Event: Graduation Day
"Hal, graduated na tayo mamaya" nakayakap si Ark sa likuran ko ngayon. Oo, Graduation na namin mamaya. Dapat nga mag-kahiwalay kami ng date ng graduation, kaso naisip ng school admins na pagsabayin na raw.
Nagluluto ako ngayong ng agahan namin. Katulad nga ng nasabing plano ni Ark sa akin noon, nakatira kami sa isang apartment. Hati kami sa bills o bayarin sa bahay.
"Teka, mamaya na yan lambing, kumain na muna tayo. Dadating na sila Tito at Tita mamaya. Kailangan gayak na tayo" sabi ko. Inihain ko na ang favorite niya, carbonara.
"Wow naman, sarap naman hal" sani ni Ark habang may-laman pa ang bibig. Hayss! Kahit kailan. Parang bata kumain.
Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang bibig niya. "Ang amos mo kumain hal."
"Syempre favorite ko eh" sagot nito.
Matapos namin kumain ay hinugasan ko na ang mga pinggan habang nauna naman maligo si Ark. Nung una ay sabay na raw kami kaso hindi ako pumayag. Paano ba naman, hindi ako nakaliligo ng maayos dahil nauuwi lang sa pag-didilig ng binhi ng pagmamahal, chourr. Lalo rin kami nagtatagal kaya, nahh, saka na.
Nang matapos na kami makagayak ay dumating narin si Tito at si Tita.
"Kamusta kayo rito?" tanong ni tita. OFW worker si Tita kaya ngayon lang namin sya dito nakasama.
"Ayos naman kami ma" sagot ni Ark.
"Darating ba dito si papa mo Zach?" Tanong ni tito. Agad naman akong sumagot, "Ahh doon na raw po sila magdederetso"
"Oh, ayos na ba kayo? Aalis na tayo" sabi ni Tita. Sumakay na kami sa sasakyan nila. Malaki na rin ang naipon ni Tita kaya nakabili sila ng sasakyan. Nang makarating na kami sa school, nag hiwalay na muna kami ni Ark since magkaiba kami ng block.
Nagsimula na rin ang marcha. Natatanaw ko na sila Papa at Mama pati na rin ang kapatid kong babae. Matapos banggitin ang pangalan ng iba ay tinawag na ang mga pangalan at nagbigay na ng parangal.
Mr. Alizach V. Achilles
Magna Cum Laude – with the GPA of 3.89
Mr. Arkie Xavier R. Fernandez
Magna Cum Laude – with the GPA of 3.95
Kasama ko na umakyat si Ark ng Entablado since both kami nakakuha ng magna cum laude. Kinamayan namin ang mga authorities and and university heads. After non ay binangit na ang iba pang Magna Cum Laude at mga Suma Cum Laude.
Kinanta na rin ang graduation song as closing song at lahat nagsisiiyakan na. Niyakap ko Ark na nasa tabi ko ngayong, hawak ang aking kamay.
"Congratuations Hal! We did it!!" bulong ko sa kanya
"Ikaw din baby! Umm, wait...I have flowers for you" Nagulat ako nung may inabot siya sa akin. Napansin ko na halos lahat ay nakatingin na sa amin at kinikilig. May iba na sumisigaw ng sana all daw. Tumawa nalang ako ng mahina. Ang swerte ko talaga.
"Salamat dito" sabi ko. Inamoy amoy ko pa ito.
Sunflower, my favorite.
"Tama na, baka langgamin kayo" sabat ng kapatid kong babae. Nakita ko na hinampas siya ni Mama ng mahina habang natatawa ng palihim.
"Tita, Tito, if you wouldn't mind, pwede ko po ba mahiram ngayong araw si Zach? Then tomorrow nalang po tayo mag-celebrate ng sama-sama. Naka ready na rin po yung booking sa resort" sabi ni Ark. Hmm always prepared talaga kaya laging pasado kila Mama at Papa eh, pati na rin sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Silid | Short Story #01
Любовные романыWarning: READ at YOUR OWN RISK. Some language may not be appropriate to other readers. If you are sensitive, homophobic and racism, KINDLY GO AND FIND ANOTHER STORY THAT WILL SUIT YOUR TASTE. [DRAFT] Written: October 3, 2021 @Written By: Kane Pheon...