Long Distance Relationship.

144 3 2
                                    

Isa sa pinaka mabigat na hamon para sa mga taong mapapalayo sa mahal nila. Isang hamon na kaunti lang ang nakaka survive. Kaya nyo nga bang tiisin na mapalayo kayo sa mahal nyo? Lalo na kung first time palang nyang malalayo sa piling nyo?. Oo alam ko mahirap pero kailangan. Kasi dyan nyo masusukat kung hanggang saan ang pagmamahalan nyo. Kung hanggang kailan nyo kayang panghawakan ang mga pangako nyo sa isa't isa. Kung gaano kalalim ang tiwala. LONG DISTANCE RELATIONSHIP ito ay para lang daw sa mga taong matatag para sa mga taong kayang harapin ang pagsubok na dadating sa relasyon nila. Sa palagay nyo matatag ba kayo? Sa palagay nyo kaya nyo?. Kung hindi nyo kaya. Isipin nyo lang ang mga bagay o ala-ala na palagi kayong masaya, mga bagay na walang makaka tibag sa relasyon nyo. Alam nyo distansya lang yan at ang distansyang yan. Numero lang yan. Kaya alam ko kaya nyo yan :) tiwala lang sa partner nyo. Wag puro tamang hinala. Kase isa yan sa makaka sira sa relasyon nyo. Wag magpapadala sa tukso. Hindi porke't malayo kayo sa isa't isa eh maghahanap na kayo ng kalandian. Aba wag ganun!! Maging fair naman kayo sa partner nyo. Wag basta bastang maniniwala sa mga bagay na naririnig lang. Sa hamon na ito. Dito na papasok ang hindi pagkakaintindihan. Puro away,problema. Pero kahit ganun pa man. Sana problema ang tapusin nyo. Wag ang relasyon nyo. Yakang yaka nyo yan. Wag lang mawalan ng communication sa isa't isa at sana wag kayong mawalan ng time, dahil isa rin yan sa pinaka importante sa long distance relationship ang time. Tiwala lang malalampasan nyo rin yan. At ipakita nyo sa lahat na kahit gaano man kalayo ang distansya nyo sa isa't isa hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na matagal nyong iningatan. Take note para sa mga babae. Magtiwala lang kayo sa boyfriend nyo. Wag puri hinala te. Wag masyadong nega. At para naman sa mga lalaki. Maging loyal kayo sa girlfriend nyo. Wag maghahanap ng pampalipas oras. Isipin nyo rin ang gf nyo na nagtitiis kahit hirap na hirap na sila. Distance is just a number. Kaya kayang kaya nyo yan. Wag basta- basta isuko ang taong mahal nyo ng dahil lang sa distansya .
Tandaan!! Dapat happy lang. Walang ending :)


-------------------------------------------------------------------

Thank you po ulet :) request lang po ito ng bestfriend ko. Sana nagustuhan nyo. Haha. Hndi ko talaga alam kung paano uumpisahan :) pasensya na kung may mali man or what :) i'm just trying my best. Haha. Thanks po ulet !:)
God bless! ü

Isang Konting Advice para sa taong nagmamahal.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon