UNLUCKY

41 0 0
                                    

"Hala! Yung cellphone ko..."

"Huh?! Hala?! Teka teka sir uunahan ko na kayo ah, baka kung ano ang isipin nyo at ako  ang sisihin nyo sa pagkawala ng cellphone nyo pero sasabihin ko po sa inyong hindi po ako ang kumuha ng cellphone nyo"

Hmmmm wala naman sa itsura ng batang ito na gagawa sya ng masama

"Grabe ka naman maka-react bata. Hindi naman kita sinisisi."  these past few days masyado akong stressed kaya medyo wala ako palagi sa hulog. Siguro ayun ang nagtrigger sa pagiging makakalimutin ko nanaman nitong nakaraan.

"No worries!" Pagkalma ko sa bata "Baka nandun lang yata yun sa bag ko. Medjo hindi nga lang ako sigurado" sabay kamot ko sa ulo

"Syempre naman po Sir magiging O.A at kakabahan talaga ako, eh ako lang po ang lumapit sa inyo dito. Kung hindi lang ako napagutusan eh pababayaan ko na po kayo."

"Napagutusan? Anong napagutusan?"

"Huh? Ano pong napagutusan? May sinabi po ba akong ganun? Ang sabi ko po ay inuutusan po ako ng Nanay ko bumili sa tindahan. Eh nakita ko po kayong natutulog dito kaya nagmalasakit lang po akong gisingin kayo ^_^"

"Ah ganun ba? Edi kung ganon salamat"

"Tsaka Sir baka nandyan lang sa tabi nyo o baka naiwanan nyo kung saan o ang pinakamasama nyan ay naisahan na kayo ng mga snatcher sa lugar na to."

"Nako wag naman sana. Pero ido-double check ko nalang din sa bag ko baka nand'on lang yun."

"Ahhmm sir uuwi na po ako, kung ako po sa inyo uuwi na po ako kesa naman dyan pa ko matulog at di safe"

"Sige salamat, ikaw din magingat ka din"

At tuluyan ng umalis yhung batang O.A.

Peto yari! Nakalimutan ko kung san ko nalagay yung phone ko, sana nandun lang yhun sa bag. Marami pa naman akong contacts dun na importante -_-

Pauwi na sana ako ng may tumatawag sa pangalan ko sa di kalayuan

"Vince! Vince!"

Si Mang Robert lang pala

"Mang Robert bakit ho? Bakit ho kayo sumisigaw?"

"Basta sumakay ka nalang!"

Tinignan ko sya ng may pagtataka at sumakay na agad, ikaw ba naman ang pandilatan at sigawan ng malakas tiyak kong mapapaupo ka kagad sa tricycle

"Bakit po ba kayo sumisigaw? Ano po bang nangyari?"

"Basta maupo ka nalang dyan at sa daan ko nalang ipapaliwanag."

Medjo kinakabahan na ako, ang bilis naman kasi mag-drive ni Mang Robert

"Ah... Mang Robert? San po ba talaga tayo pupunta?" pangiistorbo ko sa kanya

"Ang taytay mo..."

"Bakit?!" Pagsigaw ko "Ano pong nangyari kay taytay?!"

"Hindi ko rin alam pero pinapapunta ka na ng Mama mo sa hospital emergency daw. Ang sabi naman ng Kuya Josh mo hindi ka raw ma-contact, nasan ba ang phone mo?"

"Hindi ko po matandaan eh, nawawala po."

"Ano ka ba naman hijo nakasanayan mo nang maging makakalimutin"

"Pasensya na po, ang dami ko lang po kasing inaasikaso ngayon."

"Subukan mo kayang uminom ng mga food supplement para sa pagiging makakalimutin mo"

"Hindi pa naman po malala ang pagiging makakalimutin ko, sadyang stressed lang talaga ako"

"Nauunawaan naman kita, ang saakin lang mas magandang paghandaan mo yang pagiging makakalimutin mo, sabi nga nila prevention is better than cure"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FLAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon