Nasa gilid lang ako ng kalsada" Paliwanag ko

"Ano ako? Bulag? Tanga kaba. O Sadyang bobo ka lang? Hindi ako bababa dito kung hindi ka paharang paharang! Mahirap na nga bobo pa!" Panlalait nya sakin. Tiniis ko lang ang mga salitang binanggit nya. Balang araw makakaahon ako sa hirap.

Umalis na ang sasakyan at may pahabol pang sigaw yung babaeng nanlait sakin kanina. Maligo daw ako kahit minsan. Palagi akong naliligo marahil hindi lang halata dahil madumi ako ngayon dahil kakatapos ko lang magtrabaho.

Umuwi nako at nagpahinga saglit. Ang mga mayayaman talaga masama ang ugali. Pag ako yumaman hindi ako magiging ganyan. Naghanda nako dahil 1 oras nalang at papasok na nanaman ako.

Bumalik sa alaala ko yung muka ng babae kanina. Parang pamilyar. San ko ba nakita yon?

Parang tumalon ang puso ko ng may biglang Nagtext sa cellphone ko. Si Kristina. Siya ang girlfriend ko. Act Mag o-one year na kame. Isa rin sya sa mga dahilan kung bat Ako madalas mawalan ng pera, kung hindi sya hihingi ng panload, magpapabili naman ng kung anu anu. Pero okay lang yun. Tungkulin naman yun ng mga Boyfriend diba? Tsaka mahal ko sya.

[Eow Nic ko. Letx meet sa park. M4y xxbhn 4ko. :-*)]
-Kristina

[Sige Tin. Wait me]
-me

Naghanda nako para makapunta kay tin. Syempre gusto ko naman maging disente ang muka ko. Sa mahal ko ako makikipagkita e. Mamaya ipagpalit pako nun.

Sinuot ko ang pinakadisente kong damit. At nagmumog ng asin. Bago tuluyong pumunta sa park.

Alam nyo ba yung girlfriend ko napakasimple. Oo may pagka jeje kung magtewt pero naattract agad ako sa kanya nung pinakilala sya sakin ng kapwa ko trabahador. Alam kong mahal na mahal din ako nu--

"Tang ina mo! Bat mo Hinahalikan yung girlfriend ko?!" Pambungad ko kay kristine at sa Parang tingting nyang kahalikan na Si Jose pala. T*ng ina. Bat katrabaho ko pa?

"Hey bro. Diba halata.? Pineperahan ka lang ng gf ko. Mas nauna ako sayo. Lahat ng kinukuha nyang pera sayo binibigay nya saken." Di nako nakapag pigil at pinagsasapak ko na si jose.

"Ang kakapal ng muka niyo! At ikaw kristina. Minahal kita! Pinagmalaki kita sa buong mundo! Bat moko ginanto?" Hindi ko na napigilan ang paghagulgol.

"Bobo ka kasi. Ang manhid mo! Hindi mo ba napapansin na bawat i love you mo saken hindi ko pinapansin! Hahaha. Wala na tayo! Tara na nga babe"

Napakabobo ko naman. Sobrang bobo. Nagmahal lang naman ako. Sa dami ng nagkakandarapa saken sya pang pinili ko. Manloloko pala.

Mga babae talaga. Wag ka nang magtaka kung pati lalake niloloko yung mga asawa, boyfriend nila. Kasi pati naman mga babae nanloloko din. Sa susunod paiiralin ko na yung utak ko sa pagpili ng iba. Mapandaya talaga ang puso. Naalala ko pa yung kwento sakin ng tatay ko bago sila magkakilala ni mama.

May isang babae daw na nakilala si papa nung 3rd year hschool palang sya. Bata pa daw yung babae 1st year palang. Tinablahan daw sya nung tinatawag na love at first sight ika nga.  Syempre lalake ang unang gagawa ng move. Lahat daw ng kakornihan ginawa nya para dun sa babae at matagumpay naman nyang nakuha yung matamis nyang oo. First time palang ni papa na magkagf kaya hindi pa sya gaanung sanay.

Pero nagbago yung pananaw ni papa nung naghiwalay sila nung babae. Nakaabot lang daw sila ng isang buwan kasi Nalaman ng magulang ng babae at pinaghiwalay sila. Hindi man lang pinaglaban ng babae si papa. Ganundin si papa hindi nya pinaglaban yung first love nya. Yung hindi nya lang daw matanggap ay Mananalo sana sya kaso hindi sya sumugal. Kaya nung naging sila ni mama. Ginawa nya ang lahat para kay mama.

------------

A/N: 안녕하 세요 :)))) Search for the meaning! If you want to know
KADisLOVE

StoneheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon