Comin' Home

47 1 0
                                    

I blankly stare the window dahil sa mga bagay bagay na gumugulo sa pagiisip ko ngayon. Yung daycare, yung bahay and most importantly eh yung kalagayan ni Taytay Mauricio.

[FLASHBACK]

"Dude ikaw na munang bahala sa mga estudyante ko ah emergency lang talaga kaya kailangan na kailangan kong umuwi." Pakiusap ko sa kaibigan kong si Kim

Si Kim ay isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Classmate ko sya nung college at sabay din kaming nag-take ng bar exam para maging isang professional na teacher. Sya ang kasama ko sa pagsusunog ng kilay at pagtotolerate sa mga terror naming teachers. Ngayon ay isa na syang teacher sa isang private school sa Manila at nagkataong foundation week sa eskwelahang pinapasukan nya kaya isang lingo syang mababakante.

"Oh sige pare ako nang bahala, magingat ka ah tsaka kung sakaling magising na si Tito Mauricio paki kamusta mo nalang ako."

"Sige dude! At sya nga pala yung bahay paki tignan tignan mo narin nagalit kasi yhung mayari ng apartment dahil nag-alarm yung smoke detector nila nung nakaraan, akala may sunog. Ayun sinermonan ako ng todo todo."

"Hahahah o sige pare ako nang bahala. Sige na umalis ka na dahil imbis na maawa ako sa kalagayan mo ay maglupasay pa ako dito sa sahig sa sobrang kakatawa ko sa mga maari mo pang ikwento."

"Sige dude, salamat ulit ah."

"Sige"

[END OF FLASHBACK]

I took my phone, at agad kong inilagay ang number ni Kuya Josh.

"Hello? Kuya?"

"Vince, kaw pala. Nasa'n ka na?"

"Nasa Bus na ko, kamusta ang Taytay?"

"Medyo maayos naman na sya, tinangal na rin sya sa ER kanina. Pero nilipat sya sa ICU for observation, wag mo masyadong stress-in ang sarili mo. Baka pagkagising ni Tito eh ikaw naman itong pumalit sa kanya dito sa hospital. Pagbaba mo sa Riverbank magpahinga ka muna bago tuluyang pumunta dito."

"Pero kuy--"

"Walang pero pero! Makinig ka sakin." Pagpuputol nya sa sasabi ko

"Pero sigurado ka bang maayos na ang Taytay?" Pagtatanong ko ng may pangangamba

"Oo nga! Wag ka ng makulit, mag-ingat ka." At ibinaba nya ng yung telepono

I plugged my earphones para maglibang at kahit papaano ay ma-distract naman ako sa ibang bagay.

As the music plays, I closed my eyes sa pagbabakasakaling maka-idlip. At nang malapit na akong makatulog ay naramdaman kong may tumabi sa kinauupuan ko. Binalewala ko lang dahil natural lang naman sa isang bus ang matabihan ng di mo kakilala.

Lumipas ang ilang oras at nakarinig ako ng parang may sumisigaw

"May bababa ba sa riverbank?!" Pagsigaw ng mamang konduktor

Mahina ko lang narinig ang pagkakasigaw nya dahil sa earphone na suot ko pero kahit papaano ay naintindihan ko naman.

Pagkadilat ko ay nakita ko yung lalaking katabi ko, nakasandal sa balikat ko. Kaya naman pala medjo bumigat yhung balikat ko. Inayos ko sa pagsandal yung lalaki dahil maghahanda na ako para bumaba.

"Mama bababa po ako!" Pagsigaw ko sa mamang konduktor

Habang naglalakad papunta sa pintuan ng bus ay pagewan-gewang ako dahil sa patuloy parin ang pagandar nito. Nakakabangga na nga ako ng ibang pasahero at tinitignan ako ng masama.

"Sorry po" sabay ngiti ng slight

"Okay lang" sabi ng Ate

Pagkabukas ng pinto ay agad akong bumaba dahil hindi naman ako masyadong excited. Nang makababa ay agad kong nilanghap ang sariwang hangin. Nakakamiss din kasi dahil sa manila ay punong puno ng polusyon ang hangin.

FLAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon