Unknown Feels

4 0 0
                                    

Naging sobrang close kami ng Bestfriend kong Si ivo, tuwing dismissal lagi kaming magkasama nililibre nya ako.

Pumupunta kami ng library minsan, gumagawa ng assignments.

Matalino naman siya, tamad lang mag-aral. Atsaka mabait siya di lang ganun ka-halata kasi nga mailap siya iilan lang kinakausap niya.

i'm happy naging close ko siya 👍

Sept na ngayon. Nakikita ko grupo ng mga boys may pinaguusapan, super di ko alam ano pinaguusapan nila.

Pagdating ni Cassandra nagiba ihip ng hangin. Naghiwahiwalay sila.

Naglesson lang kami then nung Recess.

Tumabi ako kay ivo tapos inofferan siya ng oreo, tas nag-usap lang.

Pagpasok ni cassandra sa Room, biglang sinarado pintuan ng room namin. Tapos inayos nila yung mga upuan. Pinastay nila si cassandra sa Gitna ng room. Tapos si Christian tumayo, yung ibang boys nasa likod ni Christian kumakanta ng mga kantang love songs, Tapos may nirecite si Christian kay cassandra na poem.

Ako'y kilig na kilig sakanila hanggang sa napatingin ako kay ivo. Makikita mong nakasmile siya pero ang lungkot ng mata niya.

Oo nga pala, Mahal niya Si cassandra.

Bigla nang lumuhod si Christian at tinanong si cassandra kung pwede ba daw siyang maging Gf?

Umo-o naman si cassandra. Sobrang saya ni Christian, niyakap niya si cassandra sabay hiyawan ng mga kaklase namin. Sino ba namang di sasaya diba? 👊

"Selos ka no?" Tanong ko kay ivo
"Hindi ah.. Masaya ako para sakanila." Sabay ngiti niya.
"Ivo, okay lang yan. Andito naman ako pasasayarin kita :) makakamove-on ka din :)" sabi ko sakanya sabay hampas
"Pasasayarin?" Gulong pagtatanong niya
"Pasasayahin na aasarin :))" sabi ko nang nakangiti

Nagsmile siya, tapos yumuko. Hinaplos ko na lang likod niya, tas umupo na ako sa upuan ko.

Nalulungkot ako para sa Bestfriend ko.
Kaya pasasayahin ko na lang siya, Magiging super clown ako!!!

Pagka-upo ni Carl sa tabi ko, tinanong nya ako kung ano reaction ni ivo ang sabi ko "wala naman masaya lang si ivo para sakanya".

"Ay weh? Di nabitter?" Pang-asar na tanong ni Carl
"Sapakin kita dyan! Syempre malungkot yan, ikaw nga isipin mo si Kc na may sinagot na iba anong mararamdaman mo?"
"eh hahayaan ko lang siya andyan ka naman crush moko eh!"
"Kapal ng mukha mo, ka-m.u mo yon!! Hahaha tigilan moko lende mo."
"Eh, wala eh"

Pagkauwi ko, nangistalk na ako. Ang totoo nyan stalker talaga ako. Lalo na dun sa hater ko. Tinitingnan ko mga sinasabi nya sa akin. Tas naisipan kong tingnan yung wall ni ivo.

Nagtweet siya ng "pasasayarin"

Natuwa siguro siya doon. 😂

Puro mga mura laman ng wall netong bestfriend ko di ko kinaya.

Kada uwi ko kachat ko na din lagi yang si ivo. Iba ang pangalan nya sa fb. Sobrang patago pa nga kasi, bawal ako makipagfriends sa lalaki 😁

Totoo nga, andami kayang bawal sa akin.

•bawal ako mag-add ng friends na lalaki sa fb.
•bawal ako magtwitter.
•bawal akong lumabas.
•bawal ako magdress.
•bawal ako magshorts.
•bawal ako magfandom ng boygroups.

Lahat na ata bawal sa akin. 💔

Sobrang nagiging close kami ni ivo di ko alam pero di ako makatagal ng isang araw ng di ko siya nakakausap.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 26, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Pansamantala.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora