Anim na letra na may libo-libong kahulugan,
Kahulugan na sumisimbulo ng pagbangon ng mga mamamayan.
Mamamayan na nakaranas ng mga sakuna,
Mamamayan nakaranas ng masasakit na
ala-ala.Salitang pag-asa na dapat panghawakan,
Sapagkat ito'y ating magagampanan.
Mga kababayan tayo'y magtulungan,
Upang ating malagpasan ang sakunang nagdaan.Bangon mga kababayan,
Tayo'y magtulungan para sa ating mga kinabukasan.
Kinabukasan para sa ating bayan, Bayan na ating tinitirahan.