•CHAPTER THIRTEEN

746 12 2
                                    

/STILL ON FLASHBACK/

CALLY POV

Uwian na habang ang iba ay nagpapratice para sa gaganaping event,naikwento ko na din ang nangyari sa music room at katulad ng aking inaasahan hindi makapaniwala sina Thea at Anne na si Lucas ang kumain ng cupcakes na dala ko

Nauna na sina Thea at Anne na umuwi samantalang ako ay nagpaiwan kakausapin ko kasi si zach

Habang hinahanap ko sya sa building 3 napadpad ako sa isang abandonadong classroom dahil para may narinig akong familiar na boses na nanggagaling dito

"What did you want Kim"ani ng familiar na boses kaya mas lumapit ako at sumilip kong sino ang naguusap ngunit mas nagulat ako ng makita kong hinalikan ni Kim si Zach tumugon naman si Zach sa halik ni Kim habang nakatulala ako sa nangyayari hindi ko sinasadyang matabig ang flower vase kaya natumba dito alam kung narinig nilang dalawa ang tunog ng vase kaya dali dali akong umalis sa lugar na yon

Tumakbo ako hanggang makarating ako sa gate buti nalang nandyan na si manong ang family driver namin agad akong pumasok at umalis na kami

Habang nasa byahe kami pauwi hindi ako makapaniwala na si Kim ang magiging first kiss sa lips ni Zach,dapat ako yon eh dapat sakin yon naluluhang kong ani sa aking sarili

Nang makauwi sa mansion umakyat ako sa room ko at nagpalit dali dali akong bumaba para tulungan sina manang sa paghahanda ng mga pagkain dahil dadating sina mommy at daddy ngayon galing sa business trip sinusundo na sila ni kuya

Inaayos ko ang aking mga sangkap,sinuot ko na rin ang aking apron dahil gagawin kong special ang favorite dishes nina mommy at daddy

Hiwa dito...hiwa doon...nagprito...hinalo...nilagyan ng mga pangpalasa at makalipas ang ilang oras tapos na ang aking niluluto

I cooked buttered garlic shrimp,salt and spicy ernizza  chicken elbow and kokolia salad na both favorite dishes ng parents ko

Pagkatapos kong lutuin lahat ng yon ay nilagay ko na ito sa lamesa,at pinuri naman ako ng mga kasambahay namin lalo na si manang dahil sa amoy palang ng aking niluto ay masarap na 

Habang inaayos namin ang hapagkainan saktong dating ng parents ko kasama si kuya,agad akong lumapit sa kanila especially kay mommy yayakapin kona sana sya pero

"I'm tired and hungry cally" ani ni mommy kaya lumipat ako kay daddy

"Stay away from me cally ang baho mo"galit na ani ni daddy at nilagpasan nila ako

I still keep smiling kahit nasasaktan na ako,nang umupo na sila para kumain ay umupo narin ako at pinakita ang mga niluto ko

"Look mommy and daddy I cooked your favorite dishes buttered garlic shrimp,salt and spicy chicken elbow and this one is kokolia salad tikman nyo po masarap yan "masayang saad ko pero hindi nila ako pinansin pati narin ang mga niluto ko

Kaya habang hindi pa sila nawawalang ng mood sa pagkain,inexcuse kona ang sarili ko habang paakyat ako sa hagdanan nakatingin parin ako sa kanila at unti unting nilang pinapakawalan ang kanilang mga tawa...ang saya naman nila kapag wala ako

Agad akong pumasok sa room ko at itinulog nalang ang lahat ng sakit na dala dala ko simula kaninang umaga hanggang ngayon

A/N: jusko imbento kolang po ang kokolia salad at ang salt and spicy chicken elbow,hindi ko po sure kung meron nga noh

I'm fucking tired chasing you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon