CHAPTER 1

0 1 0
                                    

CHAPTER 1

NAGISING Si Tyr at tulalang nakatingin sa kisame habang inaalala ang kanyang panaginip,
napanaginipan na naman nya ang dating kasintahan,ang babaeng minahal niya noon hanggang ngayon...hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit mahal na mahal nya padin ang dating kasintahan kahit na alam naman nyang niloko lang sya nito noon.

Siguro ay pinanghahawakan nya parin ang pangako nya pitong taon na ang nakararaan.

Siguro nga ay talagang minahal nya ng lubos ang dalaga,hindi nya lubos akalain na sa mga nagdaang taon ay mahal na mahal nya parin si Winnie,sa pitong taong nagdaan ay hindi nya nakalimutan si Winnie,hindi sya nawala sa kanyang isipan,  sya parin Ang laman ng puso nya..

Hindi sya naghanap ng babae tulad ng hiling nito,para sa kanya sya lang ang babaeng mamahalin at para sa kanya hindi nya kayang maghanap ng iba.

Mahal na Mahal nya ito kahit na naghiwalay na Sila noon,apat na taon ang nakalipas noong sinubukan nyang bumalik kay Winnie masaya sya noon dahil sa wakas ay may ipagmamalaki na sya dito pero ang sayang nararamdaman nya noon ay nawala ng parang bula dahil sa nakita nyang masaya Ito sa ibang lalaki, Ang lalaking Mahal nya, ang totoong Mahal nya...

Hindi man naging madali ang buhay nya noong naghiwalay sila dahil sa kulang nalang noon ay magpakamatay sya..

Hindi pa nga nya nakayanan ang lungkot na nadarama nya,dahil sa paghihiwalay nila noon ni Winnie ay nawalan sya ng konsentrasyon at laging lutang ang kanya isipan at palaging natutulala ...

Noong naghiwalay sila ay nagkandamalas-
malas ang kanyang buhay,pinalayas sya sa kanyang tinitirhang apartment dahil sa hindi sya nakabayad ng renta,Hindi din nagtagal ay nawalan sya ng trabaho sunod-sunod ang malas na nangyari sa buhay nya,naging palaboy-laboy pa sya sa kalye,naging pulubi ulit sya pero dahil din sa pagsisikap nya ay umangat ang buhay nya dahil narin sa tulong ng isang taong nagpa-angat sa buhay nya,ang taong nagdala sa kanyang kinaroroonan ngayon..

"~tit~tit~tit~tit~"napalingon sya sa alarm clock nya at pinatay. Umaga na pala,bumangon sya sa pag-kahiga at sinuot Ang pants nya,bagot syang lumabas ng kwarto nya at bumaba sa hagdan.

Malayo pa sya sa kusina ay rinig na rinig nya na ang mga sigaw ng mga kaibigan nya,parang nakalunok ng mga mega phone dahil sa lakas ng mga boses nila..buti Sana kung maganda Ang mga lumalabas sa mga bibig nila pero halos mga malulutong na mura ang maririnig..

"F*ck you Dreik "

"Yuck hindi tayo talo"

"F*CK YOU!!!" Sa tinig palang ng boses nito ay talagang galit at halatang nafru-frustrated.

"can you two f*cking stop shouting?? What if brother Tyr wake up??" That was Sofia's voice,iniisip nya palang na umuusok ang ilong nito sa galit dahil sa nag-aaway na naman ang dalawa ay hindi nya mapigilang mapa-iling.

"Hummpp it's fucking Dreik fault not mine, he kick my ass ....again!!!"
Pinigilan nyang matawa sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan nyang ulupong na kinulang ng aruga.

" Stop shouting Brent , ikaw naman Dreik why do you always kicking Brent butt??"

"His ass is f*king hot.. okay"

" You..don't tell me your a gay??" Gulat na gulat na tanong ni Sofia,ang nag-iisang babae na kaibigan nya..

"What??"

"No I'm not"

Hindi nya pinansin Ang tatlong nag-aaway nyang kaibigan at marahang  naglakad papasok ng kusina at kumuha ng tubig sa ref at isinalin sa baso saka sumandal sa gilid ng ref

BILLIONAIRE SERIES: TYR WINTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon