---> Isang relasyon na kaunti lang ang nakaka tanggap sa lipunan, KASE NAKAKA DIRI TIGNAN AT PAKINGGAN, KESHO KASALANAN DAW SA DYOS AT HIGIT SA LAHAT HINDI DAW MAKAKA BUO NG PAMILYA KASE PAREHAS NG KASARIAN. Yan ang palagi kong naririnig sa mga taong makikitid ang pag-iisip at sarado ang utak. Wala namang masama kung magmamahal ka ng kapareho mo ng gender at lalong lalo na na hindi ito kasalanan sa diyos. Pare-parehas lang naman tayong tao. Hindi perpekto. ANG PAGMAMAHAL KASE WALANG PINIPILI YAN, MAPA BABAE,LALAKI,BAKLA,TOMBOY,BULAG,PIPI,BINGI. Kase pag naranasan mo ng magmahal hindi mo binabase sa itchura yan kahit pilay pa yan at kahit ano pang kasarian nyan kase hindi naman yan importante. Ang importante mahal mo at mahal ka ng taong mahal mo at masaya kayo sa relasyon nyo. Tsaka yung sinasabi nilang baby? Oo masarap kung may sarili kang pamilya, may mag aalaga sayo pag tumanda ka na. Minsan yung mga bagay na yan kahit wala yan magiging masaya ka naman. Hindi mo kailangan ng baby para sumaya, Sapat na yung taong mamahalin ka ng buong buo at tanggap ka kung ano ka at sino ka. Siguro para saken yan ang pinaka masaya. WALANG MALI SA PAGMAMAHAL. Alam nyo kung anong mali? Yung mga taong pilit sirain ang kaligayahan byong dalawa. Kase naiinggit sila. Sabi nga nila " WALANG CURE SA TAONG INSECURE". Sa lahat ng mga katulad kong tomboy. Hayaan nyo silang husgahan kayo o ang relasyon nyo. Atleast alam nyo sa sarili nyo na wala kayong naaapakang tao at isampal nyo sa pagmumukha nila na mali ang panghuhusga nila sa inyo. JOMBAGIN NYO! Joke lang :) . Basta yun lang. Huwag magpapa apekto sa sasabihin ng iba kase hindi naman sila yung nagmamahalan. Kayo. Smile lang para lalong mainis yung mga taong akala nila perpekto na sila. AT PARA NAMAN SA MGA TAONG WALANG GINAWA KUNDI HUSGAHAN KAME AT ANG RELASYON NAMIN. ITO LANG PO MASASABI KO. " WALA AKONG PAKEALAM SA INYO KAYA MAGBALAT NALANG KAYO NG PATATAS. MAKAKA TULONG PA KAYO KAY SARAH ANG MUNTING PRINSESA. BWAHAHAHAHA!! :D :P GOD BLESS YOU ALL :P.
----------------------------------
Thanks. Comment lang :)