"Letter" Part 2 - The Last Story"

26 0 0
                                    

Play the music on the rightside ---->

"Letter" Part 2 - The Last Story"

Ang pag-ibig minsan lang dumating.

Paano kung hindi ka handa?

Dadaan lang ito ng hindi mo napapansin.

 May bestfriend akong siga.

Pero kahit ganun yun, mabait yun.

Lagi niyaakong sinusundo sa kanto.

Pagbaba ko ng jeep, uupo ako sa waiting shed.

Doon niya ako laging sinusundo.

Saksi yung haligi ng waiting shed,

Sa mga panahong magkasama kami.

Sa mga oras na parang mahal ko na siya.

Pero hindi na ngayon.

Wala ng susundo sakin.

Wala ng bubuhat ng bag ko.

Wala ng mangungulit sa akin.

Wala na akong papagalitan.

Wala na akong pagsasabihan.

Wala na ang bestfriend ko.

Nawala siya sa panahong.

Handa na akong umibig sa kanya.

Gumawa ako ng sulat para sa kanya.

Nagpasalamat ako. na kahit sinusungitan ko siya nandyan lang siya palagi.

Sa panahong malungkot ako, palagi niya akong pinapatawa.

Lagi niya akong pinagtatanggol, sa tuwing may mambabastos sa akin.

Ang swerte ko sa kanya.

At sinabi kong mahal ko na siya.

Pero bigla siyang tumawag sa akin.

"Hello best, pwede bang makipagkita sayo?"

"Bakit ano yun? gabi na ah."

"Basta importante may ibibigay lang ako sayo."

"Ano yun?"

"Basta magkita tayo sa waiting shed ha."

"Sige na nga hintayin mo ko ha."

Tiniklop ko na yung sulat na ginawa ko.

Ito na siguro yung pagkakataon.

Ibibigay ko na yung sulat ko sa kanya.

Agad akong lumabas sa bahay namin.

Ano kaya yung ibibigay niya sa akin?

Nang malapit na ako sa kanto.

Natanaw ko na yung waiting shed.

Pero maraming tao sa paligid.

Binilisan kong maglakad.

kinabahan ako bigla.

nagulat ako sa nakita ko.

"Anong nangyari?" sumigaw ako habang papalapit sa kanya.

"Binalikan ako nung nakaaway ko eh, hindi ako lumaban nagpromise ako sayo diba?"

"Bakit ka naman ganyan? Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?"

"Ano na naman ba ginawa ko?"

"Walang iwanan best diba?"

Nagsimula ng tumulo ang luha ko sa mata.

"Hihintayin kita doon ha."

Tumuro siya sa langit.

Yun ang huling salitang narinig ko sa kanya.

--------------------------------------------

"Anong ginagawa natin dito?"

"May dadalawin lang tayo."

"May kamag anak po ba kayo dito? Diba po wala kayong pamilya?"

"Wala."

"Eh, bakit po nandito tayo?"

"Nandito kasi yung una at huling pagibig ko. Ang taong nagmahal sa akin ng tunay."

Nakita ko angpuntod niya.

Nandito na ako best.

Umupo ako sa tapat ng puntod niya.

Pumikit ako. at nakita ko siyang muli.

"Lola? Kailangan na po nating bumalik sa home for the aged."

"Lola, gising napo."

 --------------------------------------------------

Dinala siya sa ospital ngunit di na siya umabot ng buhay.

Nakita sa kanyang kamay ang isang papel.

Yumao siya sa edad na 86.

Wala siyang asawa at anak.

THE END

-This is only a story that proved that if you really love someone, no matter what happened, he/she will always remain in your heart.

VOTE & COMMENT :)

-PilyangMaribel <3

&quot;Letter&quot; A Story Of Sacrifice&quot; (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon