•CHAPTER 28
ZACH POV
/STILL ON FLASHBACK/
Akala ko magiging madali para saakin ang hanapin si xane ngayong nakakakita na ako pero hindi pala walang ni isang nakakakilala sa kanya siguro dahil sa tagal na rin
Hindi din naging mabuti ang kalagayan ni lola simula ng mawala si lolo kaya hindi ko magawang itanong kay lola ang tungkol kay xane ang tanging pinaghahawakan ko nalang ang keychain na ibinigay ko sa kanya
Bumalik din ako sa paboritong lugar namin ni xane,sobrang ganda nga nito, kahit anim na taon na ang lumipas hindi parin nabubura ang pangalan namin ni xane na nakaukit sa puno.
Kahit sobrang tagal na pinanghahawakan ko padin ang mga pangarap at pangako namin ni xane sa isat isa
Si lola din ang nakakaalam ng buong pangalan ni xane
Napagdesisyunan na din namin na isama si lola sa maynila.
At pina enroll ako ni mom sa MC University akala namin mas mapapabuti ang kalagayan ni lola kapag sinama namin siya sa maynila pero mas lumalala pa ata
Minsan isang linggong nawawala si lola lage niya kasing hinahanap si lolo
Patuloy namin tiniisin si lola hanggang sa patuloy na lumalala ang sakit niya
Sa paglipas ng mga taon nagkaroon ako ng mga matatalik na kaibigan na alpha 4 ang pinangalan namin,kasama na don ang paghahabol ng mga desperadang babae sa akin lalo na si cally na kapatid ni clyde.
Hanggang sa hindi inaasahan biglang nagsalita si lola tungkol kay xane
Naalala ko pa ang sinabi ni lola bago siya macoma
"Si xane apo na aksidente...may bumangga sa kanya...apo si xane kailangan ka niya...apo ang daming dugo sa ulo ni xane parang mamamatay siya...apo tulungan mo siya"naluluhang saad ni lola
Hindi ko lubusan isipin na may mangyayari kay xane habang wala ako gusto ko pang magtanong kay lola pero nawala na naman siya sa katinuan
Hanggang sa naaksidente si lola na dahilan ng pagkakacoma niya hindi manlang niya na ipakita sa aking ang picture ni xane.
/END OF FLASHBACK/
"Sampung taon na ang nakakalipas xane...nasaan kana ba...I missed you so much xane...sana naghihintay ka parin sa muling pagkikita natin...pangako xane hahanapin at papakasalan kita"aniko sa kisame at natulog na
_KINABUKASAN_
CALLY POV
Unting unti kong minulat ang aking mga mata at naalala na wala pala ako sa mansion kaya dali-daling akong lumabas ng kwarto at naabutan kong nagluluto ng agahan si lucas
"Good morning"aniya
"Anong oras na"aniko
"9:30 na"saad
"W-what ang tagal ko naman matulog pasensya kana lucas ha"nahihiyang saad ko
"Ayos lang kumain ka muna ng breakfast tapos may samahan moko may pupuntahan tayo"aniya at pinaupo ako
"Thanks pero hindi pa ako nakakapagpalit"aniko habang nagsasandok
"Dadaan muna tayo sa bahay ninyo"aniya
"Ang sarap mo rin palang magluto lucas"masayang saad ko
Ewan ko pero sobrang komportable kong kasama si lucas at kung sakaling mahulog ako kay lucas wala naman siguro masama dba
Parehas naman kaming single ni lucas haist basta bahala naPero kapag umamin siya hindi kona papalampasin ang pagkakataon gusto ko din maranasan ang mahalin at alagaan
Mabilis kaming natapos sa pagkain ni Lucas nagpalit muna ako ng uniform ko na bagong tuyo palang dahil nilabhan ito ni lucas para daw may magamit ako
BINABASA MO ANG
I'm fucking tired chasing you
Sonstiges_prologue_ CALLY POV Nandito ako nakaupo sa isang cabin ng ferris wheel nakatulala habang pinamamasdan ang mga bituin at buwan sa kalangitan Inaalala ang mga katangahan aking ginawa para mapansin at mahalin niya pero wala eh talo ako,tuluyan na nga...