~ • | • ~
"WHAT THE?!" Agad akong napaupo sa higaan at itinakip ang kumot ko sa 'king katawan. Napalakas ata ang sigaw dahil maging si Sir Kairon ay nagising at agad na napaupo.
"ANONG NANGYARI?! MAY SUNOG? AKYAT-BAHAY?" Luminga-linga siya sa palaigid at parang may hinahanap na kung ano.
"Teka, wala namang sunog ah. Ba't ka biglang sumisigaw?" takhang tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Y-You! B-Ba't ka nakayakap sa 'kin?!" tanong ko sa kaniya. Dahil sa hiya ay hindi ko napigilang mautal. Sino ba naman kasi ang hindi maggulat kung magigisng ka na lang na may nakayakap na sa 'yo, .
"Ako? Nakayakap sa 'yo? Are you joking?" sagot niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"E ano 'yong kanina, nakapulupot pa nga mga braso mo sa 'kin, tapos nakadikit pa 'yang ano mo sa likod ko." Sobrang namumula na siguro ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
"Ba't kita yayakapin? Ano ako bakla? Baka ikaw 'yong bakla, kadiri ka," saad nito na tila diring-diri sa ideyang naisip. Bakas din sa mukha niya kung gaano niya kinasusuklaman ang ideyang 'yon. Napahinto ako.
Sandali, anong sabi niya? Kadiri... ako? Para namintig ang pandinig ko noong mga oras na 'yon. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatulala. Parang paulit-ulit na bumabalik ang sinabi niya sa tenga ko.
Kadiri ka.
Bumabalik na naman sa utak ko lahat. Lahat ng nangyari noon. Akala ko, ayos na sa akin ang lahat. Akala ko nakalimutan ko na iyon, pero para itong pelikula na bumalik sa utak ko. My past flashed before my eyes, My painful past.
I was so excited, 'di ko alam na yayayain ako ni Gideon sa park ng school namin. Hayst, best school year 'to! Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang mga kaibigan ko, lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Ba't parang may kakaiba?
Ipinagwalang-bahala ko na lang iyon dahil mas excited ako sa pagkikita namin ni Gideon. Umupo ako sa lilim ng puno habang naghihintay sa kaniya. Napaka-refreshing ng hangin dito sa park, it's already 4:00 pm, the golden hour. Nag-re-reflect sa balat ko ang kahel na sinag ng araw. Unti-unti na ring umuuwi ang mga tao dito sa park hanggang sa ako na lang mag-isa ang natira. Okay lang, basta dadating si Gideon.
Gideon is my friend ever since last year, grade 9 ako no'n nang makilala ko siya. I am comfortable whenever I'm with him, he makes me laugh, gives me motivation when I needed to, at hindi ko maiitanggi na gusto ko siya. Balak ko na din sana umamin ngayon, buti na lang at nagyaya siya. Ito ang pinakahihintay na araw ko, pero kinakabahan din ako sa magiging reaksyon niya. Tingin ko naman ay hindi siya magagalit, mabait kaya 'yon.
Ala-siete na at madilim na ang paligid pero hindi pa rin siya nadating. Gusto ko na sana umalis pero baka dumating siya at siya naman ang maghintay. Maya-maya ay biglang humiwa sa kalangitan ang talim ng kidlat, kasunod nito ang pagdagundong ng malakas na kulog.
Hayst! Mukhang uulan pa ata. Nagtatalo ang isip ko kung maghihintay ako o hindi. Nagbabadya ang malakas na ulan, wala din akong dalang payong. Pero kung aalis ako, pa'no si Gideon? Baka pumunta 'yon dito, ta's kung wala ako, baka siya naman ang maghintay.
BINABASA MO ANG
Under the Falling Leaves
Teen FictionGeum Ga-eul always knew that his life would never be normal. Growing up in a society full of perfection and hypocrisy, he forced himself to hide his attraction to men due to the fear of rejection and discrimination. Ga-eul's life at Criston Univers...