Isang Konting Advice para sa taong nagmamahal.

398 3 1
                                    

Sa pag-ibig kapag nagmahal ka, wag mong ibigay ang lahat lahat para sa taong minamahal mo, magtira ka para sa sarili mo. para kung sakaling dumating man yung time na magkakahiwalay kayo, hindi ka sobrang masasaktan at mahihirapan, minsan kase sa pag ibig nabubulag tayo, masyado lang natin pinapaikot yunng mundo natin sa iisang tao. WAG GANUN PRE! Hindi sya solar system. Marami ding tanga sa pag ibig. YUNG TIPONG GINAGAGO KANA. KINIKILIG KA PA. ANG SAYA DIBA?. Minsan gamitin din natin yung UTAK natin. wag palagi ang puso.
Oo alam ko masarap ang feeling pag inloved ka, yung tipong pagising mo sa umaga palaging good vibes ang araw mo, palagi kang nakangiti dahil sa taong mahal mo. kahit nagmumukha ka ng timang. palagi sya yung laman ng isip mo. yung tipong pag hindi mo sya nakikita parang ang lungkot ng araw mo. iba talaga pag tinamaan ka ng pana ni KUPIDO no? lahat na nang kakornihan nagagawa mo. Masarap magmahal yun nga lang masakit masaktan, pag nasaktan ka kase ng taong mahal mo parang magugunaw na mundo mo. Hindi ka kumakain, dinadaan mo nalang sa bisyo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, walang humpay na pag iyak babaha ng luha ang buong metro manila sa pag iyak mo. ( Haha! OA. )Kung sa bagay natural lang naman ang masaktan parte na kase ng buhay natin yan at dyan mo din napapatunayan na nagmahal ka. kaya kung dumating man yung point na masasaktan ka. be proud kase patunay lang yan na tao ka ( Haha! MALAMANG! Alangan naman hayop!XD!) TAKE NOTE!! Dahil sa bawat sakit na nararanasan mo dyan ka natututo at dyan ka naggrow bilang isang tao. ANG PARTNER NG LOVE AY PAIN. Kaya kapag nainloved ka, BE READY!. kase siguradong masasaktan ka. pero worth it naman e. atleast kahit papano naging masaya ka at naging parte sya ng buhay mo at kahit papano nagkaroon din ng saysay ang pagkatao mo. Minsan kelangan nating pasalamatan yung mga taong nanakit sa atin, kase kung hindi dahil sa pananakit nila wala tayong matututunan, hindi tayo magiging matatag. hindi na tayo basta-basta maloloko ng ibang tao :) pero ang iba sa sobrang dami nang natutunan nila at sa sobrang dami na ng pagkabigo nila. nagiging manhid na sila, hindi na marunong masaktan. sila na yung nananakit. Yung dating seryoso. sila na yung nagloloko. Kaya minsan hndi natin sila masisisi kung bakit nagka ganon sila. Haist! Ang love nga naman parang lindol. hindi mo alam kung kelan ka yayanigin at kapag tapos na iiwan ka nalang ng wasak na wasak. ( Ang lakas maka two wives ) Sa lahat ng ayaw magmahal at masaktan palitan nyo ang puso nyo ng artificial :D Hahaha!XD!!

----------------------------------------------------------------------------------

Eto lang po muna sa ngayon :) Tnx sa lahat nang nagbasa. abangan nyo yung isusulat ko na bago. Advice.kung pano mag move on :) Idudugtong ko nalang dito :) antay antay lang sa mga taong nahihirapan mag move on :) Nandito ako mag aadvice sa inyo. haha. naks :) Thanks ulit guys :)
-------------------------------. #1015 :)

Isang Konting Advice para sa taong nagmamahal.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon