How to move on?

144 2 0
                                    

MOVE ON!! Isang salitang napakadaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano nga ba mag move on? Alam mo para saken madali lang mag move on lalo na kung willing ka na kalimutan sya at tanggapin ang katotohanan na wala ng kayo. Pag natanggap mo yang mga bagay na yan masasabi mo sa sarili mo na " kaya mo ". Mahabang proseso ang pag momove on. Una : kalimutan mo ang mga bagay na nagpapa alala sakanya. Pangalawa : Huwag balik balikan pa ang mga lugar kung saan palagi nyong pinupuntahan. Pangatlo : Huwag nang tignan pa ang timeline nya sa fb, kase sigurado ako na hindi mo magugustuhan ang makikita mo. Pang apat : Huwag parating iyakan yung taong sinayang ang pagmamahal mo. TANDAAN!! HINDI KA PINALAKI NG MAGULANG MO PARA LANG IYAKAN ANG TAONG NANAKIT SAYO.
PANG LIMA : Maawa ka naman sa sarili mo, wag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan, magpaka saya ka at ipagmukha mo sakanya yung taong sinayang, sinaktan at pinakawalan nya.
Pang anim : itigil mo na ang kahibangan na babalik pa sya sayo. Kaya huwag kanang umasa dahil masyado nang maraming umaasa sa mundo kaya huwag ka nang dumagdag pa.
And last but not the least.
Pampito : Pag tuunang pansin ang taong nandyan para mahalin ka at hindi ka iniiwan kahit minsan pinagmumukha mong tanga. May isang taong deserve ang pagmamahal mo at sana huwag mong isarado ang puso mo. Hindi lang naman yung taong nanakit sayo ang tao sa mundo. Siguro iniisip mo na napakadali ko lang sabihin ang mga bagay na yan kase hindi ako yung nasa pwesto mo. Napag daanan ko na rin ang mga bagay na yan kaya petiks nalang yan para saken. Subukan mong gawin, effective yan :) Honesto. Promise ✋. Kaya sa lahat po ng magmomove on. Eto lang ang masasabi ko. TIME CAN HEAL A BROKEN HEART. Hindi naman importante kung gaano ka katagal makapag move on. Ang importante nakalimot ka. At dadating din yung time na pagtatawanan mo nalang ang mga bagay na yan mga panahong mukha ka pang tanga sakanya. Balang araw masasabi mo nalang sa sarili mo na " akalain mo yun iniyikan ko pala yung taong yun. Nakaka tawa diba? ". SO YOU CAN DO IT . its hard but worth it :). Sa lahat po nang hindi maka move on dyan. Try nyo lang po yung simpleng advice ko. SIMPLE BUT EFFECTIVE .

-------------------------------------------------------------------------- THANKS PO ULIT SA NAGBASA :) Comment nyo lang po kung hindi nyo nagustuhan at kung may mali sa ginawa ko. Para matama ko. Maraming salamat po :)) Ilove you guys .

Isang Konting Advice para sa taong nagmamahal.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon