Part four
StoneHeartTuwang tuwa ang kapatid ko ng malaman nya ang maganda kong balita. Sinabi niya na baka daw yun na ang magiging dahilan para yumaman kami. Ang mga bata talaga.
"Kuya dapat nagaaral kana. Dapat talaga manalo kayo para makalipat tayo ng maynila. Kung hindi man atleast nagka 10,000 tayo" Sabi ng kapatid ko sabay kindat. Hinaplor ko ang ulo nya at napatawa.
"Ikaw talaga Khyle. Dapat magaral ka din ng maigi. Nagtatarabaho ako ng maigi para lang mapatapos ka. Gusto ko tsaka lang kita iiwan kapag kaya mo ng tumayo ng magisa at succesfull kana. Te-Teka, Anu bang gusto mo paglaki?" Pagtatanong ko.
"Hmm. Ewan ko kuya e" Abat. Pinagaaral ko to pero wala palang pangarap? Binatukan ko nga. Tumawa lang ang magalin kong kapatid.
"Kuya talaga eh! Ang gusto ko paglaki magkaron ng asawang sexy, mabait, At hindi ako uunderin---"
"Yun agad agad? Ni hindi ka manlang magtatrabaho? Anung ipapakain mo sa asawa mo at magiging anak nyo? Anu ? Kamote? Asin? Jusko naman khyle. Kawawa naman ang pamilyang magdadala ng apelyido natin." Sabi ko sa tonong iritado.
"Kuya naman masyadong excited! Syempre magtatrabaho ako. Gusto ko panggabi ako para sa umaga ang quality time namin ng magiging asawa at anak ko. Ayokong magabroad. Nakakasira ng pamilya" Tumango ako bilang pagsangayon.
"Ikaw ba kuya kelan ka magkakagirlfriend? Tanda mo na e. Ni isang babae wala kapang nadadala dito. Ay teka anu bang gusto mo sa babae para mahanapan kita. Mamaya maunahan pa kitang magkaasawa e"
Aba loko to ah. Hmm. Ni hindi ko nga pala nabanggit ra kanya si kristine na ex ko. Hindi ko nalang sasabihin.
"Simple lang ang gusto ko sa babae. Kahit maarte pa yan, Malandi, Mahirap, Mayaman, Maganda, Pangit, adik. Basta may parte sa kanya na talaga maaatract ako. Ibang klaseng attract ha? Yung tipong kakabog talaga ng todo yung puso ko pag nakita ko siya, Yung matutula ako. At yung talagang alam kong mahal ko. Anung masasabi mo bro?" Mahaba haba pala ang nasabi ko kaya nakatulog natong lintian kong kapatid.
Naghahanda nako para magtrabaho sa gabing ito. Swelduhan na naman bukas . Tiyak may ipapaulam akong masarap sa kapatid ko.
“Oh, Andito kana pala Nicollo. Pagkatapos mong magbuhat dyan pumunta ka daw kay boss. May paguusapan daw kayo” Paguusapan? Anu naman kaya iyon. Parang importante e base palang sa pagkakasabi ni Mang Tino
Nadala ko na sa bawat tindahan ang mga produktong galing sa ibat ibang lugar, Sobrang nakakapagod. Nagpahinga lang ako saglit tsaka tuluyang dumiretso kay boss.
“Pinapatawag niyo daw po ako boss” Sabi ko.
“Oo Nicollo. Alam kong nahihirapan din kayo sa buhay nyong magkapatid. Lahat namn ng nagtatarabaho nahihirapan. Pero ngayon Sana tanggapin mo na simula bukas hindi kana maaari pang magtrabaho dito” Malunhkot na sabi nya.
“Huh-eh? Bakit po? Boss naman. Alam nyo namang pinagaaral ko tong kapatid ko at ako. Panu na po kame? Boss kahit anung trabaho wag nyo lang akong tanggalin. Kahit tagalines dito oh anu! Boss-”
Tinalikuran nalang ako ni boss. Panu na kame ng kapatid ko? Anu bayan.
Dapat talaga maipanalo ko yung competition na mgaganap. Umuwi ako na parang brokenhearted. Nakakainis naman.
