MONDAY
"Anak gumising ka na riyan anong oras na!
Bakit ba ang bilis ng oras tuwing lunes 5o'clock palang ng umaga ginising na ako ni mama baka raw kasi ma-late ako sa pagpasok...
As usual eto ako nagyon... tulaley hayssss
Naligo muna ako bago kumain.. "Woah ang lamig ng tubig."
Nagising diwa ko daiz! Ang lamig ba naman nung tubig na pinanligo ko mas ok na yun para mabuhayan ako kahit papaano
Maaga rin pumapasok sila mama at papa kaya nung kinakain ko palang yung almusal ko paalis na sila.
"Zoerel ubusin mo ang almusal mo para hindi ka gutumin ka agad"
Bagopa umalis sila mama ibinigay nya na yung baon ko hehe.. 100 pesos men!! de charot
Nung naka alis na sila nag ayos na kaagad ako dahil baka ma-late pa ako monday pa naman at tsaka baka businahan na naman ako ng service ko.
Bago pa ako businahan nung service ko naunahan ko na ha!! kapit bahay lang namin yung service ko yung anak kasi ni kuya Erwin na si Trisha ay parehas lang kami nang pinapasukang paaralan.
"Oh ang aga mo ngayon Danica?" Sabi ni kuya Erwin kay Danica... SI Danica at Trisha mga kaibigan ko bata palang kami ay kilala na namin ang isa't isa.
"Eto namang si kuya Erwin syempre kailangan baka mabulyawan ako ng teacher namin monday pa naman."
Pag monday kasi may Flag Ceremony kaya kapag na-late ka nang pasok mag hihintay ka pa sa gate at sobrang tagal kaya tuwing monday mas mabilis pa sa alas kwatro yung kilos namin baka kasi anong oras na kami papasukin nung guard na feeling principal... De charot
At hindi naman kami nabigo dahil maaga kaming nakarating sa paaralan... Eto na naman tayo eh kapag kasi dumadaan ka palang papunta sa room nakakahiya kahit wala ka namang ginawang mali.
Pero sa gilid talaga ako dumadaan pero dahil nga kasama ko si Trisha at Danica ngayon hinatak nila ako palapit sa kanila.
"Zoerel sino teacher nyo sa mapeh?" tanong ni Trisha habang naglalakad kami.
"Hmm... Wla pang sinasabi saamin kung sino ang teacher namin sa mapeh" sabi ko naman habang mag kakakapit yung mga kamay namin
Nung paakyat na nang hagdan ay kabado ako dahil mag hihiwalay na nga kami nila Danica kasi nga hindi namn kami mag kaka-klase kaya hiwalay hiwalay kami.
"Hoy Zoe mamaya hintayin mo ako ah!" sabi naman ni Trisha bago umakyat nasa second floor lang kasi yung room ko, Yung kay Danica naman ay nasa third floor tapos si Trisha naman ay nasa fourth floor.
Nag lakad na ako sa corridor at ang daming to sa labas ng mga room nila wala pa kasi yung mga teacherat may Flag Ceremony pa nga
"Aray!" sigaw ko nang may bumungo sa likuran ko... pakshet!
Ang sakit ng likod ko! umagang umaga ughhhh!
Lumingon ako para tignan kung sino yun ineexpect kong lalaki pero hindi eh... Babae ang harot pa nga nakikipag harutan kasi sya sa lalaki ay ganon ang haharot! de charot HAHAHA
Tinignan nya ako tsaka siya umalis.. haluhh sino ka riyan gurl? Hindi man lang kasi nag sorry ang kapal.
Aalis na sana ako para pumunta sa room nang my humawak sa pala-pulsuhan ko... Bumilis ka agad tibok ng puso ko kasi alam ko kung sino yung lalaki.
YOU ARE READING
With you | Ongoing
Teen FictionDespite all of their problems they still choose to stay with each others arm and face the problem together.