Siguro kung nauubos lang ang tubig na nilalabas ng faucet na ito, for sure kanina pa itong walang naibubuga. Kanina pa ako naghihilamos sa lababo na nasa C.R ng bar nila Wilmer. May malaking salamin sa harapan ko at kitang-kita ko ang sarili kong basang-basa na ang buong mukha. Hindi parin kasi maalis sa isipan ko ang Nakita ko kanina. Pakiramdam ko ay nililinlang nanaman ako ng isang panaginip. I need to wake up if ever na nananaginip nanaman ako.
Nakita ko talaga kanina sa salamin ang sarili ko na nakikita ko sa mga panaginip ko. Yung prinsesa na ako. Hindi ako assuming. Talagang Nakita ko ang sarili ko. Yung Prinsesa Dreanna.
Pagkatapos kong magperform kanina ay agad akong tumakbo papunta sa direksyon ni Wilmer at kinaladkad ko siya sa banyo. I told him everything I saw In the glass window. Medyo nakakita ako ng takot sa mga mata niya noong una but at the end, he didn't even dare to believe me.
Kalimutan ko na daw yun. Masyado ko na daw kasi iniisip yung panaginip ko kaya naman kung ano-anong bagay na ang nakikita ko. Ilang beses ko siyang kinumbinsi na hindi ako nananaginip at totoong nakita ko ang sarili ko bilang prinsesa. Pero kahit anong pilit kong iexplain sa kanya ang bawat detalye ay talagang hindi niya ako pinaniniwalaan. Tinawanan niya pa nga ako at sinabing naprapraning daw ako.
Nung narealize kong nagmumukha na nga talaga akong katawa-tawa, tumigil na ako sa pagpapaniwala sa kanya at sinabi ko nalang na baka nga inimagine ko lang yun.
Nagpaiwan ako dito sa banyo at sinabi kong maghihilamos lang ako. Agad din naman siyang lumabas at iniwan na ako gaya ng sinabi ko.
Muli kong binuksan ang faucet at hinayaan lang umagos ang tubig mula dito. Ilang Segundo rin akong nakatulala habang tinititigan ang pag-agos ng tubig bago ako bumalik sa sarili ko. Sumalok ako mula dito gamit ang aking dalawang palad at muli itong inihilamos sa aking buong mukha.
Why am I even making that thing big deal? Pwede naman sigurong namalik-mata lang talaga ako dahil sa pagpapaapekto ko sa mga panaginip ko diba? Yeah, pwede namang ganun yun eh. I should have moving on, right? I should stop overthinking. That's it Dreanna. Stop thinking about those stuff.
Nang makumbinsi ko na ang aking sarili na isa lamang yung guni-guni ay pinunasan ko na ng panyo ang aking basang mukha. I took a deep breath before I faced the door as I was ready to go out of the bathroom but suddenly, something's caught my attention.
May nahahagip akong imahe sa sulok ng aking mga mata. There was something inside the mirror. Dahan-dahan kong nilingon ang salamin sa lababo at halos matumba ako sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang pagkagulat. Kagaya ko ay muntik na rin siyang matumba dahil sa biglaang pag-atras mula sa salamin. Sabay kaming napatakip ng bibig para pigilan ang pagsigaw. Sabay ring kumunot ang aming mga noo habang nakatingin pareho sa isa't-isa. Halos pareho kami ng mga binubuong galaw.
It's her! Prinsesa Dreanna. She's wearing a light pink dress as what I am always seeing in my dreams. Maayos ang hitsura at talaga nga namang isang tunay na prinsesa.
So that was really true? Yung Nakita ko kanina habang kumakanta ay parehong-pareho sa nakikita ko ngayon. Hindi yun basta lamang guni-guni! Kailangan itong makita ni Wilmer! Kailangan niyang malaman na nagsasabi ako ng totoo!
"Naririnig mo ba ako?" mukha akong tanga na kinakausap ang taong nasa kabilang bahagi ng salamin. Hindi ko maiwasang hindi tanggalin ang aking tingin sa kanya dahil sa sobrang pagkamangha sa kanyang angking ganda. Though magkamukhang-magkamukha naman kami pero talagang kakaiba ang charming niya dahil na rin sa maganda nitong ayos.
Sinenyasan niya ako na hindi niya ako naririnig. Dahan-dahan niya akong tinuturo na parang nakatutok ang kanyang hintuturo sa salamin. Ginaya ko ang kanyang ginawa at nang sandaling magtama ang aming mga hintuturo ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Agad akong lumayo sa salamin at sinenyasan siya na wag siyang aalis at pababalik din ako agad.
BINABASA MO ANG
The Parallel Paradise
FantasyDreanna Luna knows that this is her dream life. But little did she know that this life is a dream.