Andaming problemang dumadating. Talagang life is like a roller coaster. Napapenglish nako sa dami ng problema e.
Bukas na bukas maghahanap muna ako ng panandaliang trabaho. Tutal next week na ang competition.
Kinabukasan, Dumiretso agad ako sa school at nagpaalam kung pwdeng umabasent muna ako ngayong araw. Pumayag naman sila dahil valid naman daw ang reason ko.
Nasabi ko din kay Tobitho ang lahat ng problema ko at ayun naginsist na naman sya na tutulungan daw ako pero as usual tinanggihan ko. Masyadong marami na yung naitulong nya saken.
Dumiretso ako sa Nuvali at duon naghanap ng bakanteng trabaho. Tumatnggap naman siguro yung iba ng hindi pa nakakatapos ng pagaaral. Bukod don may experience naman ako.
Habang patawid ako sa Daan may nakita akong matanda na hirap na hirap maglakad. Patawid na sya kaya nilapitan ko nalang at Tinulungan tumawid.
"Napakabait mo naman iho, Sana may apo ako na katulad mo. Salamat ha? Ingat ka " Sabi ni lola sabay tapik sa balikat ko.
"Wala po yun lola. Lahat naman siguro gagawin yun." Sabi ko.
"Hindi rin iho, San kaba papunta?" Tanung ni lola.
"Naghahanap po ako ng trabaho. Natanggal po ako kagabi e. Wala po kaming panggastos ng kapatid ko pag nagkataon" Nakatawid na kami ni lola sa kabilang kalsada.
Sinabi sakin ni lola na sumunod daw ako sa kanya at tutulungan nya ako. Sumakay kame ng tricycle at puro puno lang ang nadadaanan namin. Biglang tumigil ang tricycle sa gate na may malaking CUETO.
"Halika iho, Sumunod ka lang saken." Sabi ni lola.
Inalalayan ko lang si lola at napabitaw ako sa kanya ng makita ko kung ganu kalaking bahay tong nasa harap ko. Bruh, Its amazing. Kulay puti ang bahay at pinapalibutan ng Puro bulaklak na ibat iba ang kulay. Wala akong masasabe.
Talagang maganda ang pagkakabuild ng bahay. Tamang tama ang taas at lapad. Ibang iba din ang istruktura. Sa susunod idadagdag ko ito sa mga sketch ko ng bahay.
"Oh iho, Pasok ka na. Eto ang bahay ko. At kasama ko lang dito sa bahay ay ang nagiisa kong anak Si Bella Stone. Anak halika! " Napakalungkot naman dito kung ganun.
Biglang may bumaba sa hagdan na isang magandang babae. Kung tatantyahin mukang nasa mid 40's na sya. Pero pambata parin ang muka.
"Oh ma. Andito kana pala." Napadako naman ang tingen nya saken.
" At sinu naman tung binatang ito? Sabi ni Ms. Stone habang sinusuri ang katauhan ko.
"Ako po pala si Nicollo Sanziolli" Pagpapakilala ko sabay ngiti.
Isinalaysay ni Lola kay Ms. Stone kung pano kame nagkakilala. Tuwang tuwa si lola habang nagkukuwento kay Ms. Stone na parang ngayon lang sya naging ganto kasaya sa tanang buhay nya.
Binanggit din ni lola na naghahanap ako ng trabaho. At sinabe ni Ms. Stone na Pwede daw nya kong maging katulong sa kanila, Kahit anung gawain gaya ng paghuhugas, pagdidileg, pagpuputol ng halaman at iba. Tinanggap ko na rin tutal Tuwing hapon lang naman ako papasok at buong araw naman kapag saturday at sunday.
Bukod dun nabanggit din sakin ni Ms. Stone na kung maari dun na kame manirahan sa kanila.
Wow. Gulong talaga ang buhay. Parang kanina lang down na down ako. Ngayon parang nakakain ako ng 1 kilong tsokolate sa pagka Hyper.
---
KadIsLove♥
BINABASA MO ANG
Stoneheart
HumorCold Emotionless Hard to love Impossible to get trough to She prefer to be alone, If not ,shes with someone who didnt ask anything from you or expect too much. How can i love a girl with that kind of attitude?