Chapter 1

43 1 1
                                    

Mabilis na lumipas ang oras. Pagkatapos ng paninira ni Wilmer sa panaginip ko kanina, hindi ko na muling inisip pa yung weird na panaginip ko. Inantay din ako ni Wilmer kanina na matapos mag-ayos at nagsabay kaming pumunta sa school. And kagaya ng dati, pinagtitinginan kami at halatang diring-diri ang mga tao sakin. May halong pagkasuklam ang mga mata nila at parang sinasabi ng kanilang mga mata na isa lamang akong basurang sumama sa gold na si Wilmer.

Sinabihan na ako ni Wilmer dati na wag ko nalang daw pansinin ang mga taong ganun. Pero kahit anong iwas ko, di ko parin magawang isipin kung bakit ba kasi ganito ang buhay ko. Kung maganda lang sana ang buhay ko, edi sana di ako nakakaencounter ng nga ganito sa paligid ko.

Huling klase na namin ngayon sa buong araw. Science Subject. Tila walang balak makinig sa discussion ang buong klase. Makikita sa kanilang mga hitsura ang matinding pagkabagot. Hapon na din kasi at parang ubos na ang lakas ng lahat para mag-aral pa. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganyan sila kasi maski naman ako ay hindi interesado sa asignaturang ito. Boring naman kasi talaga. Hindi ko rin naman naiintindihan ang mga lessons at sobrang gulo mag-explain ng lalaking guro sa harapan na sa tingin ko ay nasa edad kwarenta na.

Kanya-kanya silang mundo. Mahahalata talagang hindi sila nakikinig pero patuloy parin sa pagdada sa harap ang aming science teacher. Nilingon ko si Wilmer na seatmate ko. Seryosong-seryoso siyang nagtetake-note ng bawat mahahalagang bagay na binibigkas ng aming guro. Halos siya na nga lang ang yata ang interesado eh. No wonder kung bakit laging siya ang nangunguna sa ranggo pagdating sa academic excellence.

Sobrang ideal type niyang lalaki. Matalino. Masiyahin. Mapagbiro. Mayaman. Matangkad. Maputi. Maayos ang hitsura na animo'y bagong ligo lagi. Matangos ang ilong. Maganda ang kurba ng mga labi tulad ng kanyang chinitong mga mata. Nakaayos din lagi ang kanyang buhok na mas lalong dumagdag sa kanyang kagwapuhan. He's the type of man that every girls wanted to have. But he's the man who don't have time to entertain his charmers.

Kahit gaano siya i-admire ng mga babae sa campus namin, hindi ko iyon magawa sa kanya sapagkat talagang hanggang dun lang ang tingin ko kay Wilmer. Magkaibigan lang kami. Hindi ko alam kung bakit nga ba hindi man lang ako magkagusto sa kanya kahit kaunti. Takot lang ba akong masira ang friendship naming? O baka naman hindi talaga siya ang hinahanap kong lalaki.

"Pst" mahina kong tawag sa kanya ngunit hindi man lang siya lumingon. Gusto ko sana siya kausapin kasi sobrang naboboring na talaga ako ngunit halatang tutok na tutok siya sa ginagawa niya.

Hinayaan ko nalang siya sa kanyang ginagawa. Mukhang hindi niya ako narinig at halata ring ayaw nitong magpaistorbo. Dumungaw na lamang ako sa bintana na nasa left side ko. Hapon na at kitang-kita ang mamula-mulang kulay ng kalangitan na senyales na papalubog na ang araw.

Kung titingnan mula dito ang bayan ng San Del Pilar, hindi ito gaanong kapareho ng ibang normal na bayan. Sa ibang bayan kasi, masaya. Maraming batang naglalaro sa kalye. Madidinig ang mga malalakas na tawanan sa bawat tahanan. Ngunit dito sa San Del Pilar, kabaliktaran naman. Ang atmosphere dito ay tila nilamon ng kalungkutan. Parang bayan na walang kabuhay-buhay. Minsan ka lang makakakita ng tumatawa. Para sakin, si Wilmer na nga lang ata ang nagbibigay ng kulay dito eh.

Nagulat ako nang biglang magring ng malakas ang bell ng aming eskwelahan. Senyales na tapos na ang huling klase para sa araw na ito. Nadinig ko pa ang halos sabay-sabay na paghikab ng mga kaklase ko na animo'y nagsitulugan sa buong oras ng klase.

"Okay class, that's it for today" anunsyo ng aming boring na science teacher. Pagkatapos niya yun sabihin ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko at isinukbit ang kani-kanilang mga backpack at handa ng umalis.

Tumayo na rin ako at inilagay sa aking bag ang nakabuklat na libro sa aking mesa na hindi ko naman binasa kaninang klase. I'm not really a bookworm. I'm not into books.

The Parallel ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon