A's Point of View
Isipin mo'to.
Kakatapos lang ng bakasyon, papasok ka nanaman.
Ngayon, naliligo ka binuhos mo yung mainit na tubig sa timba sabay bukas mo ng gripo, gusto mo pa din maging kaklase mga kaklase mo nung third year ka, pero di pwede kasi bumaba section mo. Well, may iba ka namang mga kaklase na natira at the same time nakakausap mo, at kaklase mo din yung isa sa mga bestfriend mo sa tropa.Habang naliligo magshashampoo ka, syempre bubuksan mo yung sachet tas ilalagay mo sa ulo mo, tapos magsasabon ka. Magbubuhos ka sabay kuha ng face towell tas kukusin mo yung sabon, tas manghihilod ka. Tapos buhos, buhos, buhos. Oh alam mo na paano ako maligo? 😂
Pagkatapos maligo, kakain ka, pero Bago ka kumain magluluto ka muna kasi di ka na tinutulungan ng nanay mo, kasi daw big girl ka na kaya mo na yan, may dalawa ka pang kapatid kaya aasikasuhin mo pa yan.
Habang naghahanda dalawa mong kapatid syempre kakain ka, tas pakakainin mo sila, and then its time to go sa school.
Habang nagbyabyahe kayo kasama yung service nyo, napapaisip ka? Masaya kaya school year na 'to? Madami kaya akong magiging friends?
Hanggang sa makadating na kayo sa school niyo. Pagkapasok mo pa lang sa gate, parang mga ungas na walang tulog yung guard. Tapos madaming nagkakagulo naghahanapan ng classroom. Tas ikaw nagtanong sa teacher kung saan yung room ng St. Pedro calungsod at di mo alam katapat mo lang pala. Ang shunga *facepalm*
Pagpasok mo sa room, hindi sila tahimik. Kasi parang magkakakilala na sila halos, kasi dati na silang magkakaklase. Nakita mo yung kaibigan mo, bestfriend mong Si Marie yung balisong. Balisong, mangga, yan mga asar sakanya kasi medyo may pagkahaba yung baba nya.
Edi nalulungkot kayo pareho kasi di niyo na kaklase mga kaklase nyo dati, lalo na yung mga joker na sila Love, at Adriane.
"Hays, di bale nang di natin kaklase sila Love at Adriane. Kaklase pa naman natin si Oliver pati si Marc." Sabi ni Marie.
"Oo nga eh, di bale na, cute naman si Marc tas naninigaw naman si Oliver" sabi ko
Oo, tama naninigaw si Oliver, malakas talaga boses nyan, kahit simpleng bagay na sasabihin malakas boses nyan kala mo nakikipag-away, yan namang si Marc Cute yan!! Joker tapos, medyo chubby.
Pagkatapos ng mahaba-habang oras ng daldalan, dumating na yung moderator namin, akala ko nga tatay siya ni Marie eh! Pareho kasi silang mahaba. Pero di pala hahahahaah. So ayun sinabi niya lahat ng gagawin namin sa orientation, tas yun. Okay na. Gagawa daw kami ng dance ng buong section para sa kantang Happy ni Pharrel Williams. (Play mediaaa!! Para happy!!) at ayun habang nagpapractice may ilang kaklase akong nabigyan ng first impression. Madaming magaganda kaso konti lang ang gwapo. Isa sa nakita kong cute sa classroom si Carl. Kasi chinito siya, kaso mas matangkad ako sakanya. Siya seatmate ni Marie kapag naka-alphabetical order. May magaling din sumayaw si Kendrick, kahit na mejo payatot siya ang galing nyang sumayaw.
Habang binubuo namin yung steps naging okay na, napolish hanggang sa kami na yung section na sasayaw sa stage. Unluckily, wala kaming natanggap na award but its fine tho.
Pagkatapos ng mahabang proseso dito sa orientation uuwi't uuwi din kami.
Hanggang sa yun. Nasa bahay ka na ulit.(Faq i still suck at doing such writings. Vote and Comment!!)

DU LIEST GERADE
Pansamantala.
JugendliteraturShitty life • shitty author • shitty story Hiiii!!! Di ko siya first story pero shitty pa'rin kasi di pa'rin ako ganon kagaling magsulat, madami pa din sigurong wrong grammar and stuff pero I did try my best