Ika-apat na bahagi

11 2 0
                                    

After 2 months, the day of our 9th anniversary. December 16. Unang Simbang Gabi. 

We've decided to attend the mass and celebrate at home after. Parang mala-prom. May balloons and flower. We decided to dance. Tumugtog yung Through the Years

I can't remember when you weren't there

When I didn't care for anyone but you

I swear we've been through everything there is

Can't imagine anything we've missed

Can't imagine anything the two of us can't do

Through the years

You've never let me down

You turned my life around

The sweetest days I've found

I've found with you

Through the years

I've never been afraid

I've loved the life we've made

And I'm so glad I've stayed

Right here with you

Through the years

"Kenny Rogers - Through the years" || https://youtu.be/hDMmORGwRWI ||

"I will always love you Zach, No matter what. Araw-araw. Oras-Oras. Minu-minuto. At sa susunod na habang buhay. Ikaw at ikaw ang hahanapin ko, Ikaw at ikaw parin ang iibigin ko." Bulong nito. 

Kinakabahan ako. 

Hindi naman sya ganito magsalita eh. Hindi naman siguro mangyayari yung nasa-isip ko diba?

"Ark, wag ka susuko ah. Mahal na mahal din kita. I love you more than anyone in this world. Sayo lang ako sumaya. Sayo lang ako naging totoo." Sabi ko.

Maya-maya ay nadarama ko ang init ng pag dampi ng labi nito sa akin. Ang init. Ang lambot. Nilabanan ko ito ng halik din na tumagal ng halos 2 minuto.

 Pagtapos ng isang halik ay umupo siya sa harap ng piano at tumugtog habang kumakanta. Inalalayan nya ako at pinaupo sa tabihan nya.

Kung mawawala ka

Sa piling ko sinta

Paano ang Pasko

Inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan

At pagtitinginang tunay

Nais mo bang kalimutang ganap

Ang ating suyuan at galak

"Gary Valenciano - Pasko na Sinta ko" || https://youtu.be/RVX6rWf7QbI ||

Habang tumutugtog siya ay sumandal ako sa balikat niya. 

Nakapikit ang mga mata at dinarama ang bawat sandali. 

Bawat sandali na alam kong hindi na muling mauulit pa.

"Salamat Zach ah. Salamat sa lahat" pagsasalita nito na tila ba namamaalam.

"Salamat din Ark" tanging salita na lumabas sa bibig ko. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Pero, alam kong pagod ka na.

Tumayo na kami at pupunta sa mesa para kumain nang bigla siyang nagcollapse sya sa sahig. 

Dahil sa taranta, naluha na ko at nanginginig habang tumatawag ng amublansya.

"Tulongg. Ark wag ka naman ganyan oh. Ark. Arkie Xavier, umayos ka. Lumaban ka. Tangina naman oh." Sigaw ko.

Maya maya ay dumating na ang ambulansya. Agad din siyang naisugod sa hospital. 

Dumating na rin sila Tito at Tita na nakapambahay pa at bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Lumapit sila sa akin at niyakap ako.

"Hijo, wag kang susuko. Hijo, ikaw lang ang pag-asa ni Ark." Sabi ni tita. 

Hinahaplos-haplos ako nito habang pinapatahan.

Nagising na rin daw agad si Ark na ikinahinga namin ng malalim. 

Nagtungo na kami sa kwarto nito at agad kong hinawakan ang mga kamay.

"Ma, Pa, pasensya na po kayo. Pasensya na po kasi dumagdag na naman ako sa isipin nyo. Hindi ko rin inaasahan na ganito yung mangagari at magiging kalagayan ko." Naiiyak na sabi ni Ark

"Anak, wag mo sabihin yan. Unico Hijo ka namin. Nag-iisa kalang. Hindi mo kami mapipigilan na mag-alala sayo. Lakasan mo ang loob mo. Para sa inyo. Para sa amin." halos naiiyak na sabi ni tita.

"Salamat ma, pa! Salamat sa lahat. Alam kong minsan ay naging pasaway akong anak. Na minsan hindi ako yung inaasahan nyo."

"Anak, tahan na. Wala na yun. Bata ka pa lang nun. Hindi mo pa naiintindihan yun. Magpagaling at magpalakas ka." Sabi naman ni tito na makikita mo ngayong naluha na. Hindi na nakaimik si tita dahil naiyak na ito.

"Pwede nyo po ba muna akong hayaang kausapin si Zach ng kami lang?" request ni Ark.

"Sige anak" sabi nila. Lumabas na sila ng silid at sinaraduhan ang pintuan.

"Zach, salamat. Salamat kasi patuloy ka pa ring lumalaban.Salamat dahil hindi ka napagod mahalin ako. Salamat kasi nariyan ka lagi. Salamat dahil naging parte ka ng mundo ko." 

"Pasensya na kung mauuna ako sayo. Salamat sa ala-ala na binuo natin. Marami akong aral na babaunin. Pagmamahal mula sayo. Hindi man ako magtatagal. Pero, nasulit na natin ang oras natin. Zach, pinapalaya na kita."

"Malaya ka nang iwan ako. Hinding-hindi ako napagod at mapapagod na mahalin ka. Pero hindi ko kaya na nasasaktan kita."

"Zach, mahal na mahal kita. Sa huling pagkakataon. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. Sana magkita tayo sa susunod na buhay. Sana ako at ikaw pa rin ang nakatadhana. Mahal, pasesnya ka na. Pagod na ako. Nais ko nang mamahinga."

"Ark, wag mo sabihin yan. Ark mabubuhay ka. Ark, makakasama pa kita. Arkie Xavier R. Fernandez, mahal kita." Naiyak kong tugon.

 Namamanhid na muli ang aking katawan.

"Pagod na ako. Gusto ko nang pumikit at mamahinga Zach. Hindi ko na kaya"

"Si-sige Hayaan mo munang tawagin ko sila tito at tita please" mapait na pagmamakaawa ko.

 Agad kong tinawag si tito at tita. Pinuntahan na agad namin siya.

"Sige na anak. Ayos na kami. Mamahinga ka na" biglang buhos na naman ng iyak ni Tita.

"Sige na Ark, sige na baby. Pahinga ka na. Basta yung books wag mo kakalimutan ah" mapait ko na tugon. 

Nadudurog na ang puso ko ngayon. Niyakap ko siya ng saglit at bumitaw narin. Huling yakap na matatanggap ko sayo to Ark. Tatanggapin ko na lang para sayo.

"Opo, hindi ko malilimutan" 

pagsambit niya nito ay unti-unti na niyang ipinikit ang kanyang mga mata 

kasabay ang tunog 

ng flatline 

at pagtangis ng mga 

nagmamahal sa kanya.

TO BE CONTINUED

_____________________________________________________________________

Silid | Short Story #01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon