"AKING PAMILYA"

31 6 0
                                    

𝐾aklase pitong letra,
Naging aking pamilya,
Binubuo ng libo-libong memorya,
Sa lungkot at saya.

Magsasama sama sa iisang problema,
Sila'y araw araw na kasama,
Kasama sa kalokohan at problema,
Ngunit dinadaan sa ngiti at tawa.

Nagtagpo sa eskwela,
Aking naging pangawalang pamilya.
Sa una'y kala mo tilang mga anghel ang itsura,
Bagama't ang kukulit at ang gugulo rin pala.

Iilang buwan nalang ang lilipas,
Sa bilis ng takbo ng oras.
Palapit ng palit ang wakas
Tila'y ilang buwan nadin pala ang lumipas.

Sa loob ng sampung buwan,
Magwawakas ang tawanan,
Pati Kuntiyaan, Hiyawan at kulitan.
At magtatapos sa lungkot at iyakan.

Hindi man kami'y katalinuhan
Ngunit hindi naman nagpapataasan,
Bagama't kami'y nagtutulungan,
O kahit mapatakdang aralin man.

Aming nagsilbing pangalawang ina,
Ika'y kahanga-hanga sa aming mga mata,
Aming maling gawain iyong tinatama.
Mabuting asal iyong tinuturo at pinapagawa.

Paghihirap sa pagpayo,
Sa lahat ng batang nasa harap mo.
Ni minsan sa ami'y di nagkulang,
Sa pagsawa sa unahan ay di mabilang.

Kahit puyat at pagod,
Nang dahil sa paggawa ng mga reports at lesson mo,
Gagawin lahat at pipiliting tapusin 'to.
Para sa mga istudyanteng tuturuan mo.

Ngiti at tawa ang aming nakikita sa iyong muka.
Nais mo lang na aming maabot aming pangarap,
Na dapat na aming pagsumikapan,
Kahit alam naming mahirap.

Paumanhin sa aming iba't ibang asal,
Asal sa loob ng silid aralan.
Paumanhin sa aming mga kamalian,
Kamaliaan na dulot sayo'y kalungkutan.

Bagama't malaking pasasalamat sa kalangitan,
Dahil ikaw ang ibinigay para sa aming lahat.
Ngunit Paumanhin kung ikay aming napaiyak..
Kami'y nagsisisi sa aming nagawa.

Salamat muli sa iyong munting bilin,
Bilin na aming panghahawakan,
Panghahawkaan sa araw-araw,
Hindi namin iyon kakalimutan.

Salamat sa iyong ginawa aming guro.
Sana ikaw ay aming mapasaya.
Mahal na mahal ka naming lahat ng iyong mga munting mga anak.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon