I saw a lovely scene of a simple girl. Sitting alone in the dark side of the world. She's wearing a jeans and a plain white shirt. Suddenly, a bright spot of light flashes her through. She's like the most valuable diamond that could ever live on. This is the kind of paradise I want to be with. And as the moment our eyes hits each other, we both stopped and stare for a while. She gave me a wide smile as if telling me that she's alright. I know her, I definitely know her...
I saw something in her eyes that I cant explain. Its like theres a sadness hiding behind her widest smiles.
Nagsusumamo ang kanyang maaamong mukha.
Hawak niya ang gitara habang hinaharana ang mga taong halatang nakatuon lamang ang pansin sa kanya. Pinapakinggan at sinasabayan ng mga ito ng pagwave ng kanilang mga kamay ang slow music na binubuo ng babaeng naroon sa kanilang harapan. Napakasimpleng babae ngunit malaya.
Sumasabay sa kanyang malaanghel na boses at malumanay na musika ang pagsayaw ng iba't-ibang kulay ng ilaw na nakapalibot sa bawat sulok ng bar. Yes, it's just a bar but I'm still considering it as a paradise because that simple girl is living free. I'm watching myself living free in a beautiful paradise....
Hindi ko parin maalis sa aking isipan ang panaginip na iyan. Isang panaginip na ninanais kong maging buhay sa kasalukuyan. Isang panaginip na matagal ko ng hinahangad. Gustong-gusto kong umawit at maging malaya mula sa aking kulungan. Isang lugar na nais namang mapuntahan ng karamihan. Ang palasyo. Hindi ako isang simpleng babae lamang na kagaya ng nasa panaginip ko dahil ako ay isang prinsesa. Prinsesa na nakatira sa aking kulungan na palasyo. It's such a hard time for me to think that my dream life is just a dream. Literally just a dream.
"Prinsesa Dreanna"
Dinig mula sa buong palasyo ang malakas na pagtawag sakin ni yaya Tina mula sa first floor. Tila robot naman na automatic na bumukas ang aking mga mata nang marinig siya. Unang tawag pa lamang ng pangalan ko ay agad na akong nagising. As usual daily routine, nag-unat na ako at nagtanggal ng muta.
Si yaya Tina ang katulong namin na nasa edad singkwenta na. Baby pa lamang ako ay siya na daw ang tumitingin at nag-aalaga sakin sabi ng hari at reyna na siya namang ama at ina ko. Kaya naman walang duda kung bakit napalapit na ang loob ko sa kanya. Lagi niyang kinukwento sakin kung ano ang buhay sa labas ng palasyo. Manghang-mangha ako palagi at gusto ko laging nakikinig sa mga kwento niya na patunkol sa labas ng aming palasyo. Naiinggit ako sa mga kagaya nila na Malaya. Naikwekwento niya rin sa akin kung gaano kahirap ang buhay niya kaya naman sa tuwing kinakapos siya sa pera, lumalapit siya sa akin. Binibigyan ko naman siya mula sa mga perang nakukuha ko kina ama at ina. Hindi ko na rin hinahayang bayaran pa niya ang mga iyon. Wala rin naman kasi akong pang-gagamitan ng mga iyon dahil nasa palasyo lang naman ako at isa pa, pamalit na rin ng pag-aalaga niya sakin sa palasyong ito.
Pagkatapos kong ayusin ang aking kama ay kinuha ko ang aking phone sa lamesa na katabi lamang ng bed at tiningnan ko ang oras mula dito.
6:30 am. Eksaktong oras ng dapat kong paggising. Biglang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Bumangon ako at umupo sa dulo ng aking queen size bed habang nakaharap sa repleksyon ng aking buong sarili sa isang parte ng aking pader na ginawang full mirror.
Kitang-kita sa salamin ang repleksyon ng aking enggrandeng kwarto. May queensize bed sa gitna. Sa left side ng room ay may Malaking bintana kung saan kitang-kita ang kabuuan ng aming bayan sapagkat nakatirik ang aming palasyo sa pinakamataas na bahagi na bundok sa bayan. Mataas din ang kisame at may malaking chandelier na tila gawa sa nagkikislapang milyon-milyong dyamante. Mayroon din akong sariling library na may ikalawang palapag. Mahilig kasi akong mag-aral at magbasa ng mga libro dahil wala rin naman akong ginagawa dito sa loob ng palasyo.
BINABASA MO ANG
The Parallel Paradise
FantasyDreanna Luna knows that this is her dream life. But little did she know that this life is a dream.