"Miss Hannah, gising na po pinapagising po kayo ng daddy niyo"
"Maya na"
"Gising na po Miss baka malate na po kayo sa school"
"Summer na walang pasok ngayon Aling Maris"
"Hindi po ako si Aling Maris. Ako po ito si Remi"
Huh? Remi? Sino yun? Bumangon ako at tinignan ang babaeng nasa gilid ko.
"SINO KA?! ALING MARISSSSS MAY NAKAPASOK SA KWARTO KOOOO"
"Miss Hannah, ako tu si Remi ang personal maid mo"
"Anong personal maid? Di ko afford personal maid nu"
"NENAAAAA MAY AMNESIA SI MISS HANNAH"
Huh? Miss Hannah? Sino yun? Kailie pangalan ko.
"MISS HANNAH?! JUSKO, TAWAGIN MO SI SIR CAIN AT SIR ALBERT DALI. TAWAGIN MO DIN YUNG DRIVER SABIHIN MO DADALHIN NATIN SA HOSPITAL SI MISS HANNAH!"
H-huh? Familliar yung mga name. T-teka nga hospital? Agad?!
"STOP! CHOTTO MATTE"
"JUSKO DALIAN MO NA REMI NAG SASALITA NA NG IBANG LENGGWAHE SI MISS HANNAH. JUSKO KAYLANGAN NA NATIN DALHIN SIYA SA ALBOLARYO"
"Teka lng, nagjojoke lng po ako. You know, start your day with a smile you know dba"
Sana umubra, grabe kanina ambulansya tapos ngayon albolaryo.
"A-ah ganuna ba hahahahhahaha s-sge. Kung yan sabi niyo"
Hohh buti nlng umubra.
Tinignan ako ng matanda na si Nena ba yun. Yun tawag sa kanya kay Remi e.
"ok lng po ako haha, pwede na po kayo lumabas"
Tinitigan nila ako at saka lumabas si Aling Nena. Tinignan ko ang kabubuan ng kwarto. Isa lng masasabi ko. ANG GULOOOO
Sa lamesa may nakakalat na cans ng softdrinks. Sa sahig din may mga nakakalat na jacket, t-shirt, pajama, short. Ang kalattttttt
"Miss Hannah, uulitin ko po. Pinapatawag na po kayo ng daddy niyo"
Tumango lng ako at umalis na siya. Bumangon at tumingin sa salamin. Ang ganda, ako ba tu? Sure? Sure na yan? Sure na sure? Ang ganda, klarong klaro na nakaskin care bes.
Teka nga, asan ba ako. Hannah? Inikot ko ang buong kwarto. Mas malaki pa ito sa apartment ko. May sofa at tv sa righ side at may malaking CR din. May mga balot pa ng pagkain na nakakalat. Sino ba tung si Hannah, di ba siya marunong maglinis?
Pumasok nlng ako CR. Ang laki talaga ng CR may bathtub pa tas shower. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Ang ganda talaga. Di ako makapaniwala. Sobrang taray niya ba kaya ganto kilay niya. Parang pag hahawakan mo e masusugatan ka.
Binuksan ko ang cabinet at bumungad sakin ang mga products na di ko kilala. May mga numbers na nakalagay. Numbers from 1-6. Taray ah. Kinuha ko lng yung Facial Cleanser at ginamit ito. Nagtoothbrush na rin ako para hindi mabaho hininga ko.
Kinuha ko na yung maliit na towel at pinunasan mukha ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Mas gumanda ako. Ako? Gaganda? Di ako makapaniwala na gaganda pa ako.
Lumabas na ako at tinignan ulit ang buong kwarto. Asan ba ako? Nasa panaginip ba ako. Kung panaginip tu edi sana di ko maiisip na panaginip tu. Ang naalala ko lng nahulog ako sa buil- ding.
Flashback
"Erie, maniwala ka sakin hindi ako yung nasa video" sabi ko at tinignan ang bestfriend ko na si Erie
"SINUNGALING! Ahas ka, inagaw mo boyfriend ko. Ang galing mo pa magsinungaling"
"Hindi ako yung nasa video. Kilala mo ako, hindi ako mang aagaw Erie maniwala ka naman oh"
"Ah talaga? May ebidensiya na o. Andito na nasa kamay mo at nasa bulsa mo"
"Bat ko naman magugustuhan ang boyfriend mo? Ni hindi ko nga siya nakausap na kami lng mag isa"
"Sinungaling Sinungaling SINUNGALING" sigaw ni Erie at tinignan ako "Tinuring kita na kapatid, tinulungan kita sa problema mo sa pera. Pero ganito lng gagawin mo sakin? Kapal mo ah"
"Erie, please lng maniwala ka, dba bestfrjend tayo?"
"Noon oo ngayon hindi na"
"Erie, ganyan ba kadali mawala tiwala mo sakin?"
"Oo, pinaniwala mo akong kaibigan kita pero ahas ka pala. Nagpapanggap ka pa na kaibigan ko para makuha boyfriend ko at ginamit mo pa ako para mabili mga gusto mo" napaupo na siya sa sahig sabay ang pag dating ng malakas na hangin.
"Erie, di kita ginamit. Kinaibigan kita kasi ikaw lng yung nagpatawa sakin nung sobrang down ako, ikaw lng yung sumuporta sakin sa mga gusto kong gawin, ikaw lng yung kumausap sakin sa unang araw ng pasukan"
"Nakakaawa ka kasi, kaya kita kinausap. Naawa ako sayo nun. Tas aagawin mo lng boyfriend ko? Wow, ang pangit pangit mo tas nagawa mo pang agawin boyfriend ko? Haaa, galing mo ah. Anong gayuma ginamit mo sakanya?"
"Wala Erie, walang gayuma, wala... Maniwala ka naman sakin oh please lng" may tumulo na luha sa mata ko. Pati ako naiiyak na din.
Pinunasan ko ang luha na lumabas sa mukha ko at lumapit ako sa kanya at hahawakan ko sana siya ng hampasin niya kamay ko.
"Wag kang lumapit sakin. Pangit na nga pag uugali mo, pangit pa mukha mo"
Parang may tumusok sa dibdib ko nung sinabi niya yun.
"Erie, naalala mo sinabi ko sayo? I'm not beautiful or pretty, you are just blinded by our friendship"
Napatigil siya at tinignan ako. Tumulo na sa dalawang mata ko ang luha.
"Hindi hindi hindi ayaw ko makinig sayo. Hindi hindi"
Naitulak niya ako.
Saka ko lng narealize na.
Nasa dulo pala kami ng mataas na parte ng pinakamataas na building ng eskwelahan.
Tinignan ko ang mga mata niya na puno ng pagsisisi.
Tinignan ko ang mga kamay niya na huli na para saluhin ako.
Huli na para kunin ang kamay ko.
"KAILIE!"
Huli kong narinig ang sigawan ng mga estudyante.
Huli kong nakita ang langit na dumilim.
Huli kong naramdaman ang malakas na simoy ng hangin at ang malamig na buhos ng ulan.
Ngumiti ako, I hate rain.
End of flashback
![](https://img.wattpad.com/cover/288937159-288-k589737.jpg)
YOU ARE READING
For The Last Time
RomanceInside a house, there's a normal family living happily. But are they really a normal family? A family that is full of secrets. What will happen if those secrets are revealed?