Part Three
Stone Heart"Tuloy lang buhay anak sa bawat Bagay na nawawala may dadating. At bawat problemang dadating May solusyon. Pinalaki kitang mabuti anak kaya alam kong kayang kaya mo yan"
Yan ang paalala sakin ng tatay ko bago sila namatay dahil sa car accident. Nawalan kami ng balita sa kanila. Ni hindi man lang namen sila nasilayan kahit sa kabaong. Bigla nalang kameng pinaalis sa mansyon at ni isang katiting walang tinira para samin.
Masasabi kong napalaki talaga kong maayos ng magulang ko Kahit nawala sila ng 5 years old palang ako dahil kung hindi baka isa nako sa mga mukang sinaunang gangster dyan sa kalsada habang sumisinghot ng rugby at nagsosoundtrip ng So High.
Antok na antok akong pumasok sa University. Mga 30 minutes lang ata ang tulog ko. Pero okay lang yan. Kaya yan. 2nd year college nako at last semester na namin to. Malapit nakong makapagtapos ng pagaaral. Nagsisikap talaga ko para hindi rin ako mawala sa pagiging scholar.
"Hoy Nicollo! Pahingi ngang pera! Palamunin ka lang dito eh? Anu ka sinuswerte?" Sigaw ni Mang Kiko paglabas ko ng banyo.
"E, Pera ko nga yung pinapangkain nyo dito. Magtrabaho ka kaya!" Akmang susuntukin nya ko sa sinabe ko pero Agad na napigilan ni aling linda ang kamay nya.
Nagkibit balikat nalang ako at nagayos na para makapasok na sa eskwelahan.
Ayan na naman ang tingin ng mga babae sakin. Para akong pinagnanasaan. Hinding hindi ako madadala dyan dahil Mas uunahin ko na ang pagaaaral na sya naman talagang priyoridad ko. Wala na sa isip ko ang mag girlfriend. Tska na siguro ulit pag may maipagmamalaki nako.
"Hi Nic Join me later? I Know you want me. We can play HARD games " Sabi ng babae sa harap ko. Siguro 2nd year college lang to. Tinalikuran ko lang sya. Napakalandi.
"How dare you! You f-cking asshole. Hindi ka ganun kapogi para Maging choosy!" Sigaw nya. Makapagdamit labas na kaluluwa. Buth pinapapasok pa yan ng guard. Baka lumuwa pa mata nun.
Talang choosy ako at ayaw ko sa ganung mga babae. Tsk. Wala nabang Maria Clara sa panahon ngayon?
Nakarating nako sa Classroom namen. Habang wala pa ang prof namen nagdodrawing lang ako. Engineer ang course ko. Mechanical. Mahirap pero kaya.
Pag natanggap agad ako sa trabaho at nakaipon magaaral muna uli ako.
"We need two representatives para humarap sa Velarde University. Para sa mga hindi nakakaalam. May competition between Velarde at Samavill university once a year. Si Mr. Sanzio na owner ng Velarde university at Ms. Maureen Disea na owner naman ng ating university ay kapwa magkalaban though sila ay magkapatid.Pang limang laban na ito at 4 beses ng nanalo ang ating unibersidad ganundin ang kabila. Kaya dapat matalino ang muling lalaban dahil ito na ang pinakahuling laban na matatala. At ang university na mananalo ang siyang magpapatuloy at ang matatalo ay isasara.
So im hoping that Someone will volunteer for this upcoming competition. Anyone?"Hmm. This is an opportunity. Alam kong kaya ko naman kung tungkol talaga yan sa pagaaral. Pero kapag sa laro kaya ko din. Banat na ang katawan ko sa pagtatrabaho. May reward naman kaya yon?
" Maam may reward po ba yun?" Tanung ng katabi ko.
" Yes. Ms. Maureen said that If our university won, Those two Representive will claim a trip to new york for 10 days with 10,000 but if they lose the competition this university will temporarily closed and the representatives will transfer to Velarde University at Manila. Why are you asking Tobito? Do you want to join? I Know you cant. Youre just good in flirting girls "
Nabara pa nga. Talagang magandang opportunity nato. Kung matalo man kami mapupunta ako sa manila at isasama ko si Khyle. Mas malaki pa ang kita don kumpara dito.
"Mam ako po. "
Buong tapang kong sabi. Namangha ang mga kaklase ko at nagsigawan specially mga girls na todo sigaw pa na galingan ko daw dahil pogi ako. Anung kinalaman ng kapogian dun? Inisnab ko lang sila.
"Okay. STOP CLASS! I know you can do it Mr. Sannziolli. Goodluck!"
Yun nalang ang nasabi ni mam bago tuluyang umalis. Hoo. Kinakabahan ako. Kahit papaano naaawa naman ako kay Ms. Maureen naging mabait siya lahat kaya dapat ipanalo ko to.
Lumabas muna ako ng room. Tutal vacant ko naman ngayon. Magbabasa muna ako sa Library para maging familliar ako
Nagulat ako ng may Biglang humampas sa lamesa ko. Takte. Bestfriend ko pala.
"Aba busyng busy ang ating Representative ah. Buti nakakaya mo yan bro?" Mangha nyang tanung sakin.
"Aba syempre kakayanin. Palibhasa kasi ikaw puro porma,landi," Hahaha.
"Excuse me Dodong, Nagaaral ako nuh. Minsan nga lang. Atsaka ikaw kasi wala kang kaporma porma, Appeal ika nga. Yan tuloy iniwan ka--" Tinakpan ko agad ng hintuturo ko ang bibig nya.
"Sssssh. Busy ako." Talaga tung si Tobito e. Siya yung tropa ko na Pinagalitan kanina ni Maam. Kabaliktaran ko nga lang sya dahil mayaman siya, at anak sya ni Ms. Disea ,May ari nitong school.
Mahilig syang makipag dirty talks sa ibat ibang babae. Pero hanggang laro lang sya. Hindi nya daw kayang siraan ng puri ang isang babae. Wow, Big word.
Seryoso pa yung pagkakasabi nya nun ha?
Pero siguro kong nahanap na nya yung true love nya saka lang sya magseseryoso. Di pa nya naramdamang mainlove e.
At ayun. Si Tobitho Josiah Disea may nabingwit na namang debbianang mababa ang lipad. Wala talagang sinasanto e. Napailing nalang ako.
-------
KADisLOVE
BINABASA MO ANG
Stoneheart
HumorCold Emotionless Hard to love Impossible to get trough to She prefer to be alone, If not ,shes with someone who didnt ask anything from you or expect too much. How can i love a girl with that kind of attitude?