Normal na takbo lang ng buhay ang meron sa isang subdivision. Normal na takbo ang buhay ng mga tao. Kung ano ang ginagawa nila sa pang-araw-araw ay ganun pa rin ang ginagawa nila. Kung paanong may mga batang naglalaro sa labas ng bahay, may mga magkukumare at kumpare na nag-chi-chismisan at nag-iinuman. Normal na takbo kung paanong may mga lalaki na nagdedeliver galing sa online shopping. Kung hindi online shopping ay mga maniningil ng utang. Kung hindi maniningil ng utang ay hihingi ng pagkain. Ganyan ang normal na takbo ng buhay sa lugar nila.
Pero ang paghinga ni CJ...
Hindi normal...Ayun at tumatakbo ng mabilis dahil may hinahabol.
"Hoy! Putragis! Bumalik ka dito!" sigaw niya pa at tinuro ito habang tumatakbo. Kagat labi pa siyang tumatakbo na parang nanggigigil. "Tabe!" sigaw niya sa mga nakaharang sa daan niya.
May mga ilan pang aso ang tinatahulan siya kaya napapakagat na lang siya ng dila minsan sabay tingala sa itaas. Pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Hanggang sa may makita siyang kumpol kumpol na mga rubber pots. Kumuha siya ng isa at bumwelo...
"Oof" sabay tapon sa hinahabol niya. Sapul sa ulo at nadapa.
"Boogsh! Martinez, tumira ng tres, manliligaw, hindi na nakaalis!" mala-astig niyang asta habang nilalapitan ang lalaking mas bata pa sa kanya at may hinablot mula rito. Hingal na hingal pa siya.
"Langya ka, pinahabol mo pa ako para sa stuff toy, e plushy toy lang naman yan!" asik niya sa nakahigang estyudante na nagpapanic konti. Nakasuot pa ito ng uniporme.
"Alam mo naman palang stuff toy lang yan ba't hinabol mo pa rin ako?!" nagtatakang tanong nung lalaki. High school pa lang ito. Maangas niya pang pinagmasdan ang stuff toy at saka tumingin sa lalaki.
"Hoy bata...Kaya kita hinabol ay dahil sa kapatid ko. Akala mo ba hindi ko alam na pati sa school niyo e pine-pressure niyo yung kapatid ko na sagutin ka niya. E pasalamat ka nga at hindi yung nanay namin ang nakakita at naabutan ka e. Dahil pag nakita ka nun, hindi paso ang lilipad sa ulo mo kundi bala ng kwarenta'y singko."
"Kahit habulin pa ako ng bala ng nanay niyo, handa pa rin akong tumakbo."
Napamaang na lang si CJ sa sinagot sa kanya. "Wew nemen. Sana all malakas ang fighting spirit."
Tinulungan niyang makatayo yung high-school kid. "Bully ka sa school, ano?" bigla niyang tanong doon sa lalaki. Natigilan naman yung kausap niya.
"H-hindi 'no. M-mabait nga ako e." depensa nung lalaki.
"Wushuuuuu...wag ka ng barbero. Kinukwento sa akin ni Xandria yung mga nanliligaw sa kanya kaya alam ko...Sino ka nga ulit?" pang-aasar niya at inakbayan pa iyon na parang isang kaibigan. Mula sa malayo ay malalamang mas matangkad siya rito.
"Paul po."
Umangat ang kilay ni CJ. "Ahhh sige Paul po..." mukha naman naasar yung kausap niya pero walang nasabi. "Kukunin ko na 'tong stuff toy ha. Akin na lang."
Bigla namang inagaw ni Paul yung stuff toy. "Tsk. Hindi sayo yan. Para kay Xandria yan."
"Tss...alam mo Paul po, hindi naman yan kukunin ni Xandria, alam mo kung baket?"
"Baket?"
"Naku! Patay ka!" pinag-tama niya pa yung mga palad niya. "Hindi mo alam mga gusto over sa hindi gusto ng nililigawan mo?! Bawas pogi points yan..."
YOU ARE READING
The tragedy of Juliet
DiversosWalang madali sa buhay. Dahil problema ang isa sa mga bagay na hindi kahit kailan mawawala sa mundo. Parang buhay na lang ni CJ. Sa tambak tambak na problema niya ay hindi na niya alam kung may problema nga ba siya. Walang madali sa pamilya. Walang